CHAPTER 13 "Hello pare nasaan ka?" tanung ni Rey kay Cyrus. "Andito ako sa tinutuluyan ko pare dadaanan ko si Weng punta kami sa Camp Villaflores bakit?" sagot ni Cyrus. " Wala pare sasabay sana ako pero kasama mo pala nobya mo. Kita na lang tayu sa Camp Villaflores." tugon ni Rey. "Sige pare. Ang walang-hiyang sinuman ang gumawa sa bagay na ito sisiguraduhin kong magbabayad nang mahal." sagot ni Cyrus bago pinatay ang linya. "Alam kung hindi ito magagawa nang kaibigan ko kayat humanda ang sinumang nasa likod nito. " piping aniya ni Rey bago nagmaniubra patungo sa Camp Villaflores. Pero ganun na lamang ang panlalaki nang mata niya nang mapagsinu ang nasa harapan niyang sasakyan. Gustong-gusto niya itong sugurin nang mga oras na iyun pero nagpigil siya. Wala siyang sapat na nalal