Tulala ako sa kisame ng umagang iyon. Kanina pa umuwi si Esperanza habang ako ay umuwi rin sa bahay ko upang ayusin ang mga bagaheng dadal'hin ko papuntang probinsiya. Alas diyes pa naman ang flight ko, may dalawang oras pa ako para mag-asikaso. Nahiga-higa muna ako matapos magbagahe ng ilang damit at heto nga, nahulog nanaman ako sa malalim na pag-iisip. Mahal ko si kuya pero naroon ang pagdadalawang-isip ko na huwag magtagal doon. Hindi ko naman masiguro kung papayag si Esperanza na sumama sa akin o sumunod doon kung magkakataon. Marahas akong napabuga ng hangin at tumayo na para magtungo sa banyo. Bahala na ang kapalaran. Nag-taxi na lang rin ako patungong airport. Mabigat ang loob ko ng tuluyan ng sumampa sa eroplano. Halos dalawang oras din kasi ang biyahe papuntang General Santos