Sabado ngayon at masaya ako na wala akong gaanong alalahanin sa school works at walang scheduled practise sa school choir. Kahit na late akong nakatulog kagabi dahil sa pag aasikaso sa lasing na lasing na si Aspen, maaga parin akong nagising dahil nakaramdam ako bigla ng gutom. Inaalala ko lang kung mahimbing pang natutulog si Aspen sa sala. Kahit na asar ako sa kasungitan nun ay hinihiling ko na sana ay maging ok na ang kalagayan nya. Nasa akin parin ang emosyon na pinaramdam niya sakin kagabi at alam kong hindi ko na maitatanggi sa sarili na gusto ko talaga si Aspen. Kahit na nakapantulog lamang ako ay bumaba ako sa kusina para tumingin ng pwede kong lutuin. Naalala kong hindi nga pala ako nakapag hapunan kagabi. Nang silipin ko ang sala ay wala na roon si Aspen. Napahugot ako