Kristen POV “Sakay na” Ang cold ha? Nag seselos nga ata sya ? “Mag seatbelt ka nga!” Medyo pasigaw nyang sabi sakin, ano ba talagang problema nito ? “Teka nga ! bakit ba ang sungit mo ha ?” Nakakainis wala naman akong ginagawa sa kanya ah ? “Wala tara na” Pero bago nya paandarin yon pinigilan ko yung kamay na gumalaw. “Hindi tayo aalis ng wala kang sinasabi sakin” Tapos hinarap ko yung muka nya sakin kung san san kase nakatingin e. “A-ano” “Ano ? sabihin mo na kase” “A-ano, sino ba talaga yung lalaking kasama mo sa library ha ? lalaki mo ba ?” Natawa naman ako sa sinabi nya so nagseselos nga sya ? ang cute naman ng maligno na’to hahahaha. “Nagseselos ka ?” Tumango tango naman sya sa tanong ko, tssss wala namang dapat i-kaselos kase kaibigan ko lang yun