-Geraldine POV- Pinakatitigan ko ang kwintas kong suot. Umaasang makikita kong muli ang kapareho nitong pendant kung saan may nakasulat na Mi. "Nasaan na kaya ang isang pendant ko?" Tanong ko sa sarili. Nasa akin ang Amor at nawala naman ang Mi. Ilang araw na lang ay welcome party ko na. Welcome party na tinuturing kong birthday party. Ang totoo, kinakabahan ako, paano kung mas lalo lang mainis sa akin si Kuya Dante? Mayamaya ay muli kong tinago ang kwintas sa bulsa ng suot kong pantalon. Ang tanging alaala na naiwan sa akin ng totoo kong mga magulang, iyon ang sabi sa akin ni Nanay Farrah. "Hija, nariyan ka pala." Napasulyap ako kay Tita Thalia. Napakaaliwalas ng mukha nito, halatang mas excited pa sa akin. "Binuksan mo na ba ang gift kung saan naroon ang bagong damit na binili na