Kabanata IX Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA NAGPALIPAS kami ng magdamag sa burol kung saan ay naglatag siya ng kumot. Hindi ko inakalang magkakasya ang mga binaon niyang pagkain sa bag na bitbit niya. Napakaliwanag sa pwesto naming dalawa dahil kita namin ang buwan at mga bituin. Maliwanag din na parang maliliit na bituin ang mga ilawan sa mga kabahayan. Malamig man ang kapaligiran dahil malakas ang ihip ng hangin ay naging mainit naman ang aking pakiramdam dahil sa akbay ni Hugo. Pakiramdam ko nagde-date kami. Ano nga ba ang tawag dito? Trip lang? "Bakit mo pala ako dinala dito?" Maya maya ay tanong ko sa kanya habang nakatitig