-Geraldine POV- Nakakatakot kapag nalaman ng lahat kung sino ako. "Woooh... ang seksi mo, Lilith!" Sigaw ng isang lalaki. Hindi na bago sa'kin ang ganitong trabaho. Kahit may iniindang sakit kailangan kong sumayaw dahil heto lang ang tanging naging suporta ko. Masakit para sa'kin ang mabuhay sa mundong ibabaw lalo na at hindi mo alam kung sinu-sino ang dapat mong pagkatiwalaan. Mabuti na lamang at nakaalis agad ako ng mansion. Hindi naman pwedeng mag-depend ako sa pera nina Thalia at Tito Diego. Gusto kong ipakita sa kanila na hindi ako gaya ng iniisip ni Kuya Dante na umaasa sa yaman ng sarili nitong pamilya. Ang aking mga kamay ay dumausdos sa malamig, makintab na pole. Nararamdaman ko ang bawat texture nito, ang bawat umbok at kurba. Ang aking katawan ay nagiging isa sa metal, n