Kristen POV “Bessy lika na !” Tumayo naman ako sa kinauupuan ko. “Mag co-commute ba tayo ? hindi ko kase dala yung kotse ko e. hiniram ni kuya” Oo may sarili akong kotse gift sakin ni Daddy nung nag 18 ako. Tapos si kuya naman motor yung kanya pero hinihiram kotse ko ayos din no ? “Ah hindi, kase nandyan naman si manong kaya mag pahatid nalang tayo” “Ahh sige” Lumabas na kami ng bahay at sinarado yun tapos sumakay na kami sa kotse at nag pahatid kay manong. Nang makarating kami dumiretso agad kami sa department store, mamimili lang pala to ng damit eh, sabagay pwede naman nya gamitin lagi yung credit card nya, sa katunayan pwede din naman ako kaya lang nakaugalian ko laging nag papaalam kay Daddy. “Best pili kana ng kahit na anong damit, diba sabi ko treat ko ngayon ?”