Chapter 1
CHAPTER 1
"Leona!" She heard her name calling in an unfamiliar voice. Tumigil siya sa pag jo-jogging at nilingon ang lugar kung saan niya narinig ang pangalan niya. She saw a man running into her place. Naningkit ang mata niya to see who is he? Pero hindi niya pa rin ito maaninag dahil sa malabo niyang paningin. He was a meter away from her until she decided to continue her jog at ‘wag na ‘yon pansinin. Baka kasi nagkamali lang siya ng rinig.
Kung siya nga ang tinatawag nito, how did she know her name? Hindi naman siya laging lumalabas ng bahay para may makakilala sa pangalan niya. And as far as she knows, hindi niya rin ka-close ang mga kapaitbahay niya. She’s living in an exclusive subdivision at alam niyang mahirap makihalubilo sa mga kapitbahay dahil mayayaman ang mga ito at walang oras makipagkaibigan sa nasasakupan.
She stopped when she realized what he called her. Walang tumatawag sa kanya sa buo niyang pangalan except sa mga malapit sa buhay niya. She has the shortest nick name which is L.
“Leona, wait!” he shouted again.
Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo when she heard a pup barking. Napalingon siya sa kalsada and saw a little chow-chow running freely on the sidewalk kung saan siya natakbo.
“Leona! I said wait!”
Natigil siya. She keep her eye on the dog na kasalukuyang nasa harap niya ito ngayon—sitting while adorably staring at her.
“Damn your cuteness, little pup. Don’t push me to take you away from your owner. I warn you.” She smiled and petted him.
He barks again.
Nangunot ang noo niya and started to feel confused asking herself, “Hinahabol ba ako ng asong ‘to?”
A minute had past, she heard a voice of a man beside her kaya napalingon siya sa left side niya. Namilog ang mata niya nang makita niya ang isang matangkad, maputi at matipunong lalaki na tumigil sa tabi niya. Naghahabol ito ng paghinga dahil sa pagtakbo. They look like they have the same age. She also noticed he’s holding the leash of the dog. Sa isip-isip niya ay baka pagmamay-ari ng lalaking 'to ang aso na nasa harap niya.
“Wait… Don’t tell me, Leona rin ang pangalan ng aso niya? Sa dinami-dami ng pangalan na pwede niyang pagpilian, bakit pangalan ko pa?” Sa isip-isip niya habang nakatitig sa aso. "Whatever! The dog is cute anyway!"
"Good dog Fhaira. Come here," tawag ng lalaki sa aso at agad itong lumapit rito. Mabilis nitong ikinabit ang tali sa collar ng aso at binigyan ito ng treat. "Good girl!" He smiled.
“What? So Fhaira ang pangalan ng aso mo? Sinadya mo bang pakawalan ang aso mo para habulin ako? And wait, tinatawag mo ba ako sa pangalan ko? Who are you? Kilala ba kita?” sambit niya.
Mabilis tumayo ang lalaki sa side walk at humarap sa kanya. When she noticed the color of his eyes, she was taken aback. It was gorgeous gray. She examined his face and discovered it was flawlessly sculpted with damn heavy eye brows, a muscular jaw, a gorgeous nose, and a deep dimple on his cheek.
"Are you Leona?" He's flashing her a wicked smile and asking whether she's Leona.
Bumalik siya sa wisyo. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa ibang direksyon nang napagtanto niya na nahuhumaling na siya sa kagwapuhan nito. She stopped admiring his look. Baka kung ano pa ang isipin ng lalaking ito. Yes, he’s handsome. She admired how God created a perfect face for him. Gwapo nga ang itsura niya, pero karamihan sa mga gwapo, pretentious.
Napatingin siya sa balikat ng lalaki and she saw her scarf hanging there. Kaya niya siguro nalaman ang pangalan niya dahil nakaburda ito sa panyo.
“My name is L. Stop calling me Leona, we’re not even close,” she said and rolled her eyes on him.
“Too rugged, huh?”
Nag salubong ang kilay niya dahil sa sinabi nito.
“Is that my scarf? Paano ‘yan napunta sa’yo. That’s mine kaya ibigay mo sa akin ‘yan.” Mabilis niya sanang kukuhanin ang panyo sa balikat ng binata nang bigla itong umiwas para hindi niya ito maabot.
“What are you doing? That’s my scarf!”
He stared directly into her eyes and smiled. Bigla niyang naramdam ang kakaibang pagbilis ng t***k ng puso niya matapos niyang makita ang maaliwalas na ngiti ng binata.
'Really? Are you teasing me?' sa isip-isip niya at sinamaan ito ng tingin.
"This scarf is not yours.” Kinuha ng binata ang panyo sa balikat niya at maayos itong itinupi. "Your name is L and not Leona. I need to find Leona so I can also return this to her,” he said.
Nanlaki ang mata ni Leona nang biglang ipakita ng binata sa kanya ang kwintas na pagmamay-ari niya. Kinapa niya agad ang leeg niya and hell what? She lost her necklace at ngayon nasa kamay na ito ng lalaking nanggagago ngayon sa harapan niya.
"Paano napunta sayo yan? Akin na 'yan! Pati 'yung scarf ko akin na!"
Mabilis niyang iniwas ito kay Leona.
She stroll towards him at pilit inaabot ang kanyang kamay kung saan hawak-hawak niya ang scarf at kwintas nito. But she can't reach him masyado siyang matangkad.
Minsan na nga lang siya lumabas para mag jogging nakatagpo niya pa ang nakakabwisit na lalaking 'to.
“Arg! Akin na sabi eh! Huwag mo ‘kong bwisitin kung ayaw mong masaktan!”
“Woah! Are you going to kill me? Wait. You're not Leona. Why would I give these to you?" Nang-aasar niyang sambit. Alam ng binata na sa kanya ‘yon but he keeps on teasing her.
“Masira lang ang necklace na ‘yan, magbabayad ka talaga sa akin. It’s from my mom! And no one dares to steal it away from me!” she shouted.
Hindi ito pinansin ng binata at patuloy pa rin ito sa pang-aasar niya.
“Ano ba! Sabi nang akin na 'yan e!”
She keep on jumping para lang maabot ang kamay niya pero mas itinataas niya pa ito.
“You're not Leona.” He smirked.
“Leona is my whole name. Can you fvcking return my necklace to me!? Hindi na ako natutuwa sayo!” I shouted. Bigla naman siyang tumigil sa pagtaas ng kamay niya.
“Oh. Calm down L. Take it easy, babe." He uttered.
Mas lalong nag pantig ang tainga niya sa tinawag nito sa kanya.
“Ano?!”
“Babe?” He chuckled.
“You jerk! Give me back my fvcking necklace!”
Hindi na niya pinapansin ang pagtawag nito sa kanya ng babe dahil baka mas lalo lang siyang maburyo at mabwisit sa lalaking 'to.
He’s getting on her nerves. At kung hindi pa titigil ang lalaking ‘to ay baka masuntok na niya ito ng wala sa oras.
“Okay okay. Calm down Leona. You're getting wilder.” Tinaasan niya ito ng kilay at tiningnan niya ito ng masama. “I mean calm down. Let's talk about this.”
“Anong kailangan nating pag-usapan? I don't even know you and I don't talk to strangers. So give me back my scarf and necklace or else—”
“Or else what?”
Leona stared directly to his eyes at onti-onti siyang bumubwelo para sa binabalak niya. Damn! Hindi niya kayang tagalan ang pagtitig sa mga mata ng binata dahil para siyang natutunaw sa mga titig ng lalaking 'yon, kaya mabilis niyang iginalaw ang paa niya para sipain ang maselang bahagi ng katawan nito pero nanlaki ang mata niya nang mabilis itong nakailag.
“Woah, Leona! You're too bold to do that huh?”
“Akin na nga sabi 'yan eh!”
“In one condition.” He grinned.
‘Yung ngisi niyang 'yon, nakakainis! Kitang-kita niya kung gaano kalalim ang dimple sa pisngi nito. Tangìna! Bakit ba siya na-a-attract sa itsura ng lalaking ‘to?
“Condition? Ako pa ngayon ang bibigyan mo ng kondisyon? Those stuffs is mine. Bakit hindi mo na lang ibalik sakin 'yan.”
"It would be too dull if I simply returned these to you. I'm not going to waste my time picking up these items on the side of the road if I'm not going to benefit from them. If it weren't for me, it wouldn't be back to you anyway.”
Napangiwi siya sa sinabi nito.
“Aba, gago pala 'tong lalaking 'to eh? Gusto niya ng kapalit sa ginawa niyang pagpulot sa kwintas at panyo ko? Anong klaseng tao 'to? Tao nga ba 'to? Tss. Hindi talaga mawawala ang mga taong mapagsamantala. Karamihan pa sa kanila tumutulong para lang makakuha ng kapalit katulad ng lalaking 'to,” sa isip-isip ni Leona.
Huminga siya ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili kahit na gustong-gusto na niyang saktan ang lalaking nasa harap niya ngayon.
“How much money do you want?” Kaswal niyang sagot.
Alam niya namang pera ang gusto nitong kapalit. Ano pa nga ba? Everyone wants money. Lahat ng tao gusto ng pera.
But she’s wrong. Not for him.
Nakita niya ang pag kunot ng noo ng binata dahil sa sinabi niya.
“I don’t need your money. Do I look poor? I just want to have a favor,” wika nito habang hindi maalis ang ngisi at ngiti nito sa kanya.
He's happy teasing her. Hindi naman halata.
Anyway, bakit nga ba hindi niya naisip 'yon? Sa itsura pa nga lang ng lalaking ‘to, mukhang mas mayaman pa ito kaysa sa kanya. Sa pananalita pa lamang nito, mukhang hindi nga niya kailangan ng pera He’s talking to her in english language all the time, may accent pa!
“Ang bobo mo naman, Leona,” she said to herself.
“So what do you want from me Mr.?”
“Elias,” pagpapakilala niya. Nakangiti pa siyang inabot ang kamay niya sa harap ni Leona pero tiningnan niya lang ito as if makikipag kamay ito sa kanya. She’s not the girl who entertain strangers kahit pa gwapo ang nasa harap niya, hinding-hindi siya magpapatiklop sa kung sino man.
"All right, that's a little bit impolite for me. I never imagined a girl like you would ignore my hands after I introduced my name. Leona, you're far too interesting." He grinned.
"Put an end to your nonsense, Mr. Elias, spill it out. Ano bang gusto mo? Nang makuha ko na ang necklace at scarf ko so I can go home. You're wasting my time.”
"Am I? I figured you'd love speaking with me." Another of his smiles that makes my heart race.
Mas lalong bumilis pa ang t***k ng puso niya when he confine her on the wall. Inilapit nito ang mukha niya sa kanya dahilan para maramdaman niya ang kanyang bawat paghinga.
Shìt.
Ano ang ginagawa niya? Ni hindi nga niya ito kilala tapos ang lakas niyang gawin ang bagay na 'to? How dare him?
Narinig niyang tumatahol ang aso nito pero hindi niya 'yon pinansin bagkus ikinulong siya nito sa nakakatunaw nitong mga tingin.
Hindi siya makagalaw at mas lalo siyang natuod nang magsalita muli ang binata.
“I have a favor, can you help me?”
Nangunot ang noo ko.
“Help? Why would I help you? Do I know you? Hindi kita kilala sino ka ba?” inis na inis na sabi ko.
“I'll pay you a million of cash. Just do a favor for me,” seryoso g sambit nito. Hindi pa rin nito inaalis ang tingin niya kay Leona.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng binata. Million? As in million of cash? Anong trip ng lalaking ‘to? At ano ang favor na sinasabi niya?
“S-So what’s your favor?” Hindi niya alam kung bakit niya ito natanong.
Ngumisi ito at inilapit nito ang kanyang bibig sa tainga ni Leona.
“Will you marry me? Will you be my wife?”
Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan niya nang marinig niya ang malambing nitong boses!
Ano ba 'tong nararamdaman niya? Bakit parang hindi siya makagalaw at makapagsalita?
Ilang segundo ata siyang nakatanga at agad siyang natauhan sa sinabi ng binata. Sinamaan niya ito ng tingin at sinipa niya ang pribadong parte ng katawan niya ng mapag-isip isip niya na baka modus ito at balak lang siyang manyakin o kidnapin. Halos mamilipit ang binata sa sakit at natumba sa sahig matapos niya itong saktan.
“What the heck! Why did you f*****g do that?” inda ng binata.
“Nababaliw ka na ba? Bastos ka ha! Sinong tangang babae ang magpapakasal sa’yo kapalit ng milyones mo? Aayain mo ko magpakasal kapalit ng pera eh hindi nga kita kilala. Gago ka ba? Iba na lang scammin mo, ‘wag ako hoy!” Sinipa niya ito at agad tumakbo papalayo sa kinaroroonan ng binata.