TUMAKAS si Samantha mula sa nakatakdang kasal sa hindi kilalang anak ng panyero ng ama sa tulong ng kaniyang yaya Emi. Napadpad siya sa Aurora, ang lugar kung saan naro'n ang pamangking tinawagan ni Yaya Emi para tutulong sana sa kaniyang pagtago. Sa kamalasan ay nawala ang papel na nakasulatan ng address ng pamangkin ng yaya niya. Ang nangyari, naligaw siya at napadpad sa liblib na pook at malapit sa baybayin.
Dumagdag pa ang masamang lagay ng panahon sa kaniyang misfortune. Maliban sa malakas na ulan at hangin ay papagabi na rin kaya napilitan siyang sumilong sa isang two-storey house na nakita niya. At first she thought it was an abandoned house. Tingin niya’y walang taong nakatira dahil liban sa madilim, maalikabok, at pinamahayan na ng sapot ay sobra pang tahimik. But she was wrong. Dahil may nilalang palang naro'n at kadarating lang din ng gabing iyon.
A man with a frozen heart. A man who's living like dead for almost five years. Si Isaiah Raze Ricaforte—the handsome “Hot Ice”.