Alenah POV
Nag-rehersal lang kaming lahat para sa anniversary ng show napansin ko na hindi na nag-practice ang kaibigan ko na si Emman kaya nilapitan ko siya.
"Hoy, relax ka lang dyan?" bungad ko.
"Tapos na ako noh!" sagot ng kaibigan ko sa akin.
"Tapos ka na sa rehersal mo?" tanong ko.
"Oo," sagot ng kaibigan ko sumenyas siya sa personal assistant niya na bigyan siya nang maiinom.
"Ang bilis naman!" sagot ko at tinabihan ko siya.
"Oo, saglit lang kasi 'yong practice ko," sagot ng kaibigan kaagad at kinuha niya ang tubig na inaabot ng personal niya na lumapit sa aming dalawa.
"Yup, tapos na kami ni Emmanuel." sabat ni Sazzy sa aming dalawa.
"Ah!" sabi ko tinignan ko si Sazzy.
"Aalis na kami ni Sazzy," sabi ng kaibigan ko bigla.
"Oo nga, para surprise ang sa amin." sabat ni Sazzy.
"Shhhhh...." saway ng kaibigan ko.
"Ang daya ang sa amin nakita nyo na," simangot na sabat ko sa kanilang dalawa ni Sazzy.
"Hahaha..." tawang sagot ni Sazzy sa kaibigan ko.
"Wala eh, hindi nyo tinatago haha..." ngiting sabi ng kaibigan ko sa akin at naglakad na sila palayo ni Sazzy.
"12 noon na anniversary na!" sigaw ni Drei sa buong audience.
"Anniversary?" kaila ni Eds tumingin sa mga kasamahan namin at ngumiti.
"May kulang naman," lungkot na sabat ko.
"Oo nga, hindi niya makikita ang mga performace natin." sabi ni Xhey saka dumikit sa kaibigan namin.
Nagsisimula na kaming lahat para sa performance namin at mapasaya ang mga tao.
After 2 minutes
Noontime Show: The Greatest Anniversary
Unang nag-perform si Drei nagpakita siya ng magic trick na ang mga bagay ay lumalabas sa monitor at habang sumasayaw pati kumakanta.
Pangalawa akong nag-perform nagpakita naman ako nang swimming dance sa mini aquarium sa studio kasama ang ka-loveteam na si Sam Marbien at fiance ko.
Pangatlong nag-perform si Eds kasama ang ka-banda pero hindi sila kumanta kundi sumayaw.
Pang-apat, sumayaw si Xhey kasama ang gf niya na si Nicki Gerd habang kumakanta.
Pang-limang nag-perform, lumabas nang led ang kaibigan ko na pormang lalaki at kumanta siya ng bihag ni Bryan Termulo at biglang lumabas sa led si Sazzy na may hawak ng remote control fake nang kumakanta na ay humarap siya sa led kunwaring pumindot si Sazzy sabay labas nang mga sweet picture moment nila ni Alexie at nang matapos ay humarap siya sa audience at sinabing,
"I LOVE YOU AND I MISS YOU—YOU ARE MY ANGEL IN MY HEART!" sigaw ng kaibigan ko nang humarap siya sa audience.
Nagulat kaming lahat kaya nilapitan namin sila at ngumiti ng may kahulugan.
"Totoo ba ang mga sinabi mo?" tanong ko nang nakitang umiiyak na ang kaibigan namin at nilapitan ko ito.
"Yes, totoo." amin ng kaibigan ko sa amin tumingin siya sa director namin na takot mawalan siya ng trabaho dahil bawal ang umibig sa mga kasamahan pero nakita kong sinenyasan ito na OKAY LANG.
"Bro, proud ako sa'yo!" ngiting sabi ni Xhey.
"Thanks, brad." sagot ng kaibigan namin at ngumiti na lang siya sa aming lahat.
"Saludo ako!" sabi ni Eds sa kaibigan namin.
"Thanks, guys!" sagot ng kaibigan namin.
Pagkatapos nang performance sumenyas sa akin ang handler ko at kinausap ako.
Kinabukasan
Sa noontime show
"Magandang tanghali everyone." sigaw ni Drei sa buong audience sa loob ng studio.
"Good noon dudes!" sigaw ni Xhey sa kanilang lahat.
"May malungkot dito," asar ni Eds nang makita tahimik ang kaibigan na si Emman.
"Syempre may namiss eh sino pa kundi si—" naudlot kong sasabihin nang makarinig kami ng sigawan kaya lumingon kami para lang magulat dahil lumabas mula sa likod ng led ang kaibigan namin na si Alexie.
"Hi, sa inyo!" sigaw ni Alexie nang labas siya ng led.
"Welcome back, Alexie." sigaw naming mga host napatingin ako sa kaibigan ko na si Emman na tahimik lang nasa tabi niya ang babaeng mahal niya.
"Welcome back, sis." sabi ko nang bumeso ako sa kaibigan namin.
"Thank you!" sagot ni Alexie sa aming lahat.
"Alam mo ba na umamin siya?!" Bulong ko kay Alexie nang marinig ko naman dahil katabi ko siya.
"Ang alin?" sagot ni Alexie sa akin.
"'Yong pag-ibig niya sa'yo inamin niya thru live broadcast ng show natin," sabi ko tumingin siya sa kaibigan namin na si Emman na kausap ang isa pa naming kaibigan na si Xhey.
after 3 hours
Lahat kami ng mga host nag-alisan na naiwan ako, si Drei, Emman at si Alexie na nagliligpit kami ng gamit sa loob dressing room namin.
"Mauna na ako sa inyo may shoot pa ako para sa bagong commercial," sabat ko binuhat ko ang dalang bag ko palabas ng dressing room namin.
"Sasabay na ako sa'yo," sabi ni Drei nang makita niyang lalabas na ako ng dressing room namin.
"Okay, tara!" sagot ko nang lumingon ako sa kanya.
"Okay, mauna na kami sa inyong dalawa." sabi ni Drei sa dalawa naming kaibigan na tumango lang sa amin.
Sa hallway
"Drei, okay ka lang?" puna ko nang mapansin kong matamlay siya sa tabi ko.
"Oo, okay lang ako." sagot ni Drei sa akin.
"Sige, mauna na ako." sabi ko naglakad ng mabilis palabas ng building nang hamman network.
After 5 month
I-announce ng mga kaibigan namin na sina Alexie at Emman ang kasal nilang dalawa sa show nagulat kaming lahat.
"Congrats sa inyo!" bati ko sa dalawang kaibigan namin.
"Thanks!" sagot ni Emman sabay yakap sa likod ng fiancee.
"Nang-iinggit ka!" biro ni Drei sa dalawang kaibigan namin.
"Ang bagal mo kasi kaya naunahan ka ng iba," sagot ni Alexie sa kaibigan namin nang tumingin siya.
"Ewan ko sa inyo!" simangot nasabi ni Drei sa kanilang dalawa.
"Hala ka napikon na!" asar ni Alexie sa kaibigan namin at tumawa silang dalawa.
"Hayaan mo na lang siya," sabat ko at tinabihan ko siya.
Minsan ang hirap umamin sa taong nagugustuhan mo dahil pakiramdam natin kapag nagsabi tayo ma-rereject tayo ayaw pa naman namin ang ganun dahil mas masasaktan tayo kapag sinabi nilang, "Hindi kita mahal/gusto." "hindi kita magugustuhan/mamahalin dahil hindi ikaw ang mahal ko."
Ngumiti na lang ako sa katabi ko at masaya ako sa dalawa kong kaibigan namin. Lalo na kaibigan ko na si Emman nahanap na niya ang taong magmamahal sa kanya at hindi na siya masasaktan.
After 2 years (2008)
Ikinasal ang dalawang kaibigan ko sa simbahan at naging abay pa kami nang papalabas na ang dalawang bagong kasal na kasunod kami sa likod sinalubong ako ng fiance ko na si Sam Marbien.
"Hi, let's go?" bungad ng fiance ko sa akin nang lapitan niya ako.
"Wait, hindi pa tapos ang kasal nila." sabi ko.
"Ma-late tayo sa flight natin," sabi ng fiance ko ngumiti na lang sa dalawang bagong kasal.
"Pero—" angal ko.
"Okay lang," sabat ni Alexie nang narinig ang pinag-usapan namin napatingin kaming dalawa.
"Nakakahiya naman sa'yo," sabi ko napatingin ako sa kaibigan namin.
"Oo nga, okay lang sa amin." sabat ni Emman sa amin.
"Sure kayo?" nag-aalinlangan kong sabi sa dalawang kaibigan ko.
"Yes, thanks sige ingat kayo." sabi ni Alexie sa amin nakita tumingin pa ako sa mga kaibigan ko buwisit naman!
"Thanks!" nag-aalinlangan kong sabi sa dalawang kaibigan namin.
"Halika na!" sabat ng fiance ko at hinawakan niya ang kamay ko nagpahila na lang palayo sa mga kaibigan ko.
"Ingat kayo!" sigaw ni Alexie sa amin at habang palabas kami ng simbahan.
"Why are you in a hurry? Our flight to Ohio this afternoon not now!" sigaw ko nang binitawan niya ako.
"I know, our parents want to talk to us, before we leave with them." sagot ng fiance ko sa akin.
"Fine!" inis kong sabi sa kanya padabog akong pumasok sa loob ng sasakyan niya.
Dinala niya ako sa bahay nila at naabutan namin ang magulang na nag-tatawanan.
"You two also arrived," nasabi ni mommy sa amin.
"Bakit nyo kami kakausapin pa wala nang dapat pang pag-usapan wala na akong magagawa, hindi ba?" bungad ko sa magulang namin.
"Bibig mo hindi ko nagustuhan ang lumalabas diyan," sita ni mommy natahimik naman ako.
Umupo kami sa harap ng magulang namin.
"For both of you, we do." sabat ni daddy sa amin.
"Is it really for us or for your business, dad?!" pabalang nasabi ko sa daddy ko at tumayo na ako para lumakad palabas ng bahay.
"Alenah Smith, come back here!" tawag ni daddy sa akin.
"Sinira nyo ang masayang araw ko ngayon nang dahil sa gusto nyo sana masaya na kayo," sagot ko at hindi ko na mapigilan umiyak sa harap nila.
Umalis na kami ng pamilya ko kasama ang pamilya ni Sam pupunta kami sa Ohio para sa formal engagement meeting.