Kabanata XV Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA NAPANSIN ko ang pagiging tahimik ni Teresita maging ang maya't-mayang pagsulyap niya kay Hugo. Simula kasi noong magising si Hugo ay nagtataka ang tingin niya sa kanya na tila ba isang himala ang mabuhay siya at ang hindi niya pagtamo ng sugat sa katawan. Pauwi na kami ngayon sa Sinugong Lupa. Noong una ay ayaw ko pa sanang si Hugo ang nagmaneho ngunit mapilit siya dahil gusto niyang magpa-impress kila mommy at daddy kaya hinayaan ko na lang siya sa kanyang kagustuhan na gawin ito. Naiwan ang isang sasakyan sa bahay ko dahil ito ang sabi ng mga pulis. Upang sa ganon daw ay magmukhang may tao