Kabanata 9
Muli akong nagpalit ng damit dahil para iyon sa trabaho. Isang fitted skirt iyon na hanggang ibabaw ng tuhod ko at de-butones naman sa pang ibabaw. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok dahil iyon ang palaging bilin sa akin ni Ahmet.
Habang siya naman ay naka two pieces suit na kulay grey, kagaya ng mata niya. His hair was slick brush up, naka relo na mamahalin, at sapatos na kulay itim na leather. Hindi ako nagsusuot ng heels, pero ngayon ay nagsuot ko dahil iyon lang ang nasa maletang binigay ng mga tauhan niya kanina.
Nakasunod ako sa likod niya, may dalang folder na may laman na papeles. Hindi naman iyon mabigat gaya ng iasahan ko.
Pumasok kami sa isang magarang sasakyan, nasa harapan ako habang si Ahmet naman ay nasa driver seat.
“Wala ka bang driver?” kuryoso kong tanong.
“I have, pero hindi sa araw araw ay kailangan ko siya. I can drive,” simpleng sagot niya.
Tumango ako at tinignan ang mga papeles na binigay niya. Hapon na ngunit hindi ko alam kung saan kami pupunta at bakit ganitong oras kung saan papalubog na ang araw. Ayon sa schedule niya, isang meeting lang ang nandito at kay Mr. Chua iyon.
Hindi ko na kinuwestyon iyon at sumunod sa kanya pababa ng sasakyan. Sa isang malaking building kami ngayon na pagmamay-ari no’ng Mr. Chua. Binungad kami ng babae at pinapasok sa elevator. She guided us in one door, at pakabukas bumungad sa amin ang ibang mga kalalakihan na pawang mga nasa late 40’s at 50’s na.
“Wait me there, I’ll finish this soon. H’wag na h’wag kang aalis, hindi mo makukuha ang pera mo.” banta pa niya.
Kahit hindi niya naman sabihin iyon ay hindi talaga ako aalis. Alam ko kung ano ang pakay ko, hindi niya na dapat pang sabihin ‘yon.
“Okay,” tugon ko.
Pumunta ako sa isang upuan sa bandang dulo ng hallway at doon namalagi. Iniwan naman ako ng babae dahil bumaba na siya. Habang naghihintay kay Ahmet ay tumunog ang cellphone ko, ang tinatago kong cellphone kay Ahmet!
Umuwang ang labi ko nang makita si Gino ang tumatawag, agad ko namang sinagot iyon at bumungad sa akin ang umiiyak kong kapatid.
“Gino! Bakit anong nangyari?!” taranta kong tanong, tumaas pa ang boses ko.
“Si Tita, Ate…”
“Anong nangyari kay Tita?”
Dinig ko ang paghikbi niya bago nagsalita. “May pumuntang kalalakihan dito sa bahay, hindi namin kilala ngunit hinahanap si Mama at hinahanap ka rin. Sabi naman wala kayo, ngunit hindi sila naniwala. Halos sira ang buong gamit sa bahay Ate, at maging si Tita ay sinaktan nila. N-Nagbanta pa… napapatayin daw nila si… Gianet kung hindi tayo makakabayad… Hindi namin alam na m-may utang t-tayo, Ate…” paliwanag niyang umiiyak.
Napasabunok ako ng aking buhok at napatayo sa narinig. Kinagat ko ang aking labi at hindi na alam kong ano ang susunod na gagawin.
Utang iyon dati namin noong namatay si Papa, wala kaming pera pampalibing sa kanya kaya umutang kami. Nakakapagbayad namin kami ngunit na hospital din ako at namatay si Mama kaya napilitan akong umutang ulit.
Hindi ko inakala na ganito hahantong sa lahat dahil maayos naman ang usapan namin dati… pero matagal na talaga noong huling bayad ko…
Kailangan ko ng pera…
“A-Ate… isang milyon d-daw lahat… iyon ang hinihingi nila…”
“Ano?!” sigaw ko.
Halos kalahating milyon lahat ng inutang ko lahat, hindi ito… Sobrang laki na, hindi ko na kayang bayaran. Kailangan pa ni Gianet ng operasyon…
“Lumaki raw ang interest dahil matagal ka ng hindi nakabayad… Ate kailangan na natin ng pera… Sasaktan nila si Gianet, baka ulitin nila kay Tita…”
Napapikit ako at pumuga ng hangin. Hindi ko alam kung p’wede ko nang kunin kay Ahmet ang perang pinangako niya… nahihiya rin ako magsabi. Gusto kong matapos na ‘to sa lalong madaling panahon. Kailangan na ako ng mga kapatid ko.
“Ako ang bahala, tatawagan ulit kita kapag may pera na ako. Itong buwan, gagawan ko ng paraan.”
Pagkababa ng tawag ay parang nanghina ako. Parang nahihiya na tuloy akong humarap kay Tita… Nandito siya para tulungan ako… hindi para masaktan…
Hindi ako mapakali habang naghihintay kay Ahmet na lumabas mula sa loob ng silid na iyon. Kung kailangan madaliin ang lahat ay gagawin ko kahit na labag man sa kalooban ko. Masyadong marami na ang problema ko at hindi ko na alam kung paano sila iisa isahin na tapusin!
Halos dalawa oras ako naghintay kay Ahmet hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas kasama ng ibang kalalakihang nandoon. Sininyasan niya akong lumapit kaya nagmadali akong lumapit sa kanya.
“Who is she? Ngayon ka lang nagdala ng babae dito ah, akala ko sa mga event lang,” natatawang tanong ng isang lalaki na sa palagay ko ay kasing edad lang niya.
Ahmet did not react, inisnob niya lang iyong lalaki at hinila ang kamay ko papasok sa elevator at hindi pinapasok ang iba.
“Sa iba kayo,” aniya at sinirado ang pinto.
Habang pababa ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya ako at natatakot. Takot ako sa kung ano man ang isipin niya sa akin.
Pakiramdam ko ay isa na akong bayarang babae dahil sa ginagawa ko. Kailangan niya ng anak at gagawin ko ang lahat para maibigay niya sa akin iyon, ngunit ang konsensya ko naman…
“We’ll go to our doctor. We should done this earlier, I want to know if you are really capable for giving me a child,” basag niya ng katahimikan.
Parang may kidlat na tumama sa puso ko dahil sa sinabi niya.
Paano kong hindi ko pala kaya? Paano kong hindi ko siya mabibigyan ng anak? Paano ang mga kapatid ko? Paano si Gianet? Paano ako?
Napapikit na lang ako sa lahat ng mga iniisip ko.
“Are you sure that you can handle this situation? You are twenty-two, Georgina. P’wede ka pa naman—”
“Kaya ko Sir, kaya kitang bigyan ng anak. Regular ang buwanang dalaw ko, wala akong komplikasyon sa matres o sa kahit anong parte ng katawan ko. Kahit na magpapadoctor tayo ngayon ay ayos lang dahil alam kong kaya kitang bigyan ng anak.” desperada kong saad.
Kita ko kung paano tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Alam kong kakaiba ang tono ng pananalita ko ngunit hindi ko talaga kaya ang lahat ng problema ko, parang naiiyak na ako kakaisip kong ayos lang ba sila Tita at dalawa kong kapatid.
“Kailan mo ba gustong magkaanak? Kung p’wede ngayon ay ayos lang sa akin… kailangan ko ng pera, Sir.”
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili na umiyak. Wala na akong pake kung ano man ang iisipin niya sa akin dahil hindi talaga ako magdadalawang isip sa mga bagay na may magandang maidudulot sa mga kapatid ko.
“P-P’wede tayong gumawa pagkatapos s-sa doctor,” napalunok ako dahil sa sinabi ko.
Kita ko ang pagkataka sa mukha niya. Nanliit ang mga mata na para bang hinahanap ang maling kilos ko. Bago pa man siya nagsalita ay bumukas ang pintuan. Sa pagkakataong ito ay nauna na akong lumabas sa kanya, nauna rin sa parking area.
“What do you think you're doing?” mariin niyang tanong at ramdam ko ang katawan niya sa likuran ko.
Hindi niya pinatunog ang kanyang sasakyan kaya alam kong hindi iyon mabubuksan. Kaya hinarap ko na lang siya. Tumaas ang kamay niya at sinandal iyon sa kanyang sasakyan. Ngayon, ang likuran ko ay nakadikit na sa pintuan.
Binasa ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa kaba. “Anong ibig mong sabihin?”
“You are acting weird. May nangyari ba habang nandoon ako sa meeting? Someone harras-s you? Sinaktan ka ba or what?”
Is he really asking that questions right now? Pakiramdam ko kasing isang tanong lang kung ayos ako ay iiyak na ako dahil sa bigat ng puso ko ngayon.
Umiling ako at tipid na ngumiti. “Wala naman, diba iyon naman talaga ang pinag usapan natin? Nagperma rin ako ng kasulatan, kaya mas mabuti kong magagawa natin iyon sa lalong madaling panahon… Kailangan pa ako ng mga kapatid ko, Sir.”
“Where are they now, then? Are they willing to move to Agua Viste? May lupain ako mala—”
Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya dahilan para putulin ko iyon. Masyado na siyang maraming offer sa akin at baka malaki ang kapalit no’n. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kanya, lalo na’t mayaman siya. Kaya niya akong durugin… kaya niya akong saktan.
“Ayos lang, Sir. Kailangan lang talaga mapabilis ang lahat.”
His grey eyes was darted in mine. Hindi ako makagalaw sa kanyang titig. Kalaunan ay naramdaman ko ang kanyang kamay na nasa sasakyan ngayon ay nasa beywang ko na.
“Do you really need the money huh, Georgina?”
He is mocking me. I can feel in the tone of his voice. Mukha akong desperada pero iyon ang totoo.
“Oo, kailangan ko na ng pera. Kung hindi mo maibibigay—”
“I can pay right now if that is what you want, Georgina. After the appointment, magbabayad kaagad ako.”
Mabilis ang kanyang pagpapatakbo ng sasakyan papunta sa clinic na sinabi niya. Napakapit pa sa pintuan dahil sa bilis. Nang tuluyan kaming nakarating sa isang hospital ay pumasok kami kaagad. Sa isang silid kami pumasok at bumungad sa amin ang isang babaeng doctor.
She looks like at her late fifties now. Bakas din ang gulat sa mukha niya nang makita ang lalaking nasa harapan ko.
“Hijo! It’s nice to meet you!” masayang sabi niya at lumapit, mahigpit na niyakap si Ahmet. “You really came, I was shocked when my assistant told me that you booked an appointment. Where is your girl now?” humiwalay ito ng pagkakayakap.
Ramdam ko ang paghawak ni Ahmet sa kamay ko bago pinakita sa doctor. Nakahinga ako ng maluwag nang makita siyang ngumiti sa akin bago ako nilapitan at nakipag-beso-beso.
“Oh, it’s nice to finally see you settle, Hijo. Let’s do the session now, I still need to attend a dinner date with my husband.”
I don’t know how to react in her words, dahil ang totoo ay hindi naman talaga magsesettle si Ahmet at gusto lang niya ay anak. Hindi rin kami bagay ni Ahmet dahil sobrang layo namin sa isa’t isa, naiimagine ko na ang reaksyon ng doctora kapag nalaman niya ang lahat ng ‘to.
I let her do anything she wanted to my body. Isang oras din ata iyon bago niya nakuha ang resulta, mabilis lang daw dahil wala na siyang ibang pasyente.
Binuklat niya ang papel at binaba ang eye glasses bago ngumiti. “This is nice, their is no complications, her cervix is in normal length and diameter. There is no other complications in her body too, especially in her abdomen. The only problem is her hand, may history ba ng pagkabali ang kamay mo hija?’
Iyong accidente ko.
Hindi ko alam kung paano naging normal lahat pero noong nagising ako galing sa aksidente ay sobrang sakit ng buong katawan ko. Am I heal?
My body is already healed, but soul? Palagi ko pa ring naalala iyon nawala ako.
“Opo, sa bahay namin. Nalaglag ako sa hagdan,” pagsisinungaling ko at sinamahan ng tawa para hindi maging awkward.
Natawa naman siya sa sagot ko. “Other than that wala na, Ahmet.”
I lied about my sister having a heart defect… Simula baby siya mayroon na siyang gano’n, sana hindi magkaroon ang baby ni Ahmet…
“Good to hear the good news, Tita.” ngumiti si Ahmet.
That was the first time I saw him smile.
Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Nagpaalam siya gano’n na rin ang ginawa ko. Pagkalabas, ramdam ko ang kamay niya sa beywang ko.
“Are you sure you are ready for this? You will be with me the whole nine months of pregnancy, Georgina. Kaya kung gusto mong dalhin ang mga kapatid—”
“Kaya ko nga Sir, uuwi uwi ako. Hindi ko itatakbo ang anak mo, kapag ginawa niyo ‘yon p’wede niyo akong kasuhan.” hamon ko.
Ayaw kong ipasok ang mga kapatid ko sa ganito. Ayaw kong malaman nila ang ginawa ko para magkapera kami. Ayaw kong isipin nila na bayaran akong babae. Ayaw kong malaman nila ang lahat.
“Okay then, let’s have se-x.”