Kabanata XVIII: Leon |Maria| 'PAANO mo naging asawa ang kapatid ko?' Napalabi ako ng marinig ko ang tanong niya sa aking isipan. Mahigpit akong napakapit sa kanya sa takot na baka mahulog ako. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako habang nakasampa sa likuran niya. Hindi kaagad ako nakaimik sa kayang tanong, nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba siya o hindi. Napalunok ako at pasimple siyang tinignan, seryoso itong nakatingin sa aming dinaraanan. Napansin siguro nito na nakatingin ako sa kanya kaya napasulyap ito sa akin. At halos panindigan ako ng balahibo sa batok ng magtagpo ang tingin namin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at ibinalik sa aming dinaraanan. Naipilig ako ang aking ulo. His gaze. Narinig ko ang bahagya nitong pagtawa. Napatikhim ako dahil doon. 'You can't tel