Kabanata VII - IKALAWANG BAHAGI

2081 Words
Kabanata VII- IKALAWANG BAHAGI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA PUNONG PUNO ng takot ang dibdib ko nang mga sandaling iyon dahil hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Faustino. Pinagbibintangan niya akong nagbabanta kay Diva, ang dati kong kaibigan na ngayon ay kanyang kalaguyo. Wala na nga akong natitira pang pakialam sa kanilang dalawa, siya pa ngayon itong nabubulabog sa akin. Ang tangi ko lang ginagawa ay maibalik niya ang shares ko at maging maayos na ang lahat, I mean, ayaw ko nang makipagbalikan sa kanya at maging siya rin naman ay ayaw na akong balikan. Kaya't bakit pa ako magpapakabitter kung ayaw ko na rin naman kasi talagang makipagbalikan? Nagdadalawang isip pa ako kung ano ang gagawin ko, lalabas ako para awatin sila, or ida-drive ko na lang ang sasakyan paalis. Ngunit kung aalis ako, maiiwan si Hugo dito. Kung lalabas din namana ako ay baka mapahamak din ako. Hanggang sa magbukas ang pintuan ng kotse at laking pasasalamat ko nang si Hugo ang makita kong papasok. Iyon nga lang ay putok ang kanyang labi. "Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong saka ko hinawakan ang mukha niya. Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha niya at nagsimulang magstart ng kotse. "Uuwi na tayo," seryoso niyang wika. Napalingon ako sa daan nang lumiko kami at nakita kong galit na galit si Faustino habang nakayuko lang sa tabi ng kanyang kotse. Anong napag-usapan nila? Nag-usap lang ba sila? "Hugo, anong nangyari?" "Uuwi na tayo Athisa," Iyon lamang ang tangi niyang sinasabi sa akin. Uuwi na kami. Tumingin ako sa orasan at nakita kong mag-aalas onse na ng tanghali. Hindi na lamang ako kumibo. Napakaraming mga ganap ngayong araw na hindi ko alam kung paano mako-contain ng aking isipan. Kaya pumikit na lamang ako at hinintay na makauwi sa amin. Pagbaba ko ng sasakyan ay tyempo namang palabas si Dudang sa bahay. "Oh, anong meron? Bakit duguan ang damit ng driver mo?" Tanong niya sa akin. Nakapagbihis na pala si Hugo. "Ikaw, saan ka pupunta at mukhang bihis na bihis ka?" Tanong ko sa kanya ay binale-wala ang sinabi niya. Si Hugo naman ay agad na ring pumasok ng bahay habang kami ni Dudang ay naiwang nag-uusap sa labas. "May lunch meeting kami ng mga friends ko. Baka mamayang hapon na ako makakauwi," sabi pa niya. May mutual friend kami ni Dudang na myembro ng NBI. Napaisip tuloy ako bigla. "Dudang lumapit ka," sabi ko sa kanya. "Bakit?" "Lapit," "Ano ba ate? Malelate na ako," "Ganito kasi, kailangan ko ng tulong ng kaibigan mong taga NBI," sabi ko. "Bakit? Sinong ipapa-background check mo?" Nakuha niya agad ang gusto kong mangyari. "Gusto ko lang malaman ang tungkol kay Hugo," sabi ko. "Sinasabi ko na nga ba e. May kahina-hinala na ba siyang ginagawa?" Lumakas ang boses niya. "Ssshhh, iyang bibig mo naman," pinigilan ko siyang mag-ingay. "Ate, dapat kasi dumaan yan sa agency o kaya naman ay...," "Hindi na kailangan. Wala naman siyang ginagawang mali. In fact to the rescue siya lagi lalo pa at mainit ang mata sa akin ni Faustino. Kailangan ko lang talagang malaman ang tungkol sa kanya," wika ko. "Anong tungkol sa kanya?" "Lahat lahat," "Dapat pala pasagutan mo siya sa Slam Note. Para malaman mo pati first kiss niya," naiinis niyang sabi. "Teresita seryoso ako," "Ako din naman,ate," "Oh basta. Please, pakibalitaan ako kaagad. Hugo Martines, ito lang ang alam ko tungkol sa kanya," "Walang ID? Personal na pagkakakilanlan? Birth certificate?" "Wala," "Patay tayo diyan. Mamaya pala ex convict yan, o kaya naman ay muderer. Patayin pa tayo! Tignan mo nga balbas sarado pa at may tattoo. Hindi mapagkakatiwalaan ate," naiinis na naman siya. "Basta, may tiwala ako sa kanya, Okay. Let's give him time," "Ikaw bahala. Sige na. Male-late na ako," naglakad na siya. "Anong gagamitin mo?" "Magmomotor na lang ako para hindi hassle pag traffic. Sige na. Bye," aniya sabay paandar ng motor. Nang makaalis na siya ay saka ako pumasok. Naaamoy ko naman bigla ang niluluto sa kusina. "Alyana, ang sarap naman niyang niluluto mo?" Sigaw ko habang naglalakad papunta doon. Pero walang sumasagot. "Alyana," tawag ko. Hanggang sa nakarating ako doon at nakita kong si Hugo na pala ang nagluluto. "Bakit ikaw ang nagluluto?" Tanong ko sa kanya. Ngayon ay tanging pantalon lang ang suot niya at nakatalikod siya sa akin. Napakaperpekto ng pagkakahulma ng kanyang katawan at sa likod niya pa lang ay alam ko nang magiging komportable ang tulog ko kapag kayakap ko siya. Teka nga, nagpapantasya na naman ako. "Wala ang mga kasambahay mo," simpleng wika niya habang naghihiwa na ng mga sahog. Pinatay niya muna ang stove dahil masusunog na ang ginigisa niya. Marunong pala siyang magluto. "Bakit wala?" Tanong ko sa sarili ko at saka ako nagtungo sa kanilang tulugan. "Alyana," "Aling Minerva," Wala sila? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Dudang. Sana ay sumagot siya. Pagkaring nito ay sumagot agad. "Hello, nasaan sila Alyana at Aling Minerva?" Naririnig ko ang lakas ng hangin dahil nagmomotor siya. Siguro ay Naka bluetooth earphones. "Hindi ko pala nasabi sayo. Pinag-day off ko muna sila. Kahit isang araw lang," aniya. Hala. Day off? Wait, oo nga pala. Kada isang buwan ay nagdeday-off sila. Nawala sa isip ko. "Binigyan mo ba ng pera?" "Oo naman syempre," "Oh sige. Salamat. Nawala sa isip ko," "Wala kang pagkain diyan kaya ka napatawag?" "M-meron naman," "Sino nag-prepare? Eh wala akong niluto," "Nagluluto si Hugo," tugon ko. "Ay wow. Baka ex chef iyang nakuha mo," aniya. "Sige na. Bye na," Ibinaba ko na ang tawag at bumalik sa kusina. Naghahanda pa rin siya ng pananghalian. Kumuha ako ng tubig sa refrigerator at nagsalin nito sa dalawang baso. Inilapag ko ang sa akin sa mesa at saka ko naman inilagay sa tabi ng chopping board ang kanya. "Inom ka muna," napatingala siya at tumingin sa aking mga mata. May pamilyar na kislap ng kanyang mga mata akong nakita. Napangiti siya at sumilay sa akin ang kanyang pantay pantay na ngipin. Kinuha niya ang baso saka uminom. Napalunok ako nang makita ko kung paano niya lagukin ang tubig dahil sa paggalaw ng kanyang lalamunan. May mga munting pawis akong nakita doon na bumababa sa kanyang matipuno at mabuhok na dibdib. Nagbalik lang ako sa aking kaisipan nang i-abot niya na sa akin ang baso. "Salamat," aniya. Naupo na ako sa may upuan at saka uminom ng tubig. "Saan ka natutong magluto?" Maya maya ay tanong ko. "Napapanood ko lang sa TV," aniya. May TV nga pala sila sa dorm. Tig-iisang kwarto. "Tapos, inaral mo? Inilista mo?" "Natandaan ko lang," "Wow. Good memory," Hindi na siya kumibo pa. Pinagmamasdan ko lang siya habang naghahanda ng pananghalian. Nakapangalumbaba pa ako at nakatitig lang sa kanya. Pinagmasdan ko ang pilat niya sa kanyang likuran at tila ba sinusuri ko iyon ng aking mga mata. "Nakailang girlfriend ka na?" Halos gusto kong magsisi sa nabitawan kong tanong. "Girlfriend?" Tanong niya saka lumingon. "Oo. Girlfriend. Hindi mo alam? Nobya, kasintahan, s*x mate," natawa pa ako sa huling sinabi ko. Ang halay ko. "Wala ako non," aniya. "Eh anong meron ka? Boyfriend?" Halos gusto ko na agad magsorry dahil sa sinabi ko. Jusko, baka gulpihin ako nito. "Ano iyon?" Wala na naman siyang idea. "Wala. Sabi ko gwapo ka sana kaso bingi ka," natatawa kong sabi. "Gwapo naman ako. At masarap," saka siya gumiling na parang sa bar. Natawa naman ako sa ginawa niya. Totoo naman ang sinabi niya pero ayaw kong aminin. "Sino namang nagsabi na masarap ka?" "Customer," "Ewww," "Kung makapagtanong ka, parang hindi pa sapat ang natikman mo sa akin ah," napahinto siya sa ginagawa at napatingin sa akin. "Oh bakit?" Nagulat kong tanong. May pamilyar na kapilyuhan akong nakita sa kanyang mga mata. Ano na naman na ang balak niya? Tumalikod na siya at saka nagpatuloy sa ginagawa. NAGLUTO siya ng sinigang na baboy. Ang asim nito at tamang tama sa tiyan ko ang init ng sabaw. Agad na rin kaming kumain pagkaluto niya. Para kaming hindi magkakilala habang kumakain dahil kapwa kami walang kibo. Focused lang sa kinakain. Nauna siyang natapos sa akin at pinapanood niya akong kumain. Nakakailang man ngunit kailangan kong masanay. "May gagawin ka mamaya?" Tanong niya. "Wala naman, bakit?" "Gusto kong magpunta sa bukid. Diyan sa inyong likuran. Mukhang maganda ang tanawin diyan," "Gusto ko sana kaso hindi ako sanay sa paglalakad ng malayo," "Papasanin kita," "Nakakahiya. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao," "Bakit ang iniisip nila ang iisipin mo?" "Wala lang," "Payag ka na. Para naman mas makilala pa kita," aniya. Wala akong kibo. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang sinabi niya. Para mas makilala niya ako? "Marami namang paraan para mas makilala mo ako," sabi ko pa. "Ginawa ko na lahat, kaso kulang pa," aniya. Hindi ko siya maintindihan. "Anong ibig mong sabihin?" "Sumama ka na lang sa akin mamaya," "Sige na nga. Para hindi ka na mangulit," "Magpakalakas ka, mapapagod ka mamaya," aniya habang nakabantay lang sa pagkain ko. Tila ba may gusto siyang sabihin na nararamdaman kong kakaiba. "Alam mo ba ang dadaanan natin diyan sa bukid na iyan?" "Hindi pa, pero sabay nating aalamin," seryoso niyang wika. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain hanggang sa matapos. Umakyat na rin ako at siya na ang naghugas. Sabi niya ay alas dos daw kami aalis. Magsuot lang daw ako ng komportableng damit at kung maaari ay magbaon ng extra. Bakit? Maliligo ba kami? Camping ba? Pagbaba ko ay nasa sala na rin siya. Nakasuot lang siya ng simpleng shorts at simpleng tanktop. Wala siyang dalang ni isa mang gamit. Jusko, baka ihuhukay niya ako doon. Namuo ang kaba sa aking dibdib nang mga sandaling iyon. "Ready ka na?" Tanong ko. Tumango siya. "Hindi ba tayo magdadala ng tubig?" Tanong ko pa. "Huwag na. Hindi naman kita hahayaang mauhaw," seryoso siyang nakatitig sa akin. Naiilang ako. "So, wala kang ibang dala?" "Meron," saka niya dinukot ang face towel sa kanyang likuran. "Iyan lang?" "Oo. Bakit?" "Bakit mo ako pinagdala ng damit?" "Basta," "Sabihin mo na kasi," "Doon tayo matutulog," "Ha? At bakit doon?" "Para malayo sa mga tao," Ha? Malayo sa mga tao? Hindi ba siya tao? B-baka, aswang siya. Jusko. "Anong ibig mong sabihin?" "Biro lang. Nasa labas na ang bag ko. Kanina pa ako naghihintay sayo," aniya sabay ngiti. Napawi ang kaba sa aking dibdib sa kanyang sinabi. Lumabas na kami ng bahay at nakita ko ang dala niyang gamit. Backpack na itim at saka parang puno iyon. "Anong laman niyan?" Tanong ko. "Kumot at pagkain," aniya. "Para saan?" "Hindi ba't sinabi ko na doon tayo matutulog?" "Seryoso ka? May tutulugan ba tayo doon?" "Ako ang bahala sayo," "Hugo, seryoso ka ba talaga?" "Oo nga," "Nakakapanibago kasi," "Bakit?" Napalingon siya. "Wala. Sige na. Tara na," pag-anyaya ko sa kanya. Nagpaalam ako sa guard na hindi ako uuwi ngayon. Ibinilin ko rin na sabihin niya iyon kay Dudang. Nagsimula kaming maglakad sa mga pilapil ng palayan at sobrang inaalalayan niya ako sa aking paglalakad. Puro pauwi na ang aming mga nakakasalubong na mga magsasaka. Panay naman ang tanong nila kung saan ang aming punta. Iisa lang ang sagot naming dalawa, mamamasyal. "Pahinga muna tayo," sabi ko habang hinihingal na. Nasa paanan na kami ng bundok at sa mga kakahuyan. Walang ibang maririnig kundi ang mga huni ng ibon at hangin na humahampas sa mga dahon. Naupo ako sa isang malaking bato at siya ay tumayo sa tabi ko. "May dala kang tubig diyan?" Tanong ko sa kanya. Naglabas siya ng tubig sa bat at isang bote lang iyon ng mineral water. "Salamat," Halos kinalahati ko ang tubig sa container dahil sa aking pagod. "Hinay hinay lang. Iyan lang ang dinala kong tubig," aniya. "Ha? E sabi mo hindi mo ako hahayaang mauhaw. It means, marami kang dalang tubig," sabi ko pa. Ibinaba niya ang bag na hawak niya at tumingin sa paligid. "Oo nga. Marami pa akong ipon para sayo," saka niya unti unting ibinaba ang shorts niya. Jusko po... Ano na naman ito? "Ngayon mo sabihing hindi ako masarap Athisa," Seryoso niyang wika saka lumapit sa akin ng sobra sobra. Ito na naman siya. Face to face na naman ang kanyang alaga. Help. Pagtatapos ng Ika-pitong Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD