Kabanata X - UNANG BAHAGI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA HINDI AKO MAKAPANIWALA sa mga narinig ko kay Teresita. Tama ba ang naririnig ko? Na si Hugo ay murderer? Mamamatay tao? Paanong nangyari na nakakalaya siya kung isa siyang murderer? Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi siya hinahanap ng mga otoridad kung siya'y isang mamamatay-tao. Hindi ako agad nakasagot kay Teresita nang sabihin niya ang mga bagay na ito sa akin. Imbes ay kumalma ko ang sarili ko at naupo ako sa gilid ng kama sa tabi niya. "Teresita, sigurado ka ba sa mga sinasabi mong iyan? Bka naman ibang Hugo sinasabi mo?" nanatili pa ring mahina at mahinahon ang