CHAPTER 15 Halos mapatalon si Dennise nang makita taong nakahiga sa higaan niya. Pero paano nangyari iyun eh kadarating lang niya? Urong-sulong siya dahil dito. Hanggang sa magkalakas loob siya na lumapit dito pero bago tuluyang makalapit sa higaan ay may ipis na nahulog sa kanyang harapan. "Iiiiiiipppppppiiiiiiissssssssss! !!!" Malakas niyang tili dahilan para mapasugod ang mga iniwan niya sa unang palapag nang kanilang tahanan. "What's happening Dennise?" tanung ni Raven II sa kanya. "Ipis kuya! Ilayo niyo sa akin iyan kuya may ipis! " nakatakip sa matang sagot ni Dennise. "Asaan ang ipis sis wala naman ah." aniya ni CV. "Andiyan kuya CV, nasa paanan ko tanggalin niyo please." nanginginig na sagot niya. "Will you please stop saying ipis Dennise, there's no cockroach besides