Chapter 5: Pervert

2075 Words
“WHAT’S THE MEANING of this, Kristen?” halata pa rin ang gulat sa mukha ng asawa niya. Bagong paligo pa naman ito. Mukhang pagpapawisan agad dahil sa kakulitan niya. Langhap din niya ang mabangong amoy nito. Imbes na sagutin ito, tinulak niya ito para magkaroon siya ng daanan. Iniwan niya ito sa hambaan ng pinto na hila-hila pa rin ang maleta. “F*ck! Pag-usapan natin ‘to, kristen. ‘Wag naman ganitong padalos-dalos!” anito nang sundan siya sa sala. Nakatingin ito sa maleta niyang hila-hila niya. Hindi niya pa rin ito sinagot. Nang mapansin nitong papunta siya sa silid nito ay nagpatiuna ito. Malamang na mauunahan siya nito dahil may hila-hila siyang maleta. Hinarang nito ang sarili doon para hindi siya makadaan, partikular na sa may doorknob. Sigurista naman ang asawa niya, kaso mas sigurista siya. Ini-expect na niya mga ganiyang galawan ng asawa. “Aalis ka diyan o hindi?” aniyang parang sa kan’ya ang hinaharangan nito. Pabagsak niyang pinatayo ng maayos ang maleta saka nameywang dito. “No! Diyan ka lang. Hindi ka puwedeng pumasok sa silid ko!” Napahawak siya sa sintido kapagkuwan. “Ipapaalala ko ulit sa’yo, Dave. Asawa mo ako. So, may karapatan akong pumasok sa silid mo, o sa kahit saang sulok ng bahay mo. Kahit mismo sa’yo, may karapatan ako. Kaya, alis!” “Oh God! Kasal lang tayo sa papel, hindi mo ba naiintindihan ‘yon?!” Halata ang gigil at inis sa bawat bigkas nito sa mga salita. Nang mapansin nitong nag-iba ang reaksyon niya ay bigla itong nag-menor sa inaakto. “Okay. I’m sorry sa ginawa ko. Masyado akong nagpadalus-dalos sa desisyon ko. Kaya, pag-usapan natin ito ngayon ng maayos,” ani pa nito sa malumanay na tinig na. “Hindi mo na mababago ang desisyon ko Dave. Dito na ako titira, kahit ayaw mo. Masyado mo akong sinagad, e. Puwes magtiis ka!” Lumapit siya dito at pilit na pinapaalis ito sa pintuan pero ayaw pa rin nitong umalis. Isa pa, mas malakas ito, kaya talo siya. Kaya saglit siyang nag-isip ng paraan kung paano ito mapapaalis sa pintuan..  Napangiti siya kapagkuwan nang may naisip na kalokohan. “Aalis ka, o hindi?” halata na ang pagbabanta sa kan’ya. “Hindi,” giit nito na ikinangiti niya.  “Hindi pala, huh!” Inisang hakbang niya ang pagitan nila at niyakap ito saka idiniin ang labi dito. Kasabay niyon ang mabilis na pagbaba ng kamay niya papasok sa cotton shorts nito, saka dinakma ang alaga nito. Talagang nanlaki ang mga mata nito na bumaba ang tingin sa kan’ya. Nakadikit pa rin ang labi niya dito.  “Holy f*ck!” anito nang ilayo niya ang labi dito saka tiningnan ang kamay niyang nasa loob ng shorts nito. Sunod-sunod ang paglunok nito. Kitang-kita niya sa adams apple nitong taas-baba. “Kapag hindi ka umalis sa pintuan. Hindi lang ito ang gagawin ko. O baka naman, gusto mo, kaya magmamatigas ka dahil mas higit pa ang nais mo,” pilyang sabi niya dito. “N-no. I mean, yes, aalis na ako. Kaya tanggalin mo na ang kamay mo. Please,” medyo nauutal na sabi nito sa kan’ya. Hindi niya mapigilang mapangiti nang mapansin ang pamumuo ng pawis nito sa noo. Ang ikinatigil niya ang biglang pagtigas ng hinahawakan niya. Napalunok siya doon, nanginig din bigla ang kamay niya. Pero pilit niyang pinakalma niya ang sarili. “Sure? Aalis ka na diyan?” paninigurado niya sa asawang nakaawang ang labi. Tumango ito kaya mabilis na tinanggal niya ang kamay sa loob ng shorts nito. Hindi ito umalis kaya tinaasan niya ito ng kilay. “Sa kabilang silid ka na lang kaya,” anitong ikinalukot ng mukha niya. “Saan ka nakakita na mag-asawang magkahiwalay ang tulugan? Saan mo ba ‘yan napanood, huh? Mali na ‘yang pinapalabas nila, huh?” litanya niya rito. Napahawak lang ito sa noo nito.  Hinila niya ang maleta nang umusod ito. “Puwede mo bang buksan ang pinto, mahal kong asawa?” Ngumiti siya dito pero sumimangot lang ito.  Akmang lalapitan niya ito nang biglang buksan nito ang pinto. Akala siguro may gagawin na naman siyang hindi maganda. Pabebe talaga ‘tong asawa niya, susunod naman pala, e. “Magpapabili ako ng extra bed para-” “Anong extra bed? E, ang laki-laki ng kama natin,” putol niya sa mga sasabihin nito “Sobra ka na, Kristen! Hindi na ito tama. Kailangan ko naman ng konting privacy. Hindi ako sanay na may ibang katabi! Minsan may mga inuuwi akong trabaho ako,  at sa kama ko lang ginagawa.” “Eh, ano ang tama? Ang mag-isa ako sa bahay namin? Ang matulog ako sa lapag? Samantalang, may kama naman. Isa pa, mag-asawa na tayo. Ano pa’ng pinapabebe mo diyan? ‘Wag kang mag-alala sa privacy, pagbibigyan kita. Or, puwede mo namang gamitin ang kabilang silid kapag may trabaho kang iuuwi. Hindi kita papakialaman doon. Promise, mamatay man ang babae mo ngayon din! Basta, dito ka matutulog, huh? Dahil kapag natulog ka doon, doon na rin ako matutulog. Kuha mo?”  “Damn!” anito  sabay talikod sa kan’ya. Lumabas ito ng silid nito kapagkuwan. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Naiiling na inihiga niya ang sarili sa malambot na kama nito.  Malapit na siya maloka sa mga pinaggagawa. Pakapalan na ng mukha ito. Pero kahit ganoon, masaya siya. Kasi, napapasunod niya ito kahit papaano. Kaso, kailangang palambutin para sumunod. Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga damit niya sa closet ng asawa. Hindi niya mapigilang humanga dito, kasi ang ganda, at ang ayos ng pagkaka-kamada ng mga damit nito. Kahit mga underwear nito ay maayos din.  INIS NA IGINIYA ni Dave ang sarili sa labas para magpahangin. Pakiramdam niya nasu-suffocate siya sa loob ng condo.  Hindi naman niya aakalaing totohanin ni Kristen ang sinabi nitong titira ito sa bahay niya. Sa lahat ng babaeng nakilala niya, si Kristen ang pinaka-makulit. Sobra. Napaka-consistent at- masyadong pilya. Ano ba kasi ang ipinaglalaban nito? Napababa siya ng tingin sa alaga niya. Hindi pa rin nawawala ang paninigas. Lalo na kanina, nagagalit na! Bwisit kasing babaeng ‘yon! Ang lakas ng loob na dakmain!  Ano ba kasing nakita niya kay Kristen nang malasing siya? Oo maganda naman, pero hindi niya talaga tipo. Lalo na nang maalala ang kuwento ng kapatid nito. Kung makapagpalit ng lalaki e parang basahan lang. Wala rin daw siniseryoso. Ayaw niya ng gano’n. Alam niyang magsasawa rin ito, kagaya ng sabi ng kapatid nito. Ang kaso, matagal at mahirap ang pinasok niya. Napahilot siya sa sintido dahil doon.  Kinuha niya ang telepono at nakibalita sa isang kaibigan tungkol sa pinapaayos niya. Napakuyom siya ng kamao nang sabihin nitong baka matagalan pa bago bumalik sa normal ang lahat. Naiinis na siya! Napatingin siya sa relong pambisig, mag-aalas-nuebe na pala. Nawala sa isip niyang kailangan niyang pumunta sa ZL Lounge. Wala kasi si Diane. Tapos busy din si Ezekiel kay Athena. So, siya lang talaga ang puwedeng manage niyon sa ngayon. Hindi na nga siya magkanda-ugaga sa hotel niya, e dumagdag pa ang bar. Hindi na rin siya nagtagal sa labas dahil kailangan din siya sa ZL.  Napatingin siya sa asawang nasa sala niya. Asawa? Kinikilabutan pa rin siya kapag naiisip na kasal na siya sa babeng hindi naman niya gusto. Ano ba talaga kasi pumasok sa isip niya para pakasalan ito? Hindi na ulit siya iinom ng maraming alak! Pangako ‘yan! Sumulyap ulit siya rito. Naka-pajama na ito. Nakataas din ang mga paa nito na nakatukod sa center table niya. Hanep! Feel at home talaga! Mabilis na naglakad siya papasok ng silid niya- nila pala dapat. Dahil hindi na niya ito ngayon solo! May kahati na siya sa kuwarto niya. Mabilis lang ang mga naging kilos niya para magbihis. Mahirap na, baka bigla itong pumasok. Baka abutin na naman  ng kapilyahan ito. Inaamin niyang naapektuhan siya. Pero hanggang doon lang. Natural lang na reaksyon ‘yon dahil lalaki siya at babae ito. Hinigit niya ang telepono at susi niya bago lumabas ng silid. Natigilan siya sa paghakbang nang makitang titig na titig ito sa kan’ya. Kakaiba talaga ito kung makasuyod ng kabuuhan niya. Para kasi itong mangangain din minsan. Napapitlag siya nang gumalaw ang kaibigan niya. “Kalma lang,” aniyang sarili lang ang nakakarinig. “Saan ka pupunta?” Kumunot ang noo niya dito. “Kailangan ko pa bang sabihin sa’yo lahat ng lakad ko? ‘Wag mong sabihing pati kalayaan ko, kukunin mo?” aniyang naiinis. “Malamang, asawa mo ako. Kaya, dapat alam ko kung saang ka nagsusuot!” sagot nito na ikinainis niya lalo. “Malaya ka namang gawin ang lahat, basta dapat alam ko. Pero baka abutin ako ng topak. Tatanggalan talaga kita ng kalayaan kapag may ginawa kang hindi maganda. Kaya, magpaka-bait ka. Sa ngayon, hindi ko muna papakialaman mga ginagawa mo dahil mag-iisip pa ako ng mga hindi mo dapat gawin habang mag-asawa pa tayo.” “Damn!” Puputi yata ang buhok niya dito kapag ito ang lagi niyang kausap. Matutuyuan yata siya ng tubig sa katawan kapag ito ang kaharap. “Ang dami mong alam, Kristen! My God!” naibulas niya dito bigla. Ngumiti lang ito. Iniwan niya ito sa sala sa sobrang inis. “Bye, husband!” Napapikit siya sa sigaw nito. Kinilabutan tuloy siya. Kailangan niya ding mag-isip kung paano ba ito mapapaalis sa condo niya. Inabala niya lang ang sarili sa ZL Lounge ng mga ilang oras. Marami silang customer kaya inabot siya ng alas-dos ng madaling araw.  Iba talaga kapag nasa ZL siya, nakakalimutan niya ang mga problema niya. Nalilibang kasi siya. Lalo na kapag maraming customer, marami rin siyang nakaka-usap. Ramdam ni Dave ang pagod nang makasakay na siya ng sasakyan niya. Hinilot pa niya ang batok dahil nangangalay na.  Wala pang twenty minutes ay narating na niya ang condo niya. Walang traffic kaya mabilis lang ang naging biyahe niya.  Tanging lampshade na nagmumula sa side table ng sala niya ang tumatanglaw na liwanag nang pumasok siya sa condo. Hindi na niya inabala ang sariling buksan ang ilaw, kahit sa kuwarto niya. Dere-deretso lang siya tanggal ng damit at pantalon. Tanging boxer brief ang itinira niya bago bumagsak sa kama. Ganoon naman siya tuwing madaling-araw lalo na kapag galing siya ng ZL.  Hindi na niya namalayan ang pagyakap ng isang braso sa kan’ya dahil mabilis na iginiya siya ng antok para matulog. Nagising siya kinabukasan bandang alas-sais dahil nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Nakapikit na binaybay niya ang papuntang banyo. Kabisado na niya ang bawat sulok ng bahay niya kung tutuusin. Tantiyado na rin niya ang layo ng mga pintuan, lalo na sa banyo.  Itinulak niya ang pintuan na nakapikit  pa rin. Alam niyang malapit na siya sa male urinal niya kaya inilabas na niya ang alaga sa brief. Iminulat niya ang isang mata para masiguro talaga bago pumikit ulit dahil sobrang antok pa siya.  “Grabe! Ang laki!” Bigla siyang napamulat nang marinig ang malakas na sigaw. Hinanap niya ang pamilyar na tinig. Gayon na lang pagkagulat niya nang makita si Kristen sa tub. Nakalubog ito sa tub na puno ng sabon. Mukhang wala itong saplot ni isa! Nakangisi ito kaya bigla siyang tumalikod dito. Napatampal siya sa noo kapagkuwan. Bakit ba niya nakalimutang may ibang kasama siya sa condo? “Ang bastos mo, Kristen!” “Excuse me, my dear husband. Ikaw ‘tong bastos! Pumasok ka sa ban’yo, na hindi man lang inalam kung may tao ba, o wala! Pero okay lang pala, kung ikaw naman ang papasok.” Damn! Ayan na naman siya!  Bigla siyang napapitlag nang maramdaman na gusto ng lumabas ang ihi niya. “Fine! Pumikit ka dahil ihing-ihi na ako! God!” sigaw niya dito dahil hindi na niya mapipigilan. “Okay.” Pumikit naman ito kaya mabilis na iginiya ulit ang sarili sa urinal. Bahagya pa siyang kinilig nang patapos na iyon. Nilingon niya ito pero nakapikit pa rin, kaya, mabilis na iginiya niya ang sarili papuntang pintuan. Hindi pa man siya nakakarating nang marinig ang boses nito. “Nice ass!”  Inis na pinatay niya ang ilaw ng banyo dahil sa narinig para hindi siya nito nakita. Paniguradong madidiliman ito. Grabe talaga ang babaeng iyon! Walang pinipiling oras pagdating sa kapilyahan! “Dave, ang ilaw! Pisti ka! ‘Pag ako nakakita ng multo dito!” Natawa siya sa huling sinabi nito nang makalabas. Pero bigla niyang natampal ang bibig nang mapagtantong tumatawa siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD