Kabanata XIII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA HINDI KO na alam kung anong uunahin ko. Pero hindi na mahalaga kung malaman ni Teresita na nandito si Hugo sa loob ng kwarto ko. Ang mahalaga ay maitakbo na sa pagamutan si Hugo, sa lalong madaling panahon. Napahiga na siya sa sahig at pawis na pawis na ang kanyang katawan dahil sa sobrang pananakit ng kanyang sugat. "Shocks, ano bang nangyayari, Hugo?" Hindi na ako magkanda-ugaga sa kung ano ang gagawin ko. "Ate, buksan mo ang pinto," panay pa rin ang katok ni Teresita sa may pintuan. Tumayo na ako para pagbuksan na siya ng pintuan. Pagbukas ko ay nagulat siya. "Sinaktan ka ba nito? A