Kristen POV
"Okay, class dismissed"
Maaga atang nag dismissed ngayon si sir ? may 30 minutes pa, bago mag 4:30 PM.
Ayts, hindi bale dapat nga natutuwa pa ako, dahil maaga ako makakapag pahinga ngayon, tutal wala naman kaming assignment ngayong araw.
By the way, I'm Kristen Hernandez, 18 years old, 2nd year college na’ko at hilig ko ang mag Basketball, sa katunayan nga varsity ako dito sa school namin.
Wag na kayo mag tanong dahil ako din naman, hindi ko alam kung bakit ko nakahiligan ang pag babasketball simula kase nung bata ako, mahilig na akong manood ng basketball sa T.V at makipaglaro, tapos tina-ry kong mag laro natuto ako at ang mas malala kinaadikan ko na.
Hindi naman ako naging player noong ako ay highschool, ngayon ko lang talaga naisipan.
"Bessy !" Tawag sa’kin ng bestfriend ko, nilingon ko naman sya at inantay na makarating sakin.
"Akala ko ba 5 PM pa uwian nyo ?" Tanong ko sa kanya, mas sumobra ang aga ng uwian nila kaysa samin.
"Eh ewan ko kay sir may meeting ata ?" Sagot nya naman sakin, habang inaayos yung bag nya.
Ah kaya pala maaga din si sir nag dismissed kanina.
“Kaya pala, nanibago ako kase kilala mo naman yung prof. namin nayon, masyadong masipag mag klase"
"Oo nga eh, halos lahat naman ata ng prof. dito sa university, kahit time na sige pa din sap ag kaklase" Napatawa naman ako sa sinabi nya, totoo naman kase, yung uwing uwi kana pero yung prof nyo tuloy pa din.
“Bilisan na natin ang lakad, madami pa akong assignments na gagawin eh”
“Pwede ka naman kase mag pasundo nalang, bakit mag lalakad ka pa ?” Medyo malapit lang kase ang bahay namin dito sa university, pwede kang sumakay at pwede din mag lakad, pero mas pinipili kong mag lakad kase para sakin parang nakapag exercise na’ko.
“Alam ko kaseng wala kang kasabay, kaya sinasabayan nakita. Alam ko naman kase na kahit mag pasundo ako kay manong, hindi ka rin naman sasabay” Napangiti naman ako sa sinabi nya, talagang inaalala nya pa rin ako lagi.
Nga pala pakilala ko lang bestfriend ko sa inyo. Sya si Chloe Guevarra, ang nagiisa kong bestfriend. Simula gradeschool lagi ko na sya kasama, para na nga kaming kambal noon laging magkadikit hahaha, kaya tine-treasure ko sya maigi dahil sya lang ang nagiisa kong tapat na kaibigan halos kapatid na nga din ang turing ko sakanya.
At kung itatanong nyo hindi kami magkaklase, kaya nga mag kaiba kami ng oras ng uwian kanina. Mag ka ibang course ang kinuha namin, BSHRM sya at ako naman ay BSINFOTECH. Sana nga nag HRM na lang din ako kase nakakasabog ng utak ang programming Hahaha.
Hay nako.
Nauna ako nakauwi kay chloe, dahil sa susunod na kanto pa ang bahay nila. Pero bago naman makarating sa kanto naming sinundo na sya ni manong, dahil wala na syang kasabay. Mahirap na, kahit na sabihin nating sa village pa kami nakatira.
Nang makarating nako sa baha, sinalubong agad ako ni mommy.
"Oh na andito kana pala anak, kumain kana para maaga kang makapagpahinga" Mommy, habang nag hahanda nang makakain, alam kase ni mommy ang schedule ko, kaya bago pako makauwi nag luluto na sya agad, para maaga akong makapag pahinga.
"Okay mommy, magbibihis lang po ako" Umakyat nako sa kwarto ko para magbihis, inayos ko nayung gamit ko at bumaba na.
Bumaba narin si kuya
Yep meron akong kapatid, dalawa lang kami at hindi na sinubukan ni mommy at daddy na dagdagan dahil nga okay na daw sa kanila ang may babae at lalaki na anak.
"Mommy bakit wala si daddy ?" Pagtataka ko, dahil syempre tatlo lang kaming nasa hapag kainan.
"Naku anak, nakalimutan kong sabihin na nasa business trip ang daddy mo"
"Eh ? bat di manlang sya nag paalam ?" Si daddy talaga laging umaalis ng wala manlang paalam.
"Biglaan din kase yon, ako nga kanina ko lang din nalaman eh"
At ayon nga natahimik nalang ako at ipinagpatuloy kumain, si kuya naman parang walang imik ngayon nyare ?
Natapos ang hapunan namin na ako lang talaga ang nadaldal habang nasa hapag kainan. At umakyat na uli ako sa kwarto, i-sinet ko yung alarm clock ko ng 4:30 AM, dahil nga araw araw ako nalalaro ng basketball.
at naeexercise nadin yung katawan ko nun.
.
.
.
*Kriiing*
Diko namalayan na nakatulog na pala ako ? agad ko namang pinatay yung alarm clock ko. at nag asikaso kinuha ko yung bag ko nilagay ko dun yung lalagyan ko ng tubig, pero syempre may laman no. Cellphone at towel.
Nagshower muna ako.
Nang matapos na ay isinakbet ko yung bag ko sa balikat ko at kinuha yung bola lumabas na ng bahay at pumunta na ng court.
.
.
Nag simula na ako sa pag jojogging dito sa court, iniikot ko to ng 20 times, at ginagawa ko din yung pinaka exercises na ginagawa namin pag nagpapractice kami sa school.
nang matapos ko na yun, kinuha ko na ang bola nag start nakong magdribble at magshooting pero syempre diko kayang mag slamdunk hahaha.
Dinirible ko ang bola at ini-layup ito, kailangan mas gumaling pako.