Drei POV
"She was there, but I still felt like I was still far from her." nasabi ko at napatingin na lang ako sa paglabas niya sa dressing room namin.
"Sundan mo siya." bungad ni Xhey sa akin.
"Sige na!" sabi ng lahat sa akin habang nakatingin sa lumabas na kaibigan namin.
Napatingin ako sa kanila at nag-aalinlangan pa ako.
"P-ero..." sabi ko lumabas pa rin ako ng dressing room namin.
Nakita kong naglalakad siya nakita ko pang may bumati sa kanya.
"Wait! Alenah." tawag ko na lang sa kanya.
"Why?" tanong niya nang lumingon siya sa akin.
"Pwede ba kita kausapin?" sabi ko na lang nang palapit na ako sa kanya.
"No, next time na lang tayo mag-usap." sagot niya mabilis na lumayo tinanaw ko pa siya at nakita ko ang ginawa niya kay Sam.
Nang sumakay na sila sa sasakyan saka ako sumunod at nakatingin na lang ako sa kanila.
"Sayang! Sa susunod ko gagawin ang mga hakbang ko sa kanya at masabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko sa kanya," nasabi ko sinundan ko na lang ng tingin ang papalayong sasakyan kung saan nakasakay siya.
"Drei!" tawag ng isang boses napalingon ako at nakilala ko ang tumawag sa akin.
"Josh!" ngiting sabi ko sa kanya nakipag-apiran na lang ako pagka-lapit niya.
"Kamusta ka na?" tanong ni Josh sa akin at lumakad kami papunta sa loob ng hamman building.
"Mabuti naman, ikaw mula nang nabuwag ang dance group nawala na kayo." sabi ko sa kanya.
"Naging busy ako sa acting pagkatapos natin mabuwag," sagot ni Josh sa akin.
"Sikat na nga eh," biro ko sa kanya natawa naman kaming dalawa.
"Parehas lang tayo," sagot ni Josh sa akin ngumiti na lang ako sa kanya.
Nabuwag man kami as dance group hindi nabuwag ang pagka-kaibigan namin.
"Akalain mo nga 'yon naiba ang career natin pagkatapos mabuwag ng group dito pala tayo babagsak, ano?" sagot ko na lang sa kanya.
"Oo, hindi ako marunong umacting pero natuto ako at gumaling, ikaw hindi ka naman ganyan pero tignan mo ang sarili mo dyan ka bumagsak mahiyain ka kung magpakilala noon kapag may mall show tayo pero, host ka na ngayon hindi ba?" sagot ni Josh sa akin tinapik ko ang balikat niya dahil sa sinabi niya.
"Binubulgar mo ako," biro ko na lang sa kanya at binabati kaming dalawa ng mga staff may kinikilig pa sa amin.
"Haha! Nakaka-miss naman kapag ganito tayo, naging busy na kasi tayo." sagot ni Josh tumango na lang ako sa kanya.
"Oo nga eh, kapag birthday mag-reunion tayo pero 'yong schedule hindi sasagal dapat maging free ang oras nating lahat." sagot ko sa kanya.
"Sige, sasabihan ko ang iba." sagot ni Josh sa akin kumaway na lang nang tawagin siya ng manager niya.
"Bye!" sigaw ko at bumalik ako sa dressing room wala na ang mag-asawa at ang kanilang anak.
"Akala ko kinalimutan mo na ang gamit mo," sabi ni Xhey sa akin nang makita niya ako na pumasok sa loob.
"Hindi may kinausap lang ako kaya natagalan ako," sabi ko at inayos ang gamit ko nilagay sa loob ng bag.
"Bakit kasi ayaw mo ng personal assistant?" tanong ni Xhey sa akin.
"Na-didistract ako kapag may tao sa likod ko maliban sa manager ko sinabi rin 'yan ng manager ko pero wala siyang nagawa," sagot ko at nakaramdam ako ng pangangati sa braso ko.
"Ayaw mo lang na may humahawak na iba sa gamit mo," puna ni Xhey sa akin natawa na lang ako may katotohanan rin naman ang sinabi niya sa akin.
"Hindi 'yon," sabi ko na lang.
"May rashes ka, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Xhey at huminto ako sa pag-liligpit ng gamit ko.
"Ewan ko, bigla ako nangati eh.." sagot ko na lang namumula na ang balat ko dahil sa kamot ko.
"Ano ba 'yan.." sabi ni Xhey sa akin.
Huminga na lang ako ng malalim nang makaramdam ng pananakit ng ulo.
Inayos ko ang suot na damit at tinuloy ang ginagawa ko. Bago ako magpaalam sa kaibigan ko bitbit ang gamit ko umalis na ako para pumunta sa kabilang studio.
"Drei, okay ka lang?" tanong ng manager ko nang tabihan niya ako sa bangko.
"Medyo nahihilo ako, manager pwede mag-half day? Hindi ko kakayanin na eh." sagot ko sa manager ko at sumandal sa pader.
"Sige, kakausapin ko ang director namumula ka na oh.." sabi ng manager ko sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya at kumuha ng gamot sa bag at nang tubig bago ininom.
Hinatid nila ako sa condo ko nang matapos ang taping ko sa show. Nakaramdam ako ng panginginig ng katawan kaya pinatay ko ang aircon. Tinawagan ko ang manager ko sa cellphone ko.
Calling...
Manager Roel: Bakit ka napa-tawag? Okay ka lang ba?
Drei: *cough *cough pe–wde ba na samahan *cough mo ako dito sa–condo ko?
Manager Roel: Inuubo ka na, sige magpapaalam ako sa asawa ko, magpahinga ka lang dyan.
Drei: *cough *cough sige..sa–lamat–
Manager Roel: Bibili na rin ako ng gamot mo, Drei magluto ka ng mainit na noodles humigop ka para mainitan kabat bukas dadalhin kita sa hospital.
Drei: *cough *cough sige..nilalamig pa rin ako kahit pinatay ko na ang aircon.
Manager Roel: Maysakit ka pala hindi ka nagsasabi sa akin?
Drei: Ngayon lang, kahapon okay pa ako.
Manager Roel: Sige...
Binaba ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto nakasuot ako ng pajama at jacket para mainitan ako. Nagpunta ako ng kusina para magluto ng noodles nang matapos nilagay ko sa mangkok at nilapag sa mesa. Umupo ako sa upuan at kumain na lang ako.
Nagpasama ako sa manager ko sa sementeryo ng dumating siya naalala ko ang magulang ko na kumupkop sa akin.
Kinabukasan, hindi na ako nakapasok sa trabaho dahil sa sakit at naulanan nang pumunta ako sa sementeryo para dalawin ang namatay kong magulang.
"Sobra ka naman pati ulan sumabay sa lungkot mo," bungad ni Xhey nang dumalaw niya ako.
"Hahaha!" paos na tawang sagot ko nang mapatingin ako sa kanya.
"Ano ka ba naman?!" sagot ni Xhey naupo sa gilid ng kama ko.
"Sorry! Alam mo bang siya lang hanggang ngayon ang laman nito," sabi ko sabay turo sa puso ko na tumitibok.
"Yup! Kaya nga naaawa o natutuwa ako sayo dahil ang TORPE mo." ngiting sagot ni Xhey sa akin.
"Ganun talaga!" malungkot na sagot ko sa kaibigan ko.
"Ang tagal na 'yan! Tatlong taon na pala ang babaeng nagpatibok sa puso mo," sabi ni Xhey sa akin.
"Ang tagal na rin ang TANGA-TANGA ko," iling sabi ko sa kanya.
"Haha! Tumpak!" sagot ni Xhey sa akin.
"Umuwi ka na kaya," sabi ko sa kanya.
"Ayaw mong nandito ako?" sagot ni Xhey sa akin.
"Oo, ang ingay mo hindi ako makatulog." kaila ko sa kaibigan ko.
"Fine!" sabi ni Xhey tumayo na at lumabas ng kwarto ko.
"Tama siya ang TANGA-TANGA ko eh! Ganun ako sa kanya lang tumibok ang puso ko hindi sa ibang babae ewan ko ba?! Magaganda naman ang mga babaeng umaaligid sa akin pero sa kanya lang tumibok ang puso ko," nasabi ko na lang sa sarili ko napatingala ako sa kisame nakikita ko ang imahe niya.