Pumasok ang malakas na ihip ng hangin sa loob ng kuwarto. Napatingin ako sa bintana na hindi naman nakabukas kanina ngunit ngayon ay bukas na. Nakahawi lang ang kurtina noon ngunit sigurado akong hindi bukas iyon dahil hindi ko naman iyon binuksan noong bago ako matulog. “Oh, you caught me for the first time.” Muli akong napalingon sa pintuan kung saan ko nakita si papa. Ang akala ko ay namamalikmata lang ako kanina o kaya naman ay naalimpungatan lamang ako, ngunit hindi. Dahil ngayon ay naglalakad na siya papunta sa aking kama. Bigla na lamang bumilis ang kabog ng aking dibdib. Maliwanag pa sa labas, kaya siguradong hapon pa lang. Pero bakit narito na si papa? Palagi siyang umuuwi na wala na ang liwanag at napalitan na iyon ng dilim. At isa pa, narito rin siya sa loob ng aking kuwarto.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books