Episode 1- Password

1614 Words
"Puro ka naman picture e!" reklamo ni Storm habang nasa isang park sila malapit sa simbahan. "Hindi ka ba nagagandahan sa view ang ganda kaya ng sunrise." ani Ian na panay ang selfie at picture. "Hoy! Tomas morato, alis ka d'yan nakakasira ka sa view." sigaw naman ni Storm sa kapatid na namumudmod ng barya sa mga batang lansangan na ugaling-ugali na ni Autumn basta naka bakasyon sila at umuuwi ng Pilipinas. Napunta sila ng Manila bay kung saan maraming bata ang nag kalat ang iba ay nag lalaro ang iba naman ay na mumulot ng basura na puwedeng ibenta sa junkshop. Mabilis maawa si Autumn sa mga bata lalo na sa mga batang mukhang gusgusin kaya iyon ang panata nito sa tuwing uuwi ng Pinas para mag bakasyon nag hahanap sila ng lugar na safe at maraming bata. Hindi n'ya ito iniiwan kahit saan ito mag punta bukod sa bilin ng ama sa tuwing uuwi sila, takaw gulo kasi si Autumn ang dami nitong pinapasok na gulo sa tuwing naka bakasyon sila. Iwas na iwas pa naman sila sa mga pulis dahil malaking gulo kapag nag ka problema sila sa mga police tiyak na makapal na written report nanaman ang parusa sa kanila. Mas gugustuhin pa n'yang makipagsuntukan at makipag barilan kesa ang gumawa ng wriiten report kung bakit sila napa trouble during vacation nila. Mas ikamamatay pa n'ya iyon kesa makipag laban. "Ang ligalig mo naman hayaan mo na nga lang ang utol mo, saka hindi naman s'ya nakakasira ng view nakakatulong panga dahil mas na bubuhay ang view nag mumukhang makatotohanan." wika ni Ian. "Tingnan mo napaka walang modo talaga." ani Torm ng bigyan lang sila ng middle finger ni Autumn na may ilang metro ang layo sa kanila. "Ang ligalig mo kasi? kelan nga pala ang balik n'yo sa serbisyo." tanong ni Ian. "Baka 6 months kami ngayon bakante." "Talaga ang tagal bakit?" "Kasalanan ng Tomboy na yan." nguso ni Torm sa kapatid. "Bakit parang hindi na ako nagulat." ani Ian. "Hindi pa naman sigurado, on call kami kapag kailangan baka mapaaga naman sa 6 months pero parang ayaw na yata ni Tatay pabalik si Autumn." wika pa ni Storm. "Bakit?" "Hindi sa walang tiwala si Tay kay Tom, pero may mga chances kasi na may mga impulsive decision si Tom na tumataliwas sa sinumpaan namin tungkulin. Dahil aminin natin kahit nasaan bansa tayo meron mga tiwaling sangay ng gobyerno at mga opisyal na polpol na handang maging alipin ng pera." ani Storm na ikinatango naman ni Ian dahil sang-ayon s'ya sa lahat ng sinabi ng kaibigan. "Kung ako ang tatanungin ang pag-aarmy ay hindi para sa babae pero hindi ko minamaliit ang kakayanan ng isang babae. Para lang kasi sa akin ang babae dabat iniingatan, inaalagaan at minamahal." napangiti naman si Torm. "Iba si Tom, sabi n'ya tomboy s'ya pero pusong mamon pa rin yan, matapang lang yan sa lalaki." "Alam ko." simpleng sagot ni Ian na ikinalingon ni Storm sa kaibigan na medyo nag salubong ang kilay sabay tingin naman kay Tom bago muli sa kaibigan na hindi n'ya alam kung saan ba nakatingin sa sunsire nangayon ay maliwanag na ang paligid o kay Tom na papalapit na sa kanila. "Tara na mainit maka masunog ang balat ko sayang ang skin care ko." wika pa ni Ian na tumalikod na ng makalapit na sa kanila si Tom. "Skin care-in mo mukha mo," bulong naman Tom ng makalapit sa kapatid. "Daan muna tayo ng simbahan tirik tayo ng kandila." "Paano kung ligawan ka ni Ian, papayag ka ba?" tanong ni Storm na ikinahinto ni Autumn na saglit na napatingin pa kay Ian na patungo na sa kotse nito bago niya nilingon ang kapatid na nasa likuran. "Anong tanong mo paki-ulit.. mahina ang eardrum ko?" natawa naman si Storm. "Mag pag-asa ba?" tanong pa ni Storm. "Kung mahal pa n'ya ang buhay n'ya may pag-asa pa s'yang mabuhay pero kung hindi naman. Malaki ang chances n'yang makadaupang palad si San Pedro at makihimas sa manok na puti." "Ayaw mo ba sa kanya look at him." ani Torm na inakbayan ang kakambal habang pinag mamasdan si Ian. "Guwapo, matangkad, alaga sa gym ang mga muscles, mabango, may robotic company in other term rich, sigurado din akong matalino s'ya at higit sa lahat may dugong royalty at hindi lang pala yun sa ilalim ng pantalon n'ya may nakatagong anaconda na gustong-gusto ng mga babae sa isang lalaki." ani Storm hinugot naman ni Autumn ang cellphone at binuksan sabay pakita ng picture ng kapatid ni Ian na ikinangiwi ni Storm. "Look at her, ang ganda, sexy, grabe yung boobies n'ya at balakang mag papatayan ang mga lalaki makasama lang nya. Isang dangkal lang yata ang bewang n'ya... grabe pa ang puti. Kung naging lalaki lang ako tunay buntis na sa akin ito." wika naman ni Autumn na ngumiti na kagat labi pa. "Kailangan mo ng mag pa check-up may deperensya ka na sa mata at utak." iling ni Storm na iniwan na ang kapatid. "Lalaki ka dapat na aappreciate mo ang ganda ni Sea." ani Tom na sumunod sa kapatid. "Lasingin mo muna ako bago ako magandahan kay Chelseaaaaaaaaaahhh." wika pa ni Storm na pinaarte pa ang boses na may kasama pang daliri na ginagaya ang kaartehan ni Sea kapag sinasabi at itinatama nito ang pronouncation ng pangalan. Ayaw kasi ng kapatid ni Ian na basta Chelsea lang gusto nito patunugin daw ang A sa dulo. Kaya kapag may tinawag nila ito nakabuka ang bibig sa dulong pangalan daw na gagalit ito pag naka tikom ang bibig at tunog E ang nalabas. "Ganun talaga kapag magaganda maarte, kesa naman ang pangit na nga maarte pa." "Whatever." - - - - - - - - "Ang gago mo talaga!" anggil pa ni Autumn ng tulungan si Ian na tumayo. Sapo ang tiyan na pinanood na lang ni Ian ang kambal na nakikipag suntukan sa 6 na mga lalaki. Nawala naman na ang lalaking nang snatched sa kanya kanina na hinabol pa talaga n'ya at nakarating s'ya sa eskinitang pugad pala ng mga durugistang tambay. Nanakit lang ang katawan n'ya at napahawak sa labi na dumudugo dahil bago pa dumating sila Tom at Torm na palaban na s'ya sa 6 na lalaki na gustong tangayin ang ceelphone at wallet n'ya. Hindi nga s'ya pumayag na ma snatch-an tapos nanakawan pa s'ya ng pangalawang beses. Ilang minuto pang nakipag suntukan ang kambal hanggang sa nag takbuhan na ang 6 na lalaki ng hindi na kayanin ng mga ito na makipag suntukan kila Storm at Autumn na parehas na batak sa training sa army. "Kung 'di ka naman sira-ulo bakit hinabol mo pa, paano kung 'di mo kami kasama baka DOS ka na. gago mo." wika ni Storm na tinulungan ang kaibigan na alalayan na maglakad palabas ng eskinitang pinasok nila. "S'yempre, ang mahal kaya ng cellphone ko." katwiran pa ni Ian na paika-ika pa. "Mahal? Iphone lang yang kahit sampalin pa kita ng 5 ganyan kesa pag gawain mo kami ng report kung mahuli kaming nakikipag basag ulo ni Torm." galit na wika ni Autumn na gustong masapak si Ian nag titimpi lang nag hahanap lang sila ng ipapasalubong sa ina tapos bigla na lang tumakbo ng mabilis si Ian yun pala na snatched ang cellphone panay kasi ang picture. "Ang bagal n'yong kasing tumakbong dalawa, batak na batak kayo sa training ang babagal n'yong kumilos muntik ng hindi ko maabutan yung snatcher." "Ang daming tao hindi ka na namin nakita ang bilis mong tumakbo, may lahi ka bang tikbalang." natatawang biro ni Storm. "Basta usapang cellphone hindi ito puwedeng mawala, mawala na ang lahat wag lang ito." ani Ian na ipinakita pa ang cellphone na napamura pa ng makitang nabasag ang screen. Mabilis naman na hinablot ni Autumn ang phone ng binata na sinubukan pang bawiin ni Ian pero sinikmuraan lang ni Autumn ang binatang napaubo na lang na dumaing habang sapo ang tiyan. "Password." tanong ni Autumn. "Bakit ba wag mong paki-alaman yan." maktol ni Ian na inaagaw ang phone. "Password o babasagin ko ito lalo." "Kainis, 030817." sagot ni Ian na binuksan naman ni Autumn ang phone nito at nag hanap ng kung alin ang importante roon. Ngunit wala s'yang makitang importante kaya inis na nilingon si Ian. "Anong pinaglalaban mo sa cellphone na ito." "Nandyan ang mahal ko kaya wag mo ng paki-alaman at wala ka din namang paki-alam." wika ni Ian na aagawin sana muli ang phone ng iiwas naman ni Autumn na nag punta naman sa gallery pero kumunot ang noo ni Autumn dahil puro view lang naman ang naroon sa gallery nito. "Anong meron dito asan ang girlfriend mo?" "Wag mo ng hanapin at bulag ka naman. Akina na yan." pero imbis na makuha ni Ian si Storm naman ang umagaw ng phone habang nag lalakad sila at tiningnan ang mga laman ng gallery pero wala itong comment nakatitig lang saka isinaksak na lang bigla sa dibdib ng kaibigan saka umasim ang mukha. "Tara na Tom, dapat pala hinayaan ma comatose ng 3 buwan ang lalaking yan." wika ni Storm na inakbayan na ang kakambal saka nauna ng maglakad ang dalawa. "Hoy! Teka lang naman intay." sigaw pa ni Ian na paika-ika na sumunod sa mga ito. "Anong sabi mo nasa cellphone mo ang mahal mo? Baka sapakin pa kita d'yan dumeretso ka pa ng morgue." wika pa ni Torm na iiling-iling. "030817, kapal ng fes mo sa pa password mo." wika pa ni Torm. "Bakit anong meron sa password n'ya?" tanong ni Autumn. "Wag mo ng alamin at wala ka naman alam at wala ka din naman paki-alam." pang gagawa pa ni Torm sa sinabi ni Ian kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD