James POV
"Oy ! anung klaseng laro bayang ginagawa mo ? agawin mo naman sakin tong bola tsss"Natatawa kong sabi kay Calvin muka na syang tupa na nag mamakaawa wag ko lang i-shoot yung bola, hindi naman pwede yun diba ? Hahaha walang ganun sa basketball.
"Tae ka ! alam mo namang di ako marunong, kase simula ng bata ako di ko sinubukan maglaro nito ! simula nung naging kaibigan kita dun ko lang naranasan humawak ng bola ! " Pag angal nya naman sakin.
"What the ?! marunong ka man o hindi pwedeng pwede mo naman agawin sakin to ! Hahaha "sabi ko nalang sakanya tapos diniribble ko yung bola pumuwesto sa 3 point line, then ayun na shoot ngumiti naman ako ng nakakaloko kay calvin .
“Ay nashoot ?” Pang asar kong sabi sakanya hahaha sarap talaga nitong asarin kahit kelan.
"Lusot na ! 10 times ha ?" Sabay bumakaka ako para lumusot sya sa ilalim ko ng sampung bes.
"Tae james tinotorture mo ko "habang nalusot sya, Nang makalusot na sya umayaw nako wala namang kalatuy latoy yung kalaban ko e, umupo kami sa bench dun sa court at uminom muna ng tubig.
"Bro ? yung sinabi mo kanina ?"
"Oh ? anung sinabi ko ?" Oh ano naman yon ? bigla bigla nalang nag sasalita to eh.
"Yung familiar sayo yung girl kanina, totoo bayun ? kung totoo pano ? saan mo sya nakita ?" Medyo seryoso sya, kaya parang feeling ko naman kailangan ko din sya sagutin ng seryoso din.
"Oo totoo yun, natatandaan mo ba noong championship naming, laban sa lawson university ? nakita ko sya don nanonood ibang iba pa sya nun napakasimple, ngayon kase sobrang laki ng pinagbago nya "Hindi ko alam kung bakit sa dinami rami ng mga nanonood doon, eh natandaan ko pa yung mukang yon.
"Talaga ? Eh kung itanung ko naman sayo na kung anung gusto mo ? yung dating simple lang o etong ngayung sobrang hot na nya ?" Ano ba naming katanungan yan ?
"Anu bayang mga tanong mo, pero kung ako papipiliin ? maganda sya pag simple lang ang inosente nyang tignan at ang amo ng muka nya"
Teka ? ba’t ko ba’to nasasabi ?
"Good answer bro, patunay na hindi ka f*ckboi. Pero kung sa iba yun, I'm sure na mas gusto nila yung pagbabago nya" Sabay tap nya sa shoulder ko.Tumango na lang ako sakanya, ang weird nya ngayon but may point sya, pero mas nangingibabaw parin yung standard ko sa babae na simple lang. Well, bihira ka nalang makaka kita ng lalaking kagaya ko ano ? pero ang sabi ng mga babae mayabang daw ako, Tsk.
*Kriiiinnnnnggg *
"Ah, Excuse me" Tumango lang naman sya, tinignan ko sino yung natawag at si daddy yon.
"Hey dad ?" Masiglang bati ko sa kanya.
(Hey, where are you?) Tanong ni daddy, mula sa kabilang linya.
"Basketball court po nang village natin, why dad ?"
(Oh, can you pick up my document papers in my office please? Pasensya kana sa abala, anak. Pinaalis ko kase yung iba kong tauhan kanina at nalimutan ko namang ipasadya sa kanila)
"It’s okay dad, Sa school dad ?
(Yes)
"Okay daddy, I'm on my way" Pinatay ko na yung tawag at nilingon si calvin, syempre isasama ko parin to, bahala na kahit ganito itsura namin.
"Oy cavs, tara sa school" Kinuha ko naman yung bola.
"Diba wala tayong sched ngayun ? anung gagawin mo dun ?" Paalala nya sakin, oo alam ko naman na wala akong sched.
"May pinapakuha si daddy e" Sabi ko nalang at nag patuloy lumabas sa court nayon, alam ko namang hindi aangal yan hahaha.
"K. pero parang nakakahiya sa mga makakakita na ganito itsura natin" Kala mo talaga kung saan pupunta eh, malapit lang naman yon dito.
“Ayos lang yan wala naman silang pake sayo” Natatawa kong sabi sa kanya.
“Ang sama mo talaga eh no ?”
Bumalik muna kami sa bahay para kunin yung kotse ko. Hindi na kami nagpalit ng damit, gwapo pa din naman e hahaha, nang makarating kami sa school pinark ko muna yung kotse.
Paglabas namin ng kotse nagbulungan yung mga babae kahit rinig naman.
"OMG, nakikita nyo ba nakikita ko ? Si James ba’t kaya sya naandito ?" Dinig naming usapan, bakit bawal ba ?
"Oo nga, kasi wala naman syang sched ngayun"
"Ang gwapo nila, kahit na medyo pawisan !" Hinayan ko na lang yung mga babae, naglakad na kami ni calvin papunta ng office ni dad nasa 3rd floor kasi yun eh.
Habang naglalakad.
*BOOGGSHHHH*
May nakabunggo sakin bakit ba kasi di sya natingin sa dinadaan nya ?
"Miss ? pwede ba magingat kanaman ?" Pag angat ng ulo nya, nagulat ako, kase nakita ko na naman sya, yung sikat na babaeng basketball player dito sa university namin.
"S-sorry" Sya tapos tumakbo naulit. Anung nangyare don ? nakakita ba sya ng multo ? Sabagay medyo nasungitan ko ata. Btw. Ang ganda nya pala pag malapitan ?
"Hoy ! lika na ! natulala kana dyan nakabungguan mo lang e" Inakay nya naman ako papunta dun nga sa office.
"Manahimik ka nga ! kaya kong mag lakad mag isa" Naiinis ko namang tinanggal yung mga kamay na nakaalalay sakin, Pumunta na kami sa office ni daddy kinuha ko nayung papeles na sinabi nya, umalis naman agad kami at pumunta sa isang bahay namin.
Yep, 3 yung bahay namin isa sa baguio yung isa dun nga sa village namin, atsaka dun sa Quezon.
Malayo yung school namin sa quezon, kaya sa village namin dun ako nag stay. kase mas malapit nga sa university. inihatid na namin ni calvin kay dad yung papeles, tapos pinakain muna kami ni daddy at nagstay muna kami don, syempre pahinga narin at konting kwentuhan. tapos naligo na muna bago umalis, may damit naman ako doon. pinahiram ko na lang din si calvin ng magagamit nya.
At umuwi narin, wala si mommy don ngayon. may pinuntahan, pero sa bagay lagi ko naman s'yang dinadalaw. Naging maayos naman yung pagbalik namin.
Papagabi narin nung umuwi kami kaya dumiretso nako sa kwarto, natulog na ako agad dahil, nakakain narin naman na ako.
Pinikit ko na ang mga mata ko, at hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako.
di ko na namalayan na naka tulog na pala ako.