Kabanata VII - UNANG BAHAGI

1097 Words
Kabanata VII -UNANG BAHAGI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA INILABAS NA niya ang kanyang itinatagong p*********i at bigla akong napatingin sa labas dahil naiilang ako. "Hugo, itago mo na iyan," sabi ko pa. Hindi siya kumikibo. "Hugo naman," sabi ko pa at pinipilit kong huwag lumingon. "Athisa," mahina niyang wika. "Hugo kasi," naiinis na ako. Namamalat na nga ako pinipilit pa akong magalit. "Athisaaaa aaarrggghhh," Shemay. Anong ginagawa niya? Napalingon akong bigla. Nagulat ako nang naglalabasan ang ugat niya sa leeg at pinagpapawisan siya ng sobra. "Hugo anong nangyayari?" Nag-aalala akong humawak sa kanyang balikat. Para siyang nahihirapan. Hanggang sa mapasigaw siya. "Aaaggggggghhhh," hirap na hirap na siya. "Heelllpppp. Tulooonngggg," sigaw ko pagkabukas ko ng bintana. Ngunit walang lumalapit. "Hugo, anong nangyayari?" Panay ang tanong ko sa kanya. At sa wakas ay hindi na siya nasasaktan. Ano ba ang nangyayari? Hingal na hingal siya at saka niya ibinagsak ang ulo niya sa manibela. Basang basa na ang t-shirt niya ng pawis. "Hugo ano bang nang-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ko na punong puno ng dugo ang likuran niya. "Dios ko po, ano iyan? Anong nangyari?" Natatarantang tanong ko. "Hugooo, ano ito?" Hinihingal lang siya. "Magsalita ka naman. Ano ba ito?" Tanong ko. "Wala iyan Athisa. Ayos lang ako," nakapikit niyang wika. "Anong ayos? Duguan ang likod mo, Hugo," sabi ko pa. Agad siyang naupo ng maayos at saka nagtanggal ng damit. Maya maya ay hinubad niya ang t-shirt niyang puti at saka ko nakita ang pilat niya sa likuran na puno ng dugo. "Anong nangyari diyan Hugo?" Pinatalikod ko siya sa akin at saka ko tiningnan ang kanyang likuran. Parang naging sariwang sugat iyon at saka ko pinunasan ng kanyang t-shirt ang dugo para sana makita iyon ng lubos. "Ayos lang bang lagyan ko ng alcohol?" Tanong ko sa kanya. "Sige," aniya. Kinuha ko sa bag ko ang alcohol at saka iyon binuhusan. Nakapagtataka na hindi man lang siya umaray nang basain ko siya nito. At nasurpresa ako nang mapunasan ko iyon at makitang wala na siyang sugat at nagbalik sa normal ang mga pilat niya. "Hugo, anong-," hindi ko maituloy ang aking sasabihin dahil hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. "Bakit Athisa?" Napalingon siya. "W-wala kang sugat pero bakit may dugo?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin at may pagtataka rin sa kanyang mga mata. "Hugo, hindi ko alam kung bakit pero biglang nawala ang sugat mo," sabi ko pa. Nagtataka rin niyang kinapa ang likuran niya at wala siyang nadamang kahit na ano. "Athisa, sigurado ka bang meron kang nakitang sugat?" Tanong pa niya. Napatango lang ako at napatitig sa kanya. "Hugo, anong nilalang ka?" Mahinahon kong tanong. Nagtataka na kasi ako. Wala siyang sinasabi sa akin na magulang niya o kung saan talaga siya nakatira. Tanging pangalan lang niya ang alam niya. Ni hindi nga siya marunong gumamit ng gadgets pero madali siyang turuan. Ano ba siya? "Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong mo Athisa," maging siya ay makikitaan ng pagtataka. "Huwag na nating isipin ang tungkol sa bagay na iyan," iniba ko na ang usapan upang hindi niya isipin na nagdududa na ako sa kanya. Ngunit kailangan kong malaman ang tunay na pagkatao niya. Susubukan kong ipakuha ang impormasyon niya nang di nalalaman. Nanatili akong walang kibo sa aming dalawa ngunit maya maya ay pinutol ko rin lang ang katahimikan. "Umuwi muna tayo. Kailangan mong magbihis," sabi ko pa. "Hindi naman ako lalabas. Hihintayin na lang kita sa pupuntahan mo," aniya. "Kailangan mo akong samahan Hugo at hindi ka lang basta basta ng maiiwan dito sa sasakyan," "Akin na iyan at iyan na lamang ang susuotin ko," kinukuha niya sa akin ang t-shirt niyang duguan. "Hugo hindi na. Kailangan mo nang ibalik ang sasakyan sa bahay. Ngayon na," utos ko. Wala siyang kibong sumunod sa sinabi ko. Nakita ko na lang na umigting ang kanyang panga habang deretsong nakatingin lang sa kalsada. PABALIK na kami sa bahay nang bigla niyang ihinto ang sasakyan sa tabi. Nandito kami ngayon sa daan kung saan ay walang kabahayan. "Athisa," malalim ang boses niyang nagsalita. "Bakit tayo huminto?" Tanong ko. "Athisa, dito ka lang," aniya sabay bukas ng sasakyan. "Hugo bakit? Anong meron?" Nagtataka na ako sa mga nagaganap. Maya maya ay tumingin ako sa likurang bahagi ng sasakyan at doon ay nakita kong may nakahinto ring isang pamilyar na sasakyan. Labis akong kinabahan nang mapagtanto kung sino iyon. Si Faustino. Hindi ito maaari. Sinusundan niya na naman kami at kailangan kong pigilan kung ano man ang gagawin nilang dalawa. Hindi ako nakinig sa kanya. Imbes ay nagtanggal ako ng seatbelt at saka nagbukas ng pintuan at nagmadaling magtungo sa kinaroroonan niya. Nakatalikod siya sa akin habang si Faustino ay nakasandal lang sa unahang bahagi ng kanyang sasakyan. Napangiti pa ito nang makitang papalapit ako sa kanila. "Athisa, pinahahanga mo talaga ako," aniya sabay tayo ng matuwid. Napalingon si Hugo sa akin at nagngangalit ang kanyang mga mata dahil hindi ako tumalima sa kanyang utos na huwag akong lalabas. "Bakit ka lumabas?" "Problema naming dalawa ito ni Faustino, Hugo. Kaya't hayaan mo ako," Naglakad ako palapit kay Faustino at saka siya mas ngumiti sa akin. "Athisa, iyan ba ang ipinagpalit mo sa akin?" Natatawa niyang wika. "Faustino, ikaw ang unang nagloko kaya't huwag mo akong husgahan," mahina kong sabi. "Hindi kita hinuhusgahan Athisa. Gusto ko lang malaman mo na hindi ako natutuwa sa mga ginagawa ninyong dalawa sa akin," nanlisik ang kanyang mga mata at umigting ang kanyang mga panga. Nagbago ang kanyang ekspresyon at kung kanina ay natatawa lang, ngayon ay ibang Faustino na ang nakikita ko. Halos gusto niya na akong patayin sa kanyang paningin kaya napaatras ako. Natatakot ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko nadarama na parang may mali sa kanya. "Athisa, pagbabayaran mo ang stress na dulot mo sa kanya," wika pa niya saka parang biglang nangitim ang kanyang mga mata. Mas napaatras ako at nahinto lang ako nang tumama ang likuran ko sa matigas na katawan ni Hugo. "Hindi ba't sinabi kong huwag kang lalabas?" Bulong niya sa tenga ko at saka ako kinilabutan. Agad akong tumakbo papasok sa kotse at doon nagsimula ang tensyon na hindi ko inaasahang mangyayari. Ang huli ko na lamang napansin ay ang pagpigil ni Hugo kay Faustino na makalapit sa akin. Anong gagawin ko ngayon? SUSUNOD ANG IKALAWANG BAHAGI NG KABANATANG ITO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD