Kinabukasan, maaga akong pumasok sa trabaho dumeretso ako sa dressing room ko.
"Pagkakataon mo na para makilala ka ng tao sa ibang kakayahan mo hindi lang sa pag-arte, pagsasayaw at pag-host." sabi ng manager ko sa akin bumungad siya sa pintuan ng dressing room ko.
"Hindi ba ito sasagabal sa schedule bilang host?" tanong ko sa manager ko.
"Hindi naman, Drei pwede mo pa rin gawin ang pag-host mo sa noontime show ang mababawasan lang ang pag-acting mo sa pelikula at teleserye dahil ang pag-sasayaw mo pwede mo gawin kapag nag-host ka." sabi ng manager ko sa akin.
Tama ang manager ko magandang opportunity.
"Nakapag-desisyon ka na ba?" tanong ng manager ko sa akin at bumalik ako reality.
"Oo, napag-desisyon na ako sabihan nyo ako kung kailan lang gagawin." sabi ko sa manager ko.
Umalis na ang manager ko na may ngiti sa labi nya naupo ako sa couch tama kaya ito?
Nakita ng mga kasamahan ko na malungkot ako kaya nilapitan nila ako.
"Uy! Bakit ka malungkot?" takang tanong ni Xhey sa akin.
"Wala," kaila ko sa kaibigan ko.
"Anong wala ka dyan?! Ang tahimik mo kaya." sabat ni Emman na bagong dating kasama ang niya asawa nito na si Alexie.
"Kamusta? Malaki na ang tyan natin ah!" tanong ni Xhey nang makita niya na malaki ang tyan ng kaibigan namin na si Alexie.
"Oo nga eh!" ngiting sagot ni Alexie habang hinihimas ang tyan niya.
"Pangalawa na 'yan noh!" masayang tanong ni Xhey sa dalawa naming kaibigan.
"Yes," sabat ni Emman sa kaibigan nakatingin lang ako sa kanila.
"Lupeeet! Kung sino pa ang malandi noon at mabagal siya pa ang mauunang magkakaroon ng junakis, paano na tayo, brad makakahabol pa kaya tayo sa byahe?" biro ni Xhey at lumapit siya akin.
"Nyeks!" sagot ko na lang at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw ah! Malungkot ka rin sa pag-alis niya?" tanong ni Emman nang mapatingin siya sa akin.
"Kanino?" kaila ko naiisip ko pa rin siya kahit nasa malayo na siya.
"Alam mo ang tinutukoy ko," ngising sagot ni Emman sa akin.
"Baka kasal na siya ngayon at may anak na rin sila," sabat ni Xhey sa amin dahilan para tumahimik kami sa loob ng dressing room.
"Tumigil ka nga." sabi ko na lang parang nasaktan ako sa sinabi ng kaibigan ko.
"Oo nga, king bilhan mo na lang ako ng buko nagugutom na naman ako." sabat ni Alexie sa asawa niya nang lapitan ito.
"Buko na naman hindi ka ba nagsasawa?" simangot nasabi ni Emman sa asawa niya.
"Naglilihi 'yan eh, kaya wag ka nang mainis sa kanya." sabat ko sa dalawa kong kaibigan.
"Oo nga," sabat ni Eds nang bumungad sa tabi nila.
"Inggit ka lang, bro." sabat ni Xhey sa akin hindi na lang ako umimik.
"Tayo na para hindi na tayo tawagin ng director," sabat ko nang papalabas na ng dressing room para makaiwas sa pang-aasar ng mga kaibigan ko sa akin.
"Okay," sagot nilang lahat sa akin.
"Hi po, mga ninongs." bati ng inaanak namin—panganay nina Emman at Alexie.
"Sasamahan ka muna ng personal assistant ko sa kiddie show behave ka," bilin ni Alexie sa anak niya.
Ang buhay nga naman..
Iniwan namin ang kanilang anak sa dressing room kasama ang personal assistant nila.
"Gandang tanghali guys!" sigaw ko sa lahat ng audience.
"Gandanggggggg tanghali sa inyo!" bungad ng isang boses sa audience napatingin ako nang marinig ko ang boses ng taong minamahal ko.
Bumalik na siya.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko siya.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na hindi ma-ipaliwanag ang nararamdaman.
"OMG! Welcome back..." sabat ni Emman sa bagong dating na kaibigan namin.
"Thank you!" ngiting sagot niya humalik siya sa pisngi ng mga kaibigan namin.
"Haha! I miss you, bestfriend." tiling sabi ni Emman at yumakap sa kaibigan namin.
"I miss you too!" sagot niya tumingin siya sa asawa nito na kaibigan niya.
"Masaya ako at nakabalik ka dito," masayang sabi ni Emman at humalik siya sa pisngi ng kaibigan namin.
"How are you?" tanong niya sa kaibigan niya nang mapatingin ito.
"I'm fine, 2nd baby." sagot ni Alexie sabay turo sa tyan niyang may umbok.
"Ngeks! Three years old pa lang si Elle juntis ka na?" sagot niya napatingin naman sa kaibigan namin.
"Haha!" natatawang sagot ni Alexie sa amin.
"Nadale agad ni Emman eh! Hindi makapaghintay." asar ni Eds sabay hampas sa kaibigan namin na si Emman na katabi niya napapailing na lang.
"Drei, musta?" tanong niya sa akin.
"Okay lang," sabi ko na lang nakatingin ako ng deretso sa kanya kahit naiilang.
"Okay," sagot niya sa akin.
Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko sinamaan ko siya ng tingin.
"Bro, okay ka lang?" tanong ni Xhey sa kanya.
"Oo," sagot ko sa kanya.
"Masaya ka na?" tanong ni Xhey sa akin hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayong nakita ko siya.
"Yes, she's here." sabi ko sa kanya.
"Yes, but he's here." sabi ni Xhey sabay turo niya sa lalaking nakatayo sa gilid ng studio.
Napatingin ako sa tinuro ni Xhey at inis na tumingin ako sa taong dahilan para hindi ko masabi sa babaeng mahal ko ang nararamdaman ko.
"Damn it!" Bulong ko nang makita ang tinutukoy ng kaibigan namin.
"Narinig ko 'yon," sabat ni Xhey sa akin nandyan palagi ang harang sa aming dalawa.
"Haha!" tawa ko sa kaibigan namin na alam kong pilit ang pagtawa ko.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ni Xhey sa akin nang lingunin niya ako.
"Wala," sagot ko sa kaibigan namin.
Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na siya at kasama namin.
Makalipas ng tatlong oras, habang pabalik kami sa dressing room nakita namin naghihintay si Sam sa tapat ng dressing room.
"Are you ready?" Bungad ni Sam sa kanya.
"But hindi pa ako nagpapalit." sabi niya.
"Kainis!" bulong ko nang napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya.
"Go ahead! Will wait for you outside the building," masungit sagot ni Sam bago siya lumakad palayo.
Nakaka-gigil ang mga taong ganito!
Sinundan ko na lang siya ng tingin nang palayo na siya sa amin.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Alexie habang papasok sa dressing room.
"Ewan." iling sagot ni Emman at sinundan namin siya.
Sa dressing room ng banyo siya dumeretso. Umupo ang lahat sa couch at tahimik lang habang ako hindi mapakali.
"NAKAKAINIS!" sigaw niya mula sa loob ng banyo.
Anong ginawa mo sa kanya, Sam?
"What happened?" tanong ni Emman sa kaibigan namin habang kumakatok siya sa pintuan ng banyo.
"Nevermind!" sabi niya sa kaibigan namin hihdi siya okay, bakit nagka-ganito siya?
"Bakit kaya?" nasabi na lang nina Eds at Xhey sa mga kaibigan namin naririnig ko ang kanilang pag-uusap.
"Ewan." sagot ni Emman sa kanila.
"Ayos ka lang?" tanong ko nang kumakatok ako sa banyo hindi na ako naka-tiis.
"Yes, okay lang." sabi niya kahit nagagalit na ako kay Sam pinakalma ko ang sarili ko.
"Akala namin nilunok ka na dyan eh!" sabat ni Emman sa kanya nakita kong nagpipigil tumawa ang kaibigan namin.
"Okay, lalabas na ako." sigaw niya at bumukas ang pintuan ng banyo at umatras ako para lumabas siya.
"Anong nangyari?" bungad ni Alexie sa kanya nang makalabas na siya ng banyo.
"Aalis na ako baka hanapin pa niya ako," saabi niya mabilis na pinulot niya ang mga dalang bag sa may upuan.
"Wait!" tawag ni Emman sa kaibigan namin pero nakalayo na siya nang tuluyan.