Kabanata V
Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
ATHISA
LABIS kong ikinabahala ang ginagawa niyang paglalaro sa hapon na ito.
Baka kasi may makakita sa kanyang ginagawa.
Lumapit ako sa kanya ngunit pinigilan niya ako kaya naman tumayo lang ako t napatingin sa paligid.
Baka kasi may tao. Ngunit wala naman si Dudang at tanging ang kasambahay lang at ang guard ang nandito.
"Hugo, ano iyang ginagawa mo?" Mahina kong tanong sa kanya habang siya ay nakatitig lang sa aking mga mata.
Ang kanyang kaliwang kamay ay hawak hawak ang hose ng tubig at ang kanyang kanan ay hawak ang sponge na may sabon.
Sinimulan niyang hagurin ng sponge ang kanyang dibdib kaya naman bumula agad iyon.
Napakagat labi pa siya. Sinasadya niyang akitin ako.
Kung akala niya uubra sa akin ang ginagawa niyang ito ay hindi nga siya nagkakamali.
"Hugo, tigilan mo iyan," mahina kong sita sa kanya.
Nanaig pa rin sa akin ang takot na baka may makakita sa aming dalawa dito, lalo na sa kanya.
"Masama bang maligo ako sa harapan mo?" Tanong niya saka itinapat ang hose ng tubig sa kanyang katawan.
Nabasa na ang suot niyang maong at lalo pang nangintab ang kanyang katawan na natatamaan ng palubog ng araw.
Shems. Ang hot niya.
Napatitig ako kung paano umagos ang tubig kasama ang bula ng sabon mula sa kanyang dibdib pababa sa kanyang namumutok na abs, sa pusod at pababa pa.
Huling huli niya ang aking mga mata nang magtama ang aming mga mata.
Lumapit siya sa akin at ipinahawak ang hose na mahina lang ang labas ng tubig.
Hindi ko alam ang gagawin ko ngunit nagsalita siya.
"Pagkatapos kong magsabon ay itapat mo sa akin iyan," aniya.
Tila ba naging sunud-sunuran na lang ako sa kanyang kagustuhan.
Umatras siya at saka nag-unbackle ng kanyang belt.
Napalunok ako at napatingin sa paligid dahil baka may nakakakita sa aming dalawa.
Pero wala akong makitang takot sa kanyang mga mata.
Kagat kagat niya ang labi niya nang dahan dahan niyang ibaba ang zipper ng kanyang pantalon.
Wala siyang suot na brief. Shems. Buhok pa lang mula sa ibaba ng kanyang pusod ay gusto ko ng manghina.
Ngunit hindi niya ako hinayaan na makita agad iyon. Imbes ay agad niyang ipinasok ang sponge doon kaya naman napuno ng bula ang bahaging iyon ng kanyang katawan.
Napatingala siya at kitang kita ko ang pagtaas baba ng kanyang adam's apple nang mga sandaling iyon habang nasasarapan siya sa kanyang pagsasarili.
Hinagod niya pa ng sponge ang kanyang ibaba at maging ang kanyang pantalon ay puno na ng bula.
Ibinaba niya ng bahagya ang kanyang pantalon saka naman kumawala doon ang kanyang naghuhumindig na p*********i na puno ng bula.
Napalunok ako. Hindi ko ito unang beses na makikita ngunit na-aamaze ako sa ganda nito.
Hanggang sa tumango siya sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ano?" Tanong ko.
Nginusuan niya ang hawak kong hose ng tubig kaya naman nalaman ko kung ano ang gagawin ko.
Inilagay niya sa pareho niyang bewang ang mga kamay niya at hinintay ang aking gagawin.
Dahil mahina lang ang labas ng tubig sa hose ay inipit ko iyon ng aking daliri upang lumakas.
Itinapat ko ang lagaslas ng tubig sa kanya at sinimulang basain ang kanyang dibdib.
Agad namang nagtuluan ang tubig mula doon na may dalang bula.
Unti unting tumambad sa akin ang kanyang kahubaran.
Ibinaba ko pa ang pagtapat ng hose sa kanya hanggang sa marating nito ang nakatindig at sumasaludong p*********i niya.
Napatingala siya nang tamaan ng tubig ang kanya.
Panay ang pagtango nito na para bang sumasang-ayon lang sa ginagawa ko.
Pinatagal ko ang pagtapat ng tubig doon at nakitang naglalawa na ng tubig ang kanyang kinatatayuan.
Ngayon ay nakatitig lang siya sa akin. Hindi ka alam ang susunod kong gagawin.
Ano ba dapat?
Hanggang sa hawakan niya at sakalin ang kanyang p*********i sa aking harapan.
Nananatiling nakatapat sa kanya ang dutsa ng tubig at hindi niya iyon pinatatanggal sa akin.
Ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. Mabilisan niyang nilaro ang kanyang sarili habang nakatitig sa akin at kagat kagat ang kanyang labi.
Naalarma ako dahil baka may dumating at makita ang kanyang ginagawa.
Panay ang tingin ko sa paligid.
Ngunit siya ay di natitinag sa kanyang ginagawa.
Ngayon naman ay ang dila niya ay nakatakip sa kanyang pang-itaas na labi habang nakakunot ang kanyang noo at nakatitig sa akin.
Mas mabilis ang kanyang ginagawang paglalaro.
Nakikita ko ang pamumula ng kanyang p*********i. Mestizo iyon at mukhang napakalinis.
Bumabagay sa pamumula nito ang medyo malagong tubo ng buhok mula sa ibaba ng kanyang pusod pababa.
"Hugo, baka...," Hindi ko naituloy sapagkat lumapit siya sa akin.
Nabitawan ko ang hose nang halikan niya ako sa aking mga labi.
Nararamdaman ko ang pagtama ng kanya sa aking sikmura habang patuloy pa rin siya sa paglalaro.
Nakayuko siya at nakatingala ako dahil matangkad siya sa akin.
Napakasarap ng kanyang mga labi at hindi ko akalain na hahanap hanapin ko iyon.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay nakatitig lang siya sa akin.
Napapikit pa siya habang mabilisang nilalaro ang kanyang sarili.
"Athisaaaa," sambit niya sa aking pangalan habang ginagawa iyon.
Natutuyo na ang tubig sa kanyang katawan at namumuo na lang ang mga butil ng tubig mula doon.
Hanggang sa kunin ng kanyang kaliwang kamay ang magkabila kong kamay at itapat sa kanyang dibdib.
Hinawakan niya ang isa kong kamay at iginiya iyon sa kanyang kanang u***g.
Alam ko na ang nais niyang ipagawa sa akin. Nais niyang kilitiin ko siya at dagdagan ang nararamdaman niyang init sa pamamagitan ng paglapirot ng kanyang namumulang mga u***g.
"Aaahhhhhh," napatingala siya nang magkasabay kong laruin ng aking mga daliri ang kanyang naninigas nang mga u***g.
Kasabay na kasabay nito ang kanyang mabilisang paglalaro sa kanyang sarili.
Napapikit nanaman siya sa kakaibang sensasyon na dulot ng aking ginagawa sa kanya.
Mas binilisan ko ang paglapirot sa kanya at kitang kita ko ang paninigas ng kanyang mga dibdib. Nangingislot ang mga iyon at maging ang kanyang mga panga ay umiigting.
Ngayon ay titig na titig siya sa akin habang mabilisang nilalaro ang sarili.
Napakabilis na rin ng kanyang paghinga at dinig na dinig ko iyon. Punong puno ng pagnanasa ang kanyang mga mata.
Napayuko ako upang tingnan ang kanya at mabilis ko lang iyon na nakita habang nilalaro pa rin ang kanyang dibdib. Itinaas niya ang aking baba at saka ako sinalubong ng halik habang napakabigat at bilis ng kanyang ginagawang paghinga.
Shems. Ang hot hot ng tagpong ito. Hindi ko maipaliwanag ngunit mukhang pati ako ay makakaraos kahit pa pinapanood ko lang siya sa ganitong estado.
"Malapit naaa," mahina niyang wika.
Napanganga siya at naningkit ang kanyang mga mata na nakatitig lang sa akin.
Kaya naman mas ginalingan ko ang paghagod ng kanyang dibdib.
"Aaahhhhhh ito naaa," aniya.
At saka nanginig ang kanyang katawan habang kitang kita ko kung paano tumirik ng bahagya ang kanyang mga mata.
Mula naman sa ibaba ay nakita kong sinalo ng kanyang kaliwang palad ang masagana niyang katas na namumuo muo pa.
Umigting ng umigting ang kanyang panga at napakabigat ng kanyang hininga. Napahalik siya sa akin nang sa wakas ay natapos din ang pagpaparaos niya sa kanyang sarili.
Pagkatapos ng paghahalikan ay saka niya ipinahid sa kanyang katawan ang inilabas niyang katas.
Namangha ako sa ginawa niyang iyon.
Namumuo pa ang ilan at saka niya kinuha ang mga kamay ko upang ako mismo ang magkalat ng mga iyon sa kanyang katawan.
Napatingala lang siya sa ginagawa ko. Malapot at madulas iyon sa kamay ngunit hindi ko ito alintana dahil nakikita ko siyang nasisiyahan.
Napalunok na lang ko nang maamoy ang matapang nitong amoy.
Ngunit hindi naman masama sa ilong.
Napangiti pa siya nang bumalik sa akin ang kanyang mga tingin at saka tiningnan ang kamay kong nasa kanyang katawan pa rin.
"Sa loob mo sana iyan mananatili pero saka na muna," aniya habang tinutukoy ang katas niyang nakakalat sa kanyang katawan.
"Hugo, bakit mo ginagawa ang bagay na ito?" Tanong ko habang nakalapat lang ang mga kamay ko sa kanyang dibdib.
"Dahil ito ang gusto ko at nararamdaman kong ito ang gusto ng iyong mga mata," aniya.
Bakit ba alam niya ang tumatakbo sa aking isipan?
Nababasa niya ba ito?
Ngumiti siyang muli sa akin habang namumungay na ang kanyang mga mata.
"Nagustuhan mo ba ang handog ko?" Tanong niya.
"Ano ba sa tingin mo?" Tanong ko.
"Kung para sa akin ay nararamdaman kong gustong gusto mo sanang madama mo ako sa loob mo ngunit gusto kong makita mo kung paano at ano ang aking hitsura sa tuwing pinaliligaya ka. Dahil nasisiguro ko na wala kang makitang nasa mundo na ito sa tuwing binabayo kita," aniya.
Naks, linyahang playboy na pokpok ang kanyang sinasabi.
Tumpak na tumpak ang sinasabi niya. Wala nga akong tamang maisip sa tuwing ganon. Parang nasa ibang mundo ako at puro magaganda ang nakikita ko.
Hindi na ako nakakibo pa. Pinulot niya ang hose at saka itinapat iyon sa kanyang katawan saka hinugasan ang kumalat niyang katas doon.
Isinama niya na rin ang aking kamay sa kanyang hinugasan na may mga namumuo pang galing sa kanya.
"Papasok ka ba ngayon?" Tanong ko.
"Iyon na nga ang iniisip ko. Lalo pa at hindi pa ako nakakapag-paalam kay Mamu,"
nahihiya niyang wika.
Nahihiya pa siya sa lagay na ito eh halos ginawa niya na lahat sa harapan ko.
Sa palagay ko nga ay sobra sobra nang nagkakasala ang mga mata ko dahil sa kanya.
"Hayaan mo, sasamahan kita mamaya sa kanya,"
"Talaga?" Nanumbalik ang sigla sa kanyang mga mata.
Para siyang inosenteng tao sa tuwing nasa normal na lagay siya. Ngunit sa mga tagpong kagaya kanina ay tila ba ibang tao siya.
"Sige na. Tapusin mo na ang ginagawa mo at ako ay papasok na," sabi ko pa.
"Yes ma'am,"
Wow English.
"At bago ako pumasok ay ipasok mo na ito at baka may makakita pang iba," saka ko hinawakan ng mahigpit ang kanya na ngayon ay nakalaylay na lang.
"Saan ko ipapasok?" Pilyo niyang tanong.
Hindi na ako kumibo pa at ako na mismo ang naglagay nito sa loob ng kanyang pantalon pagkataas ko nito.
Ako na rin ang nagtaas ng zipper niya at naglagay ng belt niya.
"Ayan, ako na ang nagpasok," tinaasan ko siya ng kanang kilay.
"Salamat po," sabay kindat niya.
Kainis. Nakukuha niya ako sa mga ganong ginagawa niya sa akin.
Saka siya tumalikod at unang beses na makikita ko ang kanyang likuran.
May malalaking pilat sa kanyang gulugod na parang sinadyang nasugatan dahil magkatabi ang mga ito at parehas pa ng haba at sukat.
Nagtataka akong lumapit sa kanya at hahawakan sana iyon nang lumingon siya.
Ibinaba ko kaagad ang mga kamay ko na akma sanang hahhawakan ang mga iyon.
"Bakit?" Tanong niya.
"Anong nangyari sa mga ito?" Tanong ko sabay turo sa mga pilat niya sa likuran.
"H-hindi ko alam. Huwag mo nang alamin ang mga bagay na iyan dahil maging ako ay hindi ko alam ang tungkol diyan," bigla namang naging seryoso ang mukha niya.
"Okay," bumalik ako sa composure ko at saka siya nagligpit ng mga ginamit niya sa pagka-carwash.
Naglakad na ako papasok sa loob na par bang walang nangyari.
May ngiti lang sa aking mga labi habang papasok.
MATAPOS NAMING maghapunan ay nagdesisyon kaming umalis. Nakabihis na rin naman ako at siya rin ay nakabihis na rin. Isinuot niya kaagad ang shorts at simpleng t-shirt na binili ko sa kanya kanina.
Kaunti pa lang ito sa kanyang mga gamit at natitiyak kong kapag nasa bahay na siya ay kakailanganin niya pa ng maraming damit, lalo pa at lagi siyang pagpapawisan.
Basta, sa akin na lang iyon.
"Gabi na, lalabas pa kayo? Gigimik ka na naman?" Sita ng kapatid ko sa akin.
"Malaki na ako Teresita at hindi mo na ako dapat manduhan sa kung anong dapat kong gawin, okay?" Wika ko pa.
"Pero kasi, gabi na ate at alam mong delikado sa daan kapag ikaw lang mag-isa,"
"Kaya nga may driver na ako diba?"
Napatingin naman siya kay Hugo na tahimik lang na kumakain. Nakikinig lang sa aming pag-uusap.
"Anong oras na naman kayo uuwi? Huwag mong sabihin na bukas pa. Magsusumbong na talaga ako kay mama at papa,"
"Magsumbong ka. Para ibalik na kita sa kanila," pananakot ko.
"Ate kasi," naiinis niyang wika.
"Alam mo ba kung bakit ako umalis sa poder nila mama at papa matapos kong makipaghiwalay sa ungas na iyon? Dahil napaka over protective nila at nakakasakal. Tapos heto ka at didiktahan ako," tumaas ang boses ko.
Nanahimik naman siya bigla at yumuko.
"Concern lang naman ako," mahina niyang wika.
"Maging concern ka kung 18 years old lang ako,"
Hindi na siya nakakibo.
May sasabihin pa sana ako nang salinan ako ng juice ni Hugo sa baso.
Napatingin kaming dalawa ni Dudang sa kanya.
Nagtaka naman siya at saka muling kinuha ang babasaging pitsel at saka sinalinan ng juice si Dudang.
"Salamat,"
Sabay pa kaming uminom ng juice at saka nagkangitian.
Bati na agad kami ng kapatid ko. Thanks sa aking pacifier sa lahat ng bagay, Hugo.
ALAS OTSO Y MEDIA nang umalis kami sa bahay. Siya na ang nagdrive ng kotse. At totoo nga, mahusay siya. Hindi lang basta marunong kundi mahusay din.
Banayad kung banayad, at komportable pa rin ako kahit pa medyo mabilis kung minsan dahil maingat talaga siya.
"Kunin muna natin ang ilan sa mga gamit ko, bago tayo magpunta sa bar," napalingon siya sa akin at saka sinabi ang mga ito.
"Sige. Alam mo naman yata ang daan kaya't bahala ka na," sabi ko pa.
Napapatingin lang ako sa kanya at saka ililipat ang focus sa daan habang nag-iisip ng mga bagay bagay.
"Mahirap ka ba talaga? Or mayaman ka at nagpapanggap lang?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tanungin ang bagay na ito sa kanya.
"Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong mo," nakangiti niyang wika sa akin.
Paano nga ba niya sasagutin?
"Simple lang, sabihin mo lang sa akin ang totoo," sabi ko pa.
"Pero sinabi ko na sayo lahat ang totoo," aniya.
Sinabi niya na lahat? Pero bakit hindi talaga ako makumbinsi ng mga sinabi niya.
"Alin ba ang totoo?"
"Lahat ng nabanggit ko ay totoo,"
"Totoo na wala kang mga magulang?"
"Wala ako non,"
"Eh paano ka ipinanganak?"
"Hindi ko rin alam,"
Natawa ako.
"Paano iyon? Kusa ka na lang tumubo sa kung saan?" Natatawa ko pa ring wika.
Hindi na siya nagsalita pa. Imbes ay nanahimik. Hala, na-offend ko yata siya.
"Sorry," maya maya ay mahina kong wika.
"Kung may pagdududa ka sa akin ay wala naman akong magagawa. Hindi naman ako nandito para makiusap na maniwala sa akin. Isa pa, wala akong panahon para magpaliwanag para sa sarili ko. Maaari mo na akong iwan mamaya sa bar pagbaba natin," wika niya.
Para namang kinurot ang puso ko sa kanyang mga sinabi. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan.
Nahihiya ako.
Ano ba kasi ang pumasok sa kukote ko?
"Hindi naman kita pinagdududahan. Gusto ko lang na makilala ka pa at malaman ang lahat ng tungkol sa'yo," pagpapaliwanag ko.
"Malalaman mo rin naman ang lahat ng iyon,"
"Pasensya ka na,"
"Ayos lang,"
Hindi ko na alam kung anong susunod kong sasabihin.
"Ano, saan tayo?" Huminto siya sa gilid ng daan.
Nasa bayan na kami at ngayon ay kaunti na lang din ang mga sasakyan.
"Saan ba dapat?" Tanong ko.
"Ibabalik mo ba ako kay Mamu o kukunin mo na ako sa inyo?"
Pinapapili niya na ako. Shocks, kailangan kong sumagot ng tama.
Pero ano ba ang gusto ko? Ano ba ang tinitibok ng puso ko?
Kung nakakaya ng ungas kong ex husband ang mambabae at ex bestfriend ko pa ang kinalantari niya, ay bakit hindi ko gagawin?
Plus, hindi lang naman paglalandi ang pakay ko. I also need personal bodyguard and driver. Mahirap na.
Kaya dapat, ipapatrain ko si Hugo sa Martial Arts, mukha namang mabilis siyang turuan.
"Mukhang hindi ka pa naman nakapag desisyon," aniya.
"Iuuwi na kita sa amin," agad ko namang sagot.
"Mahusay," saka niya pinaandar muli ang kotse.
Nakangiti niyang binaybay ang daan papunta sa kanyang dorm upang kunin ang mga gamit niya doon.
"ITO NA LAHAT ng mga gamit ko," wika niya.
Dalawang maleta lang ang dala niya at maliliit pa ang mga iyon.
"Sigurado ka?" Tanong ko.
Tumango lang siya sa akin. Ayaw ko namang mag-react ulit kaya't hinayaan ko na lang.
Sumunod kaming nagpunta ng bar.
"SIGURADO ka na ba diyan Hugo? Mawawalan ng star ang bar," malungkot na wika ni Mamu Jakelou.
"Huwag kang mag-aalala mamu, dadalaw naman ako dito kada Linggo," pangako niya pa.
"Talaga? Papayagan mo ba siya?" Baling sa akin ni Mamu.
"Paano bang dadalaw? Sasayaw at bibilhin ng iba?" Tanong ko.
"Ano ba ang bawal sa kanya?" Tanong pa nito.
"Ang mabili ng iba," agad kong sagot.
"Sure. Secured siya sayo," wika pa nito.
"So, deal," sabi ko pa.
MATAPOS ang aming pag-uusap ay agad na kaming umuwi ng bahay.
Binabaybay namin ang daan papasok sa aming baryo nang may humarang sa aming daanan.
Napahinto kami sa kalye nang bumaba ang pamilyar na tao sa kanyang sasakyan.
Anong problema niya?
Naglakad siya palapit sa aking sasakyan at saka kumatok sa bintana sa tapat ni Hugo.
Agad naman akong nilingon ni Hugo at saka ako kinakabahan na tumango sa kanya hudyat upang ibaba niya ang bintana sa tapat niya.
"Anong problema mo?" Hindi siya nakatingin kay Hugo kundi sa akin.
"Anong sinasabi mong anong problema ko? Nababaliw ka na ba?" Tanong ko pa.
"Tigilan mo na siya at hindi na siya dapat ang pagbuntunan mo ng galit mo dahil hindi siya ang may kasalanan kung bakit kita ipinagpalit," galit niyang wika.
"Anong pinagsasabi mo?" Wala akong ideya sa mga sinasabi niya.
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa Athisa. Pinagbabantaan mo ang buhay niya," sigaw niya.
Nabigla pa ako nang biglang suntukin ni Hugo ang pagmumukha niya mula sa kinauupuan nito at saka nagsara ng bintana.
Pinaandar muli ang sasakyan at pinilit na sumingit sa natitirang espasyo.
"Anong ginawa mo kay Faustino, Hugo?" Nag-aalala kong wika.
Hindi pa kita nagsisigawan kaya wala siyang karapatang gawin iyon sayo.
Seryoso niyang wika.
Natahimik na lang ako.
Pagtatapos ng Ikalimang Kabanata.