KABANATA 2

1096 Words
KABANATA 2:       NANGINGINIG ang aking mga kamay matapos basahin ang liham ni Mama. Malinaw niyang sinabi sa sulat na ang tunay kong ama ay si George Sato. Isang purong hapon at nagmamay-ari ng Sato Bank of the Philippines. Hindi ko alam kung nagloloko lang ito si Mama pero bakit nga naman niya iyon gagawin sakin?     Matagal ko namang alam na hapon ang aking ama dahil sa pisikal kong itsura. Sa tuwing tinitignan ko ang sarili sa harap ng salamin ay alam kong naiiba ako sa mga nakakasalamuha ko sa bayan namin. Singkit ang aking mga mata, maputi ang aking balat at natural na mapula ang aking mga labi. Payat din ang aking pangangatawan.     Ngayong napatunayan ko nang may dugo akong hapon tila nabuo na ang matagal ng tanong sa aking isip. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging masaya kasi mayaman ang aking ama o dapat akong malungkot kasi may pamilya siya? Malinaw na sinabi ni Mama sa kanyang liham na dapat akong mag pakilala kay Mr. George Sato bilang kanyang anak ngunit paano ko iyon gagawin?     Ngayon palang ay nanghihina na ang aking loob kung paano ko ipapakilala ang aking sarili. Maniniwala kaya siya sa aking sasabihin o baka pagpunta ko palang sa opisina niya ay hindi na nila ako papasukin?     Inilagay ni Mama ang buong address ng opisina ng aking tunay na ama. Nakatitig lang ako duon at nag dadalawang-isip pa rin kung pupuntahan ko ba iyon o hindi.     Isang libo nalang ang pera ko at hindi na ito aabot sa susunod na linggo. Wala namang ibang tutulong sa amin dahil wala naman kaming kamag-anak dito sa Laguna. Ang tanging pag-asa ko na lang ay ang aking tunay na Ama. Buong magdamag kong pinagisipan iyong liham ni Mama. Habang pabawas ng pabawas ang perang natitira sa aking pitaka ay mas lalong nag uumigting ang kagustuhan kong lumuwas na ng Maynila.     Araw ng linggo, nag pasya na akong bumiyahe pa Maynila. Bitbit ang walong daan na natirang pera na bigay ni Mama bago siya lumisan. Tagaktak ang aking pawis sa kaka-lakad at gutom na gutom narin ako. Wala pa rin akong matinong kain dahil tinitipid ko ang perang bitbit ko.     Alam ko sa sarili ko na walang kasiguraduhan ang pagluwas ko, pero nagbabaka sakali pa rin at ng sa wakas ay nakita ko na ang gusali na sinabi ni Mama sa kanyang liham. Hindi na ko nagaksaya ng oras pa.     Lumapit ako sa guwardiya. Paglapit ay pinasadahan niya ako ng tingin.    “Ano kailangan mo, Miss?” tanong niya sa akin.     “Uh—e, dito po ba ang opisina ni Mr. George Sato?” manina kong sambit. Pasimple kong inayos ang lumang duster. Muli niya akong tinignan. Nagdadalawang-isip kung sasagutan niya ba ako o hindi.     “Bakit anung kailangan mo?” muli niyang tanong sa akin.   Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na anak ako ng may ari nitong gusali. Kung sasabihin ko iyon sa kanya, malamang ay pagtatawanan niya ako at baka ipagtabuyan pa.   Sa huli, wala na rin akong nagawa kundi sabihin ang totoo. Wala rin naman akong ibang maisip kung ano ang pwedeng dahilan ng pagpunta ko dito.   “Anak po ako ni Mr. George Sato,” mahina kong sabi.     Hindi ito nagsalita at sa halip ay tinitigan niya lang ako. Maya-maya pa ay humagalpak ito ng tawa. Sumenyas ito sa kasama nitong guwardiya.     “Bok, may baliw ata dito, o!” sabi niya dahilan para lumapit ang kasamahan nitong guwardiya.     “Bakit anong meron?” kuryosong tanong ng lumapit na guwardiya.     “Eto, o! anak daw siya ni Sir George!” sabi niya ngunit may bahid na pangungutya.     Binagsak ko ang tingin sa lupa. Sabi ko na nga ba ay hindi sila maniniwala. Pero hindi ako puwedeng umalis ng hindi siya nakakausap. Ano ang dapat kong gawin para maniwala sila?     “Hoy, hija! Umuwi ka na sa inyo. Wala kaming panahong makipag lokohan sayo!”     “Alis na!”     “Pero—kailangan ko siyang makausap!” Pagpupumilit ko. Bakas sa aking mukha ang determinasyon.   “Sinabi na ngang—”   Tumagos ang paningin nila sa aking likuran.   “Ay, Sir! Good Morning po!”   “Good Morning po!”   “What’s going on here?” ani ng baritonong tinig.   Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.   “Uh—e.” Nauutal na sabi ng isang guwardiya. Nagkatinginan pa sila.     Dinig ko ang papalapit na yabag ng lalaking kausap nila.     Tinuro ako ng isa sa kanila.     “Eto po kasi! Nagpapakilalang anak daw ni Sir George.”     Yumuko ako at tila nakaramdam pa lalo ng hiya.     “Do you have proof, Miss?”   Nanatili akong nakayuko pero tumango. Kitang kita ko ang brown leather shoes niya ng makalapit sa akin.     “May I see?” kalmado niyang sabi. Ibang-iba siyang kausap kumpara sa mga guwardiya. Bigla kong naisip ang liham na sulat ni Mama. Ito lang ang tanging ebidensiya na pinanghahawakan ko. Ayon sa liham ni Mama, banggitin ko lang daw ang pangalan niya ay makikilala na ako ng aking ama. Pero mas maigi ng ipakita ko pa rin itong sulat niya.     Tahimik kong inabot sa kanya ang kanina ko pang hawak na liham. Tinangap niya iyon at tahimik na binasa.     “Can you come back tomorrow? Sunday ngayon wala siyang trabaho.” Nakagat ko ang aking ibabang labi. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon. Mapipilitan tuloy akong humanap ng matutuluyan ngayon.     Naku po! Aabot pa kaya ang pera ko?     “Don’t worry, bukas makakausap mo na siya. Sasamahan kita.”       Bumuntong-hininga ako matapos magbalik-tanaw sa nakaraan.     “Maam, paki-kabit po ang seat belt,” agad ko iyong sinunod. Tahimik muli na tumingin sa labas ng bintana.   Duon nagsimula ang buhay ko bilang miyembro ng pamilya Sato. Hindi naging madali pero dahil sa kabaitan ni Ate Aiko ay nakayanan ko ang buhay bilang isa sa kanila. Pero ngayon hindi ko na alam kung maibabalik pa ba ang dating samahan naming dalawa. Ang kaibitan at kabutihan niya sakin ay sinuklian ko ng hindi katanggap-tanggap na gawain.     Dapat ko na nga sigurong tanggapin na hindi niya na ko mapapatawad. Pero kahit anong pilit kong isipin iyon ay may parte parin sa puso ko na sana... sana dumating ang panahon na patawarin niya ko. Kung sakali man, siguro sobrang tagal pa niyon. Hindi agad-agad magagamot ang malalim na sugat ng nagawa ko. Naging aral iyon sakin. Nangako ako sa sarili na hinding-hindi ko na iyon uulitin.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD