“Ano hindi ka pa ba uuwi? Mahihirapan tayo mamaya sa jeep kapag hindi tayo nakalabas dito,” inis na inis na wika ni Dane sa akin.
Hindi ko kayang iwan si Ahmet dito lalo na sa sinabi niya kanina at baka mas lalo siyang magalit sa aking sa susunod na mga araw. May pinagkasunduan pa naman kami na trabaho sa kanya at baka mawala pa iyon sa akin…
Kailangan ko ng pera…
“P’wedeng mauna ka na, may gagawin lang ako, Dane.”
Pagod na pagod na si Dayanna, kanina pa siya nagtrabaho simula kaninang umaga at gustong gusto na niyang umuwi. Alas dos na rin ng umaga kaya ramdam ko rin ang pagod niya.
“Sure ka ba d’yan? Alam mo kung paano umuwi sa bahay—”
“Alam ko, tatawag ako kapag malapit na ako o ‘di kaya ay kakatok ako,” sabi ko para gumaan ang pakiramdam niya.
Inirapan niya ako bago siya tuluyang pumayag, kasama niya si Jelly na umalis. Iyong waitres rin na kaibigan na namin, nasa iisang barangay lang kami nakatira kaya ayos lang na magsama sila at hindi mag isa ang kaibigan ko.
Nang makita silang tuluyang sumakay ng jeep ay bumalik ako sa loob ng bar. Hinanap ko si Ahmet at mabuti na lang ay naroroon pa rin sa kanyang inuupuan. Nanlaki pa ang mata ko nang may lumapit na mga babae sa gawi niya at sinubukan siyang gisingin ngunit tulog na tulog talaga ang lalaki at maging ang kasamahan niya kaya hindi iyon nagising.
Tuluyang umalis ang mga kababaihan ay doon na ako lumapit. Umupo ako sa tabi ni Ahmet at hinawakan ang braso niya. Parang napaso ako sa ginawa ko dahil mabilis kong inalis iyon nang maramdaman ang matigas niyang katawan.
“Ahmet, umuwi ka na…” bulong ko sa kanya ngunit hindi pa rin nagising. “Si Georgina ‘to,” pakilala ko at sa pagkakataong iyon ay bumukas ang kanyang mata.
Napaupo siya mula sa pagkakasandal. Sinubukang tumayo ngunit kaagad ding napaupo dahil nga ay lasing!
Mukhang hindi pa man sisinag ang araw ay magiging personal assistant na niya ako sa gagawin ko ngayon! Hindi man lang pinalampas ang araw na ‘to, gusto ko na rin sana magpahinga dahil maging ako ay pagod na rin.
“Umuwi ka na, uuwi na rin ako. Pagod na ako, Sir.”
Sa sinabi kong iyon ay muli siyang tumayo at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay siya. Tumayo na rin ako para alalayan siya, napahawak ako sa braso niya. Napatingin naman siya sa maliit kong kamay bago ko siya hinila.
“Kuya, pakiuwi na lang po iyong dalawa,” sabay turo ko sa kasamahan niya.
“Yes, Miss. May uuwi sa kanila maya maya lang tinawagan na ng management,” ani ng bouncer sa akin.
Muli kong hinila si Ahmet hanggang sa nakalabas kami ng bar. Doon ko naaninag mukha niya. Namumula na siya at ang talukap ng mata ay pagod na pagod na. Malalim na hininga ang pinakawalan ko at muli siyang hinila.
Paano ba siya makakauwi nito kung gano’n? May susundo din ba sa kanya gaya ng kasamahan niya.
Inalalayan ko siya hanggang sa makaupo sa steel na upuan.
“May susundo ba sa ‘yo, Sir? May tinawagan ka ba?” tanong ko at sunod sunod siyang umiling habang nakapikit.
He look so different now. Kung kanina ay palaging galit ngayon ay napakaamo ng mukha. Tuwing lasing lang siguro siya mabait dahil kung hindi para siyang dragon na bubuga ng apoy.
“Hindi ako marunong magmaneho, kung gusto mo ipapahatid na lang kita sa taxi? Kaya niyo po ba?”
Hindi siya sumagot sa akin dahil para mapamura ako. Umikot ang aking mata at lumapit sa daanan. Tamang tama naman taxi doon at pinara ko na lang. Binalikan ko si Ahmet at muli siyang inalalayan. Kay laking laking tao parang mapapabuhat pa sa akin!
Ayos naman ‘to! Gusto ko na agad magresign sa kanya.
“Sir, mabigat po kayo, hindi ko po kayo kayo kaya,” paalala ko at umayos naman siya ng kaunti.
Nang tuluyan ko siyang naipasok sa loob ng taxi ay nagdalawang isip pa ako pero kalaunan ay pumasok na rin. Bahala na talaga, kailangan niya akong bigyan ng extra pay dahil sa ginagawa ko ngayon sa kanya!
Sinabi ko sa driver ang address. Ilang minuto lang ay nakarating kami dahil walang traffic at madaling araw na rin. Tamang tama naman ang pera ko na pambayad, halos suntukin ko pa si Ahmet dahil ang natitira kong pera ay pinangbayad ko pa sa taxi namin.
Ang sahod ko kanina ay maliit lang dahil late na ako. At para iyon sa makakain ko sa isang lingggo, hati sa ipapadala ko para sa gamot ni Gianet.
“Sir, nandito na tayo sa building mo. Please umayos naman kayo, ambigat niyo.” reklamo ko.
Nasa elevator kami at hinayaan ko siyang maupo sa sahig dahil mabigat talaga siya. Bahala na bukas, ramdam ko na hindi naman niya malalaman ang lahat ng ‘to.
F-uck, ang cctv!
Naalarma ako ngunit huli na dahil nasa tamang palapag kami. Pinatayo ko siya at napamura na lang ako nang dumikit ang mukha niya sa aking leeg. Itutulak ko na sana ngunit naawa ako, hindi niya din naman alam ‘to.
Hinila ko siya papasok sa kanyang unit, mabuti na lang at finger print ang kailangan, ginamit ko lang ang thumb niya at bumukas iyon. Tinulak ko siya sa sofa at nakahinga ako ng maluwag.
“Sir, sir,” tawag ko.
Bumukas ang kanyang mata at nagulat ako nang bigla niya akong hilahin, nadapa ako sa kanyang dibdib. Tinampal ko ang kanyang dibdib ngunit parang wala siyang naramdaman doon.
“Wash me, you're my assistant. I’ll pay you double.”
Umikot ang mga mata ko. I need the money! Umalis ako sa pagkakadagan sa kanya, kinulong pa talaga niya ako doon pero hindi ko na siya hinayaan pa na dumikit ako lalo sa katawan niya.
Sinumulan kong kunin ang damit niya. Naka shirt dress siya kaya maingat kong kinuha ang bawat botones bago tuluyang hinubad sa kanyang katawan. Napatakip ako nang mukha dahil sa init na naramdaman ko sa aking pisngi. Maganda kasi ang katawan ni Ahmet, may mga tattoo rin siya na nasa random na bahagi ng katawan niya. Maging ang kamay ay meron din pala.
Pumunta akong cr at kukuha sana ng palangga ngunit wala akong makita kaya ang ginawa ko ay dinala na lang siya sa kanyang silid at doon siya nilinisan. Gamit ang towel niya ay binasa ko iyon at pinunasan ang kanyang mukha, sa leeg, hanggang san katawan niya habang siya naman ay nakapikit lamang na parang baby!
Nang matapos ay hindi ko na alam kung maging ang pang ibaba ay pupunasan ko rin. Masyadong pribado ang parte na iyon kaya hindi ko na lang ginawa. Binagsak ko siya sa kanyang kama at doon inayos ang kanyang pagkakahiga.
Muli kong tinawag ang pangalan niya ngunit wala na talaga. Tulog na tulog na siya. Bumaba ako at umuwi, binawasan ang sahod ko kanina.
Nagising ako kinaumagahan dahil kay Dane.
“At saan ka pumunta kanina ha?” pagalit pa na aniya.
“May inayos lang.”
Kita ko sa mukha ni Dane na hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero hindi na rin nagtanong pa. Nag ayos na ako at sabay kaming pumunta sa building para maglinis. Pagkabigay ng papel sa akin ay alam ko na kung kanino iyon. Dala ang cart ay tinungo ko ang unit. Pagkarating ko ay nagbell ako, agad na bumukas iyon at bumungad sa akin si Ahmet.
Nakaputing sando siya at kulay itim na shorts. Kakaligo lang din siguro dahil basa pa ang buhok niya.
“You left me last night.”
“Kanina, hindi kagabi. Pagod na pagod ako dahil sa ‘yo, alam mo ba ‘yon?” hindi ko mapigilan ang sarili ko na magreklamo.
Hindi siya nagsalita at naglabas lamang ng kulat brown na sobre. Napatingin ako doon at mas lalo niyang nilapit sa akin.
“Bayad ko.”
Nanginginig ang kamay kong kinuha iyon sa kanya at binuksan. Napasinghap ako nang makita at pera. Parang nasa ten thousand ata iyon, ibabalik ko na sana sa kanya ngunit lumayo siya at pumunta sa kitchen area. Sinundan ko siya doon at nilapag ang sobre sa harapan niya.
“Sobrang laki niyan para sa ginawa ko, Sir.” matapong na saad ko.
“Akala ko kailangan mo ng pera?”
Parang may kidlat na tumama sa puso ko dahil sa sinabi niya dahil doon ay parang nagising ako sa reyalidad na kailangan ko ng pera. Muli kong kinuha ang sobre at nilagay sa bulsa ko, desperada na kung desperada ngunit kailangan ko talaga ng pera para sa kapatid ko. Malaking tulog pa ito dagdag sa gamot at operasyon niya.
“You will come with me today,” saad niya.
“Magsisimula na ba ako?” tanong ko.
Tumango siya. “I have many things to do today, pupunta din ako ng maynila at isasama kita. Kailangan ko ng assitant.”
Umuwang ang labi ko. “Po?”
Hindi ako nakapagpaalam kay Dane at hindi ko rin alam kung papaano dahil malamang sa malamang ay malalaman niyang may ugnayan kaming dalawa ni Ahmet. At hindi ko rin inakala na pati pala paglabas niya ng Isla Agua ay kasama ako!
“Hindi mo ba ako naririnig?” pagalit na sabi niya.
Galit na naman siya. Iba iba talaga ang mood ng lalaking ‘to.
“Kailangan ko munang magpaalam kay Dane at wala akong damit na maayos para sa manila. Pwedeng dito na lang ako, hihintayin kita sa pagbalik mo bago ko gawin ang gusto mo,” paliwanag ko.
“Who’s the boss here again?” he sarcastically asks.
Sa pagkakataong iyon ay wala na talaga akong nagawa at lumabas na sa kanyang unit para magpaalam kay Dane. Nahagilap ko siya sa baba na naghahanap ng unit na lilinisan niya.
“Dane,” tawag ko at lumingon naman siya.
“Bakit?”
Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
“Baka hindi ako makakauwi mamaya o gabi na ako makakauwi. Hindi muna ako magtatrabaho sa restaurant at sa bar, may gagawin lang ako para sa operasyon ni Gianet.” halos kumawala ang hangin sa katawan ko dahil sa pagsisinungaling sa kanya.
Kumunot ang noo niya na, duda sa rason ko.
“Gano’n ba? Sige, magtawagan na lang tayo. Update mo ako kung kailan ka babalik, nasa apartment lang ako natin.” sabay ngiti niya.
Matapos kong magtagumpay doon ay bumalik na ako sa unit ni Ahmet. Pagkapasok ko ay nahanap ko siyang nakasuot na ng suit, ready na para umalis. Habang ako ay nakasuot pa rin na pang uniporme.
“Sigurado ka ba talaga na ako ang kukunin mo? Hindi pa ako maalam sa ganitong bagay.”
“You can learn it,” he said in a cool tone. “Your clothes are inside my car, pinabili ko. Sa opisina ko na magbihis ka, may meeting ako. Hindi tayo dadaan sa main door, sa VIP tayo dadaan, alam kong nilihim mo ‘to kay Dayanna.”
Mabuti alam mo!
Nakasunod ako sa kanyang likuran habang papunta kami sa VIP gate na sinasabi niya. Halos namangha ako sa isang pader na pintuan pala papunta exclusive parking area. May pinindot siya susi ng sasakyan niya at tumunog iyon, sabay kaming pumasok sa loob. Nakita ko sa likuran ang mga paper bag, mga damit na gagamitin ko.
Pinaharurot niya ang sasakyan paalis at nakarating kami sa panibagong malaking building. Pinadala niya sa akin ang mga paper bag at dala ko iyon hanggang sa elevator. Ramdam ko ang sulyap niya sa akin habang naroon kami kaya hindi ko mapigilang matakot.
Nang bumukas ang lift nauna siyang lumbas at sumunod ako. Pumasok siya sa kanyang opisina at sumunod ako.
“You can take a shower if you want, completo dyan lahat maging ang damit na nandyan.” turan niya.
Tumango ako at pumasok sa loob ng CR. Malaki iyon, malaki pa ata sa unit niya. Frosted ang nasa liguan kaya maayos lang naman iyon sa akin. Naligo ako para magmukhang fresh ulit. Sinuot ko ang skirt at isang kulay puting blouse bago lumabas.
“Putangina, sabing h’wag niyong ipupublish ‘yan. Hindi niyo ba naiintidhan?!” nagulat ako sa sigaw ni Ahmet. “Delete it or I will delete your life.” banta niya bago pinatay ang tawag.
Nagtago ako dahil muling may tumawag sa kanya.
“I will be the first trillionaire, Jeth. Dad will give his company to me,” kampante ang boses niya ngayon hindi kagaya kanina. “Don’t threaten me, you can't bring me down you know that. You will be always the number two,” he said and cut the call.
Ilang sigundo ang pinalipas ko bago ako tuluyang lumabas.
“I have a proposal for you,” bungad niya kaagad sa akin pagkalabas ko ng CR.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. He looks satisfied with my looks because he didn’t talk about it, umangat lang ang kilay na parang sang ayos sa aking damit.
Humigpit naman ang hawak ko sa damit na ginamit ko kanina habang papalapit sa kanyang lamesa.
“Ano po ‘yon?” sabi ko.
May kinuha siyang folder sa drawer niya at nilapag sa kanyang lamesa.
“Read it,” utos niya.
Nakatingin ako kay Ahmet habang ang kamay ko ay kinuha ang folder sa kanyang lamesa. Nilapag ko ang aking gamit sa upuan bago ko binuksan ang folder. Binasa ko iyon at parang nanlabo ang mata ko habang binabasa iyon. Umuwang ang labi ko at napasinghap nang makita ang huling nakasaad sa papel.
“Bata?!” gulantang na tanong ko.
Minasahe niya ang kanyang batok.
“I will pay any amount in exchange for giving birth to my child. It doesn’t matter the se-x, I need a child now.” He summarizes the context of the paper.
Hindi ako makapaniwala at nilapag sa table niya ang papel.
“Akala mo madali lang iyon, Sir?” sarkasmong ani ko.
“I will pay, Georgina. I will provide while you are pregnant, I will be there in your whole pregnancy journey.”
Paano ako pagkatapos kong mailuwa ang bata? Anong gagawin ko? Ituturing niya ba akong ina?
“If he or she will ask about his mother, I won’t lie about you. If you are desperate for money, I am more than desperate to have a child. I am willing to pay any amount, just name your price.”
Akala niya ba talaga madali lang iyon? Hindi ako makapaniwala. Ang akala ko ay assistant lang ako bakit ngayon parang ginagawa na niya akong surrogate mother!
But he is correct, I am desperate for money. We are both have needs. Pareho kaming may gustong makuha, kahit hindi niya sabihin may ugnayan iyon sa kaninang katawagan niya.
I can have the money most easily.
Pero hindi kaya ng konsensya ko kapag lumaki ang bata na hindi niya ako kilala… Pero baka totoo naman ang sinasabi niya na hindi niya ako ipagsisinungaling sa bata.
“Five million, kailangan ko ay five million kapalit ng anak mo.” buong tapang kong sinabi.
A smile imprinted on his lips before he grabbed a pen and handed it to me. Ramdam ko ang kalabog ng puso ko, nanginginig ang kamay ko na kinuha ang ballpen at tinapat ang dulo sa papel. Bumuga ako ng hangin bago ko iyon pinermahan.
Matapos kong permahan iyon ay inabot ko sa kanya ang ballpen ngunit laking gulat ko nang bigla niya akong higit papalapit sa kanya at bumagsak ako sa kanyang dibdib.
“Can we start making the baby now?” bulong niya sa tainga ko at nagsitaasan ang balabiho sa katawan ko.