Kabanata IV
Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
ATHISA
NAGISING ako kinabukasan dahil sa pagbukas ng pintuan. Hindi ko alam kung aling pintuan iyon, baka pintuan ng banyo.
Hindi pamilyar ang lugar kung nasaan ako. Pero napagtanto ko na nasa hotel ako dahil dito na kami nagpalipas ng gabi.
Nang maging klaro na ang paningin ko sa paligid ay nakita kong naglalakad palapit sa akin ang lalaking nagbigay serbisyo sa akin sa magdamag.
"Magandang umaga," bati niya sa akin.
Nakatapis siya ng puting tuwalya habang nagpupunas siya ng kanyang buhok gamit ang isa pa.
Idinikit ko ang baba ko sa aking mga tuhod saka tumulala.
"Anong oras na?" Mahina kong tanong.
Naupo siya sa gilid ng kama at nagpatuloy lang sa pagtutuyo ng kanyang buhok.
"Alas syete na ng umaga,"
"May pupuntahan ka ba?" Tanong ko sa kanya sabay lingon sa kanyang direksyon.
"Wala naman. Mamayang gabi pa ako magtatrabaho ulit," sagot niya.
"Okay," simpleng sagot ko.
Saan kaya siya nakatira? Paano kung isama ko siya sa bahay? Tiyak sasama ang tingin sa kanya ni Dudang. Pero ano lang? Bahay ko naman iyon.
Tumunog naman ang cellphone ko mula sa loob ng bag ko na ngayon ay nasa gilid na ng kama.
Siya kaya ang naglagay niyon doon? Sa pagkakaalala ko ay nabitawan ko na lang ito sa kung saan kagabi.
Kinuha ko iyon at saka ko nakita ang cellphone ko na nagriring.
Nakatingin lang siya sa akin.
Agad ko namang sinagot nang makitang si Dudang nga ang tumatawag.
"Hello," tinatamad kong wika.
"Saan ka natulog ha? Umaga na hindi ka pa rin umuuwi. Isusumbong kita kila mama at papa ha? Pariwara kang babae ka," sunod sunod niyang wika.
Inilayo ko naman ang cellphone ko sa aking tenga dahil masakit iyon sa pandinig sa lakas ng boses ng kapatid ko.
Ibinalik ko ang cellphone sa aking tenga at saka nagsalita.
"Teresita, una sa lahat ay matanda na ako at nasa sobra sobrang maturity na ako para pagsabihan mo ng ganyan. Pangalawa ay hindi mo na kailangan isumbong pa kila mama at papa dahil baka ikaw din lang ang pagalitan nila, panghuli, uuwi ako diyan at may kasama akong bisita kaya maghanda kayo ng pananghalian," sunud sunod kong sabi.
"Bisita? Lalaki na iyan?"
"Bakit, nag-iba ka na ba ng choice at gusto mo na ngayon ng lalaki?" Tanong ko.
"Sira. Tinatanong ko lang at baka lalaki iyan na masama ang loob at pera lang ang habol sayo," aniya.
Nakaka-ouch naman ang sinabi niya at hindi nakaka-touch. Bwisit na Dudang, lahat ng sinasabi sa akin mukhang totoo.
Napatingin naman ako sa lalaking nasa tabi ko. Mukha namang hindi siya ganoon. I just had what I paid. Ginawa naman niya ang best niya para masulit ko ang bayad ko kagabi.
Napatingin din siya sa akin at saka ngumiti. Umirap lang ako.
"Oh sige, sige na. Bye na, magbibihis pa ako," paalam ko.
"Magbibihis? Bakit? Wala ka bang damit?" Magkakasunod na naman niyang tanong sa kabilang linya.
"Dudang, masasabunutan na kita,"
"Saan ka ba kasi natulog?"
"Wala ka na doon. Sige na," naiinis kong wika.
At siya na mismo ang nagbaba ng tawag.
Pagtingin ko sa phone ko ay napakaraming text messages mula sa kanya kagabi hanggang umaga.
Wow. Concern din naman sa akin ang kapatid ko kahit ang sungit sungit ko sa kanya.
Nakakainis lang kasi siya, madalas.
May isang message mula kay Anghela.
From: Anghela
Hello sis. Oh ano na? Kumusta ang gabi mo? Masarap ba? I mean ang tulog mo?
Hahaha.
06:34 A.M.
Nagreply naman ako kaagad sa text niyang halos mag-iisang oras na.
To: Anghela
Sis, oks na oks. Masarap na masarap, I mean, ang tulog ko. Hahaha.
Sent.
Pagkasend nito ay saka ko tiningnan muli si Hugo.
"Sino yung kausap mo?" Tanong niya sa akin.
"Kapatid ko," sagot ko.
Balot pa rin ako ng kumot. Hinanap ko ang mga damit ko at nakita ko ang dress at bra ko na nakatiklop sa gilid ng kama.
Aba, siya rin ba ang nag-ayos ng mga iyon?
"Bakit mo siya sinisigawan?" Tanong pa niya.
"Sinigawan ko ba siya?"
"Kanina," aniya saka ngumiti.
Bakit ba panay ang ngiti niya sa akin? Alam kong gwapo siya, pero bakit kailangan pa niyang ipadama iyon sa akin?
"Tumaas lang ang boses ko kaya't parang nasigawan ko siya," sagot ko saka umiwas ng tingin.
"Ganon ba?"
Maya maya ay tumunog ang door bell at saka kami nagkatinginan.
Alangan namang ako ang magbukas, e wala pa nga akong kasaplot saplot sa katawan?
Buti na lang at may initiative siyang magbukas nito.
"Good morning sir. Ito na po ang inyong almusal," masiglang wika ng babae sa labas.
"Pasok," saka niya niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.
Shems. Nakakahiya ang hitsura ko.
Kaya naman nahiga akong muli at kunwari ay tulog.
"Iwan ko na lang po dito sir," sabi pa ng babae.
"Sige," sagot naman niya.
"Enjoy your breakfast sir," sabi pa nito.
"Salamat,"
At nang unti unti nang sumara ang pintuan ay ang pagmulat din ng aking mga mata.
Nagulat pa ako nang nakaupo na pala siya sa tapat ko at nagtataka niyang tiningnan ang aking mukha.
"Inaantok ka pa ba?" Tanong niya.
Bakit parang napaka-komportable niya sa akin? Para bang matagal na kaming magkakilala sa inaasta niya.
Tiningnan ko ang mga mata niyang minsan kong pinagmasdan kagabi habang nagniniig kaming dalawa. Pati mata niya, gwapo. Lahat na yata ng nasa kanya ay gwapo.
Teka, sasagot nga pala ako sa tanong niya. Napukaw na ako sa kagwapuhan niya.
"Medyo," simpleng sagot ko kahit pa ang totoo ay nahihiya lang akong makita ng empleyado ang aking hitsura.
"Meron nang pagkain. Hindi ka pa ba mag-aalmusal?" Tanong niya.
"Bakit ikaw?" Tanong ko.
"Hindi ako kakain kung ako lang mag-isa," aniya.
Well, strategy iyan ng mga playboy. Alam mo dahil ganyan na ganyan ang ex husband ko.
Speaking, ayaw ko siyang maalala dahil una sa lahat, hindi siya kasing galing sa kama ng isang ito. Well, hindi nga lang sa kama. Sa elevator pa nga lang, proven and tested na.
Napapangiti ako sa laman ng isipan ko.
"Sige na. Kakain na ako,"
Saka ako bumangon. Napangiti naman siya. Ayan na naman ang mga ngiti niyang hindi ko maintindihan.
Playboy moves 101.
"Saan mo inilagay ang panty ko?" Tanong ko sa kanya nang di ko mahanap iyon sa mga nakasalansan.
"Sira na," simpleng sagot niya habang naghahanda na ng mga kakainan.
Sira? Ay oo nga pala. Sinira niya kagabi. Pero nasaan?
Tiningnan ko ang damit niya na nasa tabi ng aking damit at mula sa bulsa ng pantalon niya ay nakita ko ang pamilyar na kulay ng aking panty.
Balak niya pang i-uwi? Ano iyon? Souvenir?
Gusto kong tanungin kung bakit nasa bulsa niya iyon pero nahihiya na ako.
"Anong susuotin ko niyan?" Tanong ko.
"Wala naman nakakaalam na wala kang suot, bukod sa akin," saka siya lumingon at tiningnan ako sa aking mga mata.
Isang ngiti mo pa, baka iba ang almusalin ko ngayon.
At sa wakas, hindi siya ngumiti.
Binalot ko ng kumot ang aking katawan saka naglakad palapit sa maliit na lamesa.
Naupo ako sa tapat niya at nagsimulang hawakan ang kutsara at tinidor.
"Kain na," aniya.
Alam ko namang kumain. Naghahanda lang ako.
Hindi na ako kumibo at saka ako tumikhim ng kanin. Humigop naman ako ng kape pagkatikhim nito dahil gusto kong mainitan ang sikmura ko.
"May lakad ka mamaya?" Tanong ko habang kumakain kaming dalawa.
"Wala naman. Bakit?"
"Gusto mo ba akong samahan sa mall?" Tanong ko.
"Bakit? Doon ba natin itutuloy ang part four?" Nakangiti niyang wika habang ngumunguya.
Kainis. Ngumiti na naman.
"Sira. Gusto ko lang bumili ng mga bagong damit at syempre, damit mo na rin," sabi ko pa.
"Naku, tip ba iyan? Huwag na. Malaki na yung ibinigay mo. At isa pa, mas sanay akong walang damit," aniya.
Kainis lang yung last sentence niya.
"Sa public, sanay kang walang damit?" Tanong ko pa.
"Okay na sa akin ang mga simpleng t-shirt at pantalon. Hindi naman ako masyadong lumalabas," aniya.
"Saan ka ba nakatira?"
"Bakit? Gusto mo ba akong dalawin?" Ngumiti na naman siya.
"Gusto ko lang tanungin,"
"Sa dorm na pinapatirahan sa akin ni Mamu," simpleng wika niya.
"Ilan kayo doon?"
"Marami. Magkakaiba lang ng kwarto,"
"Taga saan ka?"
"Taga doon,"
"Saan doon?"
"Sa dorm,"
"I mean permanent residence?"
"Ha?"
Ay, baka hindi siya nakaiintindi ng English masyado.
"Saan ang talagang tirahan mo?"
"Wala. Napulot lang ako ng kasama mo kagabi at ibinigay kay Mamu,"
"Nasaan ang mga magulang mo?"
"Wala ako non,"
Wala siyang magulang? Pero ang kutis at hubog ng katawan niya, mukhang babad at afford ang mag gym.
Hindi na akong masabi.
"Bakit, anong maitutulong ko sayo sa pagpunta mo sa mall?"
"Gusto ko lang ng kasama,"
"Gusto mo akong kasama?"
"Kung ayaw mo e di huwag,"
"Sige, sasama ako. Wala naman akong gagawin," aniya.
Good boy.
Tinitingnan ko ang mga galaw niya at napaka-imposibleng mahirap lang siya. I mean, sa lahat ng aspeto ay mukha siyang mayaman.
Pero wait, tumama ang paningin ko sa ma-muscle niyang katawan. Napapalunok na lang ako bigla dahil sa nakikita ko.
Kusa kong kinuha ang baso ng tubig at uminom.
Ano ba iyang nasa isip ko? Kay aga aga.
Pero siya yung tipo ng lalaki na kayang kaya kang ipagtanggol at protektahan. Kagabi pa lang nang nakadagan siya sa akin, damang dama ko na ang bigat niya, ngunit napaka-komportable lang sa pakiramdam. Plus, ang abs. Hellooo, sinong hindi maglalaway?
"May problema ba?" Tanong niyang bigla.
"W-wala naman," sagot ko.
Nang di na siya sumagot ay nagtanong akong muli.
"Anong alam mong trabaho?"
"Trabaho? Ito,"
"Anong ito?"
"Magpaligaya,"
"I mean, bukod sa pagiging ganito mo?"
"W-wala. Pero tinuruan akong mag-drive,"
"Marunong ka?"
"Marunong kung sa marunong," aniya.
Well, wala akong driver. Baka naman pwede siya?
"Pero gusto mo bang umalis sa work mo kung sakali?"
"Depende iyan kay Mamu,"
"Kakausapin ko siya,"
"Baka kasi mawalan ng customer sa bar pag wala ako. Lalo pa at hindi na gaanong pumupunta si Jepoy,"
"Basta, kakausapin ko siya,"
"Magdadrive lang ba ang gagawin ko? O may iba pa akong ida-drive?"
Seryoso ang pagkakatanong niya ngunit gusto kong matawa sa sinabi niyang iyon.
"Depende," simpleng sagot ko.
Gusto kong ngumiti pero iniiwasan kong makita niya iyon.
"Sige. Para naman may extra pa akong pagkakakitaan. Minsan, nakakapagod din bumayo," seryoso pa rin siya pero natatawa ako sa kaprangkahan niya.
Mukhang okay ang isang ito ha?
"Sige, bilisan mo na ang pagkain at aalis na tayo,"
Sabi ko pa.
"Hindi ka na maliligo?" Aniya.
"Syempre, maliligo,"
Ngumiti lang siyang muli.
PAGKATAPOS kong magbayad sa hotel ay lumabas na kaming dalawa.
Napakapresko sa pakiramdam. Paano ba naman kasi? Wala akong suot na underwear. Pero sabi niya nga, kaming dalawa lang ang nakakaalam nito.
"Kuya sa mall po," sabi ko pa sa taxi driver.
Hindi ko dala ang kotse ko dahil sinundo lang ako ni Anghela sa bahay nang nagdaang gabi.
Wala lang kibo ang kasama ko. Nakatingin lang siya sa labas habang pinagmamasdan ang mga gusali.
Galing ba siya sa ibang probinsya? Manghang mangha kasi siya sa mga nakikita niya.
Tiningnan ko ang suot niyang puting t-shirt na medyo hapit na sa kanya dahil sa laki ng katawan niya. Binagayan naman ito ng luma niyang maong.
Kahit anong isuot niya, o kahit wala, gwapong gwapo talaga siya.
Napalingon siya sa akin at nang mahuling nakatitig ako sa kanya ay napangiti siya.
Umiwas na lang akong muli at itinuon ang atensyon sa daan.
"WALA KANG CELLPHONE?" Nagulat ko pang tanong nang hingin ko ang number niya nang nasa mall na kami.
Binigyan ko kasi siya ng cash para mamili ng gusto niya. At sabi ko, magkikita kami sa isang lugar mamaya at tatawagan ko siya, pero napag-alaman ko na wala siyang phone.
My gosh. Malaki ang kinikita niya sa bar tapos wala siyang cellphone.
Ang dahilan niya ay wala naman daw siyang paggagamitan nito.
My gosh, sinong tao ba ngayon ang walang cellphone?
Naawa naman ako sa kanya kaya't nagtungo kami sa cellphone store at saka ko siya ibibili ng gusto niya.
Wala namang kaso sa akin kung gumastos ako dahil marami naman akong pera.
"Anong gusto mo diyan?" Tanong ko.
Nasa may Samsung store kami ngayon at pinapipili ko siya ng gusto niya.
Nagkamot siya ng batok at saka napatingin sa akin.
"Pwedeng kahit ano na lang?" Aniya.
"Walang kahit ano,"
"Ang ibig kong sabihin ay ikaw na ang mamili. Hindi ko kasi alam," aniya.
Shocks. Napakainosenste ng taong ito. Pero okay lang. Expert naman siya sa ibang bagay.
"Miss magkano ito?" Itinuro ko ang edge Samsung na nauuso ngayon.
"37,850 pesos po ma'am," sabi ng sales lady.
Nang marinig niya iyon ay saka niya ako hinawakan sa braso.
"Huwag na iyan. Marami pang mas mura," bulong niya.
"Mas okay yung original, mas matagal mong magagamit,"
"Kahit na. Baka hindi ko rin lang magamit dahil wala nga akong paggagamitan diba?"
"Basta. Huwag ka nang umarte. Afford ko," sabi ko pa.
"Kunin ko ito. I- register mo na rin sa smart simcard. Thanks," sabi ko pa.
"May credit card po kayo ma'am?" Tanong ng babae.
"Sure. Here," ibinigay ko sa kanya ang card ko at hinayaan na siyang gawin ang gagawin niya.
PAGKABILI ay saka ko siya kinausap.
"Oh, so okay na? Magkikita na lang tayo mamaya?"
Kinuha niya ang cash na ibinigay ko sa kanya mula sa bulsa niya at inabot sa akin.
"Hindi ko na kukunin ito. Sobra sobra na ang ibinigay mo sa akin,
"At sinong may sabi sa'yo na walang kapalit iyan?" Tanong ko.
"Saan ba? Dito ba sa mall?" Agad namang gumana ang utak niya at natawa ako.
"Bakit ka tumatawa? Kaya ko naman kahit saan. Mga tatlo pa siguro," aniya.
Mas natawa pa ako.
"Ang dumi ng utak mo boy. Ang kapalit niyan ay ang pagda-drive mo sa kotse ko," sagot ko.
Natahimik siya.
"So ano na?"
"Anong ano na?"
"Magkikita na lang tayo mamaya?"
"Sasama na lang ako sayo,"
"Baka mainip ka. Mamimili ako ng damit ko,"
"Ikaw na lang din mamili ng sa akin. Hindi ko alam kung anong bagay sa akin," aniya.
Gusto ko pa siyang pagtawanan ngunit ayaw ko na dahil baka ma-offend siya sa akin.
Kaya naman wala na akong nagawa kundi isama siya.
Pagkatapos kong mamili ng sa akin ay siya naman ang pinamili ko.
Shorts, t-shirt, jacket, pantalon, sapatos at mga sunglasses.
Bagay na bagay lahat sa kanya.
Nagpalit na rin kami ng bagong biling damit at nagmukha pa siyang mayaman sa suot niyang simpleng Jag Shirt at Maong na tinernuhan ng Converse rubber shoes.
Perfect na siyang magmukhang jowa ko kung sakali.
"Hey Pogi," sabi ko pa nang lumabas kami ng mall.
Naka sunglasses kaming dalawa at sumilay lang sa akin ang dimple niya nang ngumiti siya.
Abah, bet na bet matawag na pogi.
"Saan na tayo?" Tanong niya.
"Uuwi tayo sa bahay," sagot ko.
"I-uuwi mo na ako? Pero hindi pa ako nakakapag-paalam kay Mamu,"
"Ako na ang bahala. Sasayaw ka pa rin doon pero ako ang bibili sayo. Kaya't kahit wala ako ay hindi ka pwedeng i-take out ng iba," simpleng sabi ko habang pumapara ng taxi.
Dalawang sakay pa pauwi sa amin dahil sitio ang lugar kung saan ako nakatira. Malapit na sa may bukirin. Kaya't pagbaba ng taxi ay magtatricycle pa kami.
Wala naman problema dahil sanay ako. Hindi ako maarte.
"MANONG SA TABI LANG PO," sabi ko pa sa driver nang marating namin ang aking tahanan.
Nagbayad na ako at bumaba na kami ng tricycle.
Napatingala naman siya mula sa gate ng bahay saka tiningnan ang buong bahay ko.
"Mag-isa ka lang dito?" Tanong niya.
"Lima kami. Pero magiging anim na, soon," sabi ko pa.
Kung, papayag siyang dito tumira.
"SINO SIYA?"
Tanong ni Dudang nang pumasok kami sa bahay.
"Bago nating driver," simpleng sagot ko.
"Hindi ba't walang nagtatagal na driver natin dahil nababadtrip ka? Isa na naman ba siya sa papaalisin mo?" Tanong pa niya.
"Dudang pwede ba? Maghanda ka na ng tanghalian. Nagugutom na ako," pabagsak akong naupo sa sofa.
Nakita ko pa siyang taas baba kung tumingin kay Hugo na nakatayo lang sa may tabi ng sofa.
"Hugo maupo ka," sabi ko pa.
Naupo naman siya kaagad sa kanilang bahagi at walang kibong tumingin sa buong bahay.
HABANG KUMAKAIN ay nagmamasid lang si Dudang sa aming dalawa. Walang gustong magsalita.
Maging si Hugo ay hindi kumikibo at kalkulado lang ang galaw.
"Taga saan ka brad?" Tanong niya kay Hugo.
"Hugo ang pangalan ko, hindi brad," aniya.
Natawa ako at naiinis na tumingin sa akin ang kapatid ko.
"Ate???" Aniya.
Tumahimik ako.
Napakarami niyang tanong kay Hugo na sinagot lang nito ng: Hindi ko alam iyon, wala akong alam diyan, hindi ako sigurado, wala akong ganon, baka nga at pasensya na.
PUMAYAG na rin naman si Dudang na patirahin ko si Hugo sa bahay. Pero binalaan niya lang ako na baka may masamang balak daw ito sa akin lalo pa at wala raw akong kinuha na ano mang papeles mula dito.
Naidlip naman ako sa aking kwarto dahil puyat na puyat ako. Wala ako masyadong tulog at pagod pa ako kagabi kaya naman napasarap ang tulog ko.
Mag-aalas singko na ng hapon nang bumaba ako.
"Manang, si Dudang po?" Tanong ko sa kasambahay naming nagluluto.
"Lumabas po ma'am. Kasama ang mga barkada niya,"
"Anong oras pa po?"
"Mga alas tres po,"
Nagkamot na lang ako ng ulo ko. Naisip ko naman bigla si Hugo.
Napagtanto kong puntahan siya sa kwarto niya at natagpuan kong wala siya doon. Ngunit naiwan doon ang kanyang cellphone at mga pinamili kanina.
"Nasaan kaya siya?"
Lumabas ako at nakita kong wala ang kotse.
"Manong nasaan si Hugo? Nasaan ang kotse?" Tanong ko sa guard.
"Ma'am, nasa likod po. Nagka-carwash po ang driver ninyo," sabi ng guard.
Nabuhayan naman ako ng loob nang malaman ko iyon.
Agad akong nagtungo doon at naabutan ko siyang naka-maong pa rin ngunit wala nang suot na pang itaas.
Nangingintab ang kanyang katawan dahil sa pawis at sa tubig na tumatalsik.
"Wow sipag," komento ko habang papalapit sa kanya.
Ngunit napatitig lang siya sa akin habang hawak ang hose ng tubig at ang sponge na may sabon.
Bigla niyang kinagat ang ibabang labi niya at saka biglang hinagod ng sponge ang kanyang dibdib.
Inaakit na naman niya ako.
Pagtatapos ng Ika-apat na Kabanata.