CHAPTER 11 Masakit man para kay Rey ang mawalan nang mahal sa buhay ay wala siyang nagawa. Hinatid nila ng kaibigan niya sa sasakyan ang tito niya. Ayaw pa sana niyang iwan ito pero naalala ang bilin nito. "Pare tara na sa lugar na iyun para matapos na. Pabalik ka na sa Maynila na hindi mo man lang naenjoy ang bakasyun mo. " malungkot na sabi ni Rey. "Walang problema buddy, what are friend for kaya huwag kang mag isip nang kung anu anu. Kahit naman siguro ikaw ang nasa kalagayan ko gagawin mo ang ginawa ko." tugon ni Terrence. Bumalik ang magkaibigan sa simbahan para daanan si Father John Paul , hindi sila nabigo dahil mukhang nag aabang talaga ito sa kanila. "Father nasaan ang bihag?" tanung ni Rey. "Huwag kang mag alala Captain De Luna hindi iyun basta basta makakatakas. Kaya't