Chapter 2: Gaia Earth Lee

1706 Words
Gaia pov Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar., dahakmn dahan akong bumangon. Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang sakit,nagtaka nalang ako na may benda ang ulo ko. " hala bakit meron ako nito? Ano bang nangyari saakin?" Pumasok ang isang matandang babae., may dala dala itong pagkain... Wow! " Naku iha gising ka na pala... Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo? Gutom ka na ba?" sunod niyang tanong. " ah eh... Mam ano pong ginagawa ko dito? Bakit po may benda ang ulo ko?" " Dala dala ka ng alaga ko kagabi., sabi ay nabundol ka daw niya pero hindi niya sinasadya... wag kang mag alala iha kasi magpapacheck up tayo mamaya pagkatapos mong kumain. Ako nga pala si Manang Minda mo... " " hindi na po kelangan Manang... uuwi nalang po ako... baka po hindi pa nakakain ang baby ko. " " baby?? Hala.... may anak ka na iha?? " " ah wala po... baby po tawag ko sa alaga kong aso... sige po aalis na po ak----" pagkababa ko sa kama isang lalaki ang pumasok. " you're not going anywhere.... Manang ibaba mo nalang yang pagkain... sa baba na kami kakain kasama siya. " utos ng lalaki. " Ikaw mag behave ka.. wag mong susungitan ang dalaga sige ka... Magsusumbong ako kay Phobos..." Sino naman si Phobos??? " Manang talaga... Sige na.. Bababa na lang kami mamaya... Andyan pa baba si Dexter. " Pagkalabas ni Manang agad itong lumapit saakin at ng crossarm lang sabay tingin ng maigi sa mukha ko. Napaatras ako ng mukha. " Bakit?" tanong ko. " Gaia Earth Sandoval Lee.... " banggit niya sa pangalanan ko. " Bakit alam mo ang pangalan ko?" " Dahil ako ang mapapangasawa mo... Sa ayaw mo o sa gusto mo." ANO!!?? " BWAHAHAHA" natawa nalang ako. " What's so funny?" kunot nitong tanong " alam mo wala tayo sa Kdrama... hindi porket gwapo ka ay papayag na ako.." " hindi ko naman hinihingi ang approval mo.. narinig mo ba sinabi ko kanina? Sa gusto o sa ayaw mo.." "ang pagkakasabi mo eh... Sa ayaw mo o sa gusto mo... baliktad ka naman eh..." pagtatama ko. " niloloko mo ba ako?..bayad na lahat ng utang mo sa bangko,, nakuha ko na ang titulo ng bahay niyo... pati utang mo sa tita mo." ? bakit niya binayaran? " Ngayon may sasabihin ka pa ba? " dagdag niya. " Anong kapalit? " " maging asawa ko... yun lang. " " bwahahaha yun lang?.. sa dinami dami ng babae sa mundo... ako pa ang napili mo... hanep kdrama ang peg! " " Nalaman ko din na mahilig ka nga sa kdrama...kaya wala kang boyfriend.. mula ngayon dito ka na titira... " "teka.... dito ako titira?? Paano ang anak ko..." "nasa baba na ang aso mo... kasama ni Dexter...dala dala na mga tauhan ko mga damit mo,. ang iba ay pinasunog ko na dahil parang basahan..." Laglag ang panga ko sa mga sinabi niya. Paano niya nalaman na may mga utang ako? " done thinking?? go up and fix yourself.. kakain na tayo....oh and by the way... ikakasal na tayo mamayang gabi. " at lumabas na ito. And another laglag panga with panty. Sinampal ko ang mukha ko.. kinurot ko na din ang braso ko... para malaman kung nananaginip ako pero..... s**t! Hindi nga. Nag ayos ako ng ng mukha at bumaba.... Pinagmasdan ko ang bahay ng lalaki...ang laki naman.. Meron bang ganitong dito sa Manila? Kakaiba talaga ang mga kagamitan niya. " Oh iha... halika na nasa dinning na sila.." Manang. Nakapaa paa akong pumunta sa mesa. Nakita ko ang isang lalaki hawak hawak si Kookoo.. Tinakbo ko ito at kunuha agad si kookoo mula sa lalaki. " Sit down Gaia...." sabi ni sungit Umupo ako kandong kandong si Kookoo. " can you put it down that dog... nasa hapagkainan tayo..." sungit " hindi pwede... sabay sabay kaming kumakain... magtatampo si Kookoo kapag hindi kami sabay....diba kookoo... Diba diba... " sabi ko kay kookoo.. Tumahol tahol naman ito. " fine... Manang pakuha nalang ng extra plate for her kookoo... " " naku wag na po Manang...share nalang po kami ni koko siya pa dagdag ng huhugasin. " Napatigil naman silang tatlo. Dahil gutom ako di ko nalang ito pinansin. " Gaia... After niyong magpa check mamaya... deretso kayo ni Manang sa Boutique para bumili ng damit para sa kasal natin.. " Napatigil naman ako sa pagnguya. " Hindi ba pwedeng manligaw ka muna bago mo ako pakasalan?... Ang panget naman kung pakasalan mo agad agad ako. " " hindi marunong si Master sa ganyan... wala pa itong naging girlfriend m.. " sabi ng lalaki na isa... Yung humawak kay koko kanina. " Shut up Dexter....! " suway ni sungit. " Daya naman.... wala pa din akong naging boyfriend... pero sana naman ay maranansan ko ang maligawan... Diba Manang... Diba diba.... " baling ko kay Manang na ka harap k lang. Tinawanan lang ako ni Manang at pinagpatuloy ang kayang kinakain. Sinulyapan ko si sungit at nakatingin lang siya saakin....hindi ba siya kakain?? " bakit? " tanong ko ulit Tsaka lang niya inalis ang tingin sa akin at nagsimula na itong kumain. Tsk problema nitong taong to... Teka hindi ko pa alam ang pangalan ni sungit. " Ano nga pala pangalan mo? Papakasal ako sa stranger di ko pa alam pangalan mo..." Pinapakain ko si Kookoo ng tinig niya ako ng masama. Lah anong nakakagalit sa tanong ko? " Ah Gaia siya pala si Deimos Shiva Monteverde..." Dexter Katakot naman ng pangalan niya.. " Teka sandali... Monteverde kamo?? Kaano ano mo yung may ari ng Monteverde Car Company??" " stupid! Malamang saakin yun.. Hindi ka ba nagbabasa ng headline or any news regarding the heirs of that company?.. " Umiling ako. " Wala akong social media dahil wala naman nagkakagusto saakin na maging kaibigan... Makita nga lang nila ako eh, napapangiwi na sila...si kookoo lang kakampi ko kahit noong sinasaktan ako ni Tita. " malungkot kong sabi. Nakisama din si kookoo sa pag emote ko. " Ano ba yan.. baka naman pati cellphone ay wala ka...? " tanong niya. " wala... aanhin ko pa ang cellphone, wala akong trabaho... dahil tinanggal nila ako. Binenta ko na nga yung de keypad kong phone para pambili ko ng pagkain namin ni Kookoo..." " dios miyo iha... anong kapalaran ang nangyari sayo...angel in disguise naman ang alaga ko..kita mo nagkita kayo... destiny " kinikilig pang sabi Manang. " Wag kang mag alala Gaia... yung bahay niyo ng magulang mo ay ipapaayos ni Master." Sinulyapan ko ulit si Deimos... Dei nalang kaya itawag ko.... " stop staring Gaia... eat your food and be ready for your check up... "sabi nito kahit hindi tumingin. Pinahawak ko kay Dexter si Kookoo... dahil sabi niya ay bibilhan niya ito ng cage. Napakabait niya... kahit pusturang pustura siya ay hindi nahihiyang hawakan si Kookoo Papunta na kami ni Manang Minda sa hospital.. " Gaia matanong ko nga pala.. anong nangyari sa mga magulang mo? "Manang Habang hinihintay namin ang Doctor. " 17 years old ako noong namatay sila... Car accident.. galing kasi sila sa Tagaytay... may seminar silang dinaluhan... Isang Principal si Mama.. si Papa naman isang Seaman.. bakasyon niya noon. Dalawang araw bago kaarawan ko ng mangyari yun... kaya magmula noon ay hindi ko na sinecelebrate ang birthday ko... sa ganung edad nagsimula na akong magtrabaho... sa Tita Sandra ako nakitira dahil sabi nito ay binenta daw ni tita ang bahay para sa paggastos sa libing nila papa... hindi ako nakapagtapos ng pag aaral dahil binabayaran ko ang pagpapakain sa akin ng tita ko... ni isang kaibigan ay wala ako... sobrang tuwa ko ng mapulot ko si Kookoo... siya ang naging katuwang ko kapag umiiyak ako sa gabi. " Naiiyak kong kwento.... " Napakasakit pala ang nangyari sayo Gaia... hindi kayo nagkalayo sa nangyari sa alaga ko.. Kagaya mo ay nadisgrasya din sina Mam noon bago mag birthday si Deimos... kaya kahit siya ay ayaw niya mag selebrayte nag kanyang kaarawan. Halos isang taon itong hindi makausap., hindi mo siya makikitang umiiyak pero sobrang sakit at lungkot ang naramdaman niya noon. " " Bakit kaya ganun Manang...kung sino pa ang mga masasayang pamilya, sila pa ang binibigyan ng pagsubok... pagsubok na may mawawalay sayo. " Hinawakan ako ni Manang sa kamay... " Hindi naman magbibigay si Papa God ng pagsubok na hindi natin kakayanin... Tiwala ka lang sa sarili mo... kung alam mong kaya mo... kakayanin mo. Kita mo ang pagkikita niyo ni Deimos. Hindi man maganda ang pagkakilala niyo...ay alam kong magiging maligaya kayong dalawa. " " Manang bakit po ba atat siyang magpakasal?.. Gaya po ba ito sa nababasa ko na pretend wedding... Or Contract Wife.. O kaya'y My fake Wife... " Natawa naman si Manang sa sinabi ko. " kakaiba ka mag isip Gaia... binabase mo ang mga napapanood at nababasa mo magaganap sainyo ni Deimos.... Ang totoo niyan ay gusto ng kambal niyang si Phobos na magkaroon na ito ng asawa... napapaginipan daw niya itong sinesernon nan at tinutulak na mag hanap na ng mapapangasawa. " " yun po ba yung si Phobos?? Takot pala siya sa kambal niya.?..Wala ba siyang tipo para yayain niyang pakasalan? O kaya maghanap ng ibang babae,, nakasing yaman niya... Babagay sa kagwapuhan niya. " " hindi kelan tumingin ng babae ang alaga ko.. ni magkaroon ata ng crush ay wala... walang babae anga hindi nagkakagusto sa kanya ang kaso... takot silang lumapit... hindi naman siya bakla... pero nakatutok kasi ito sa negosyong iniwan ng mga magulang niya. Nag aral ng mabuti,, at doon na niya binuhos sa negosyo ang oras niya.. hindi lang kasi negosyo ang hinahawakan niya.. " " ano pa bo Manang? " Ngunit hindi na niya ako nasagot dahil tinawag na kami ng secretarya ni Doc. Wala naman daw damaged sa ulo ko...nagbleed labg daw ito sa pagkaka untog sa semento.. Walang parte ng katawan ko ang napinsala sa accidente. daw ako nahinatay lang daw ako sa gulat at nauntog. Gaya ng sinabi ni Dei ay pumunta kamo sa isnag boutique para bumili ng dress para sa kasal mamaya.. Hahaha akalain niyo... nauntog at nahimatay lang ako pag gising ko... bride to be na papa ako. Dios miyo....!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD