Chapter 3: Annoying

2643 Words
NAPATIGIL SI KRISTEN sa paglalakad nang mapadaan sa magandang jewelry shop. Naisipan na naman niyang mag-window shoping pagkagaling ng opisina. Gusto niya mag-relax kahit papaano. Hindi naman dahil sa trabaho, kung hindi sa asawa niyang ayaw sa kan’ya.  Malungkot na tumingin siya sa transparent glass na iyon na dingding. Ang kumikinang na brilyante sa gitna ng pambabaeng studded ring ang kaagad na umagaw ng atensyon niya. Napapaligiran din iyon ng mga batong hiyas na lalong nagpakinang doon. Ganoon pa naman mga tipo niya. Unique para sa kan’ya. Pero bigla siyang nalungkot.  Mukhang ang mahal niyon.  Aalis na sana siya nang lumabas ang saleslady. “Baka gusto niyong pumasok, Ma’am. Naka-promo po tayo diyan.” Nginuso nito ang pinakagusto niya kaya natanong niya ito. Mukhang pinagmasadan siya nito mula sa loob. “Ahm, magkano ‘yan?” nahihiyang tanong niya dito.  Napataas siya ng kilay nang humugot ito ng calculator. Humarap ito sa kan’ya. Lumingon muna ito sa likod kung may nakatingin. “Sorry, Ma’am may calculator ako. Mahina kasi ako sa math,” bulong nito sa kan’ya na ikinatawa niya. “‘Wag kang mag-alala parehas lang tayo,” natatawang sambit niya dito. “Sige nga, Ma’am. Magkano ang 30% ng 38,000?” tanong nito na ikinatigil niya.  Ba’t kasi ‘di nito ginamit ang calculator nito? Ang dami na nga niyang iniisip, pagkompyutin pa siya nito? Napakamot siya ng ulo kapagkuwan. “Parehas nga talaga tayo, Ma’am!” papalatak nito.  Kuha na niya, sinubukan nga siya nito kung marunong siya. Napailing na lang siya. Inangat nito ang kamay na my hawak na calculator.  O ‘di ba? Gagamitan lang naman pala, tatanungin pa siya! Kaloka! Hindi ba nito alam ang presyo? Tumingin siya dito na panay na ang dutdot sa calculator “Discounted po siya ng 11,400 pesos. Kasi naka-30% off po siya hanggang sa susunod na araw..” Dumutdot na naman ito sa maliit na calculator nito “So, 26,600 pesos na lang po siya, Ma’am.” “Nila-lang mo lang?! Ang mahal, te! ‘Wag na lang.” Expected na niya pero bakit naman gano’n kamahal? Sabagay, maganda ang shop na ito at mamahalin naman talaga. “Grabe ka naman, Ma’am. Pinag-compute mo pa ako. Hindi ka naman pala bibili,” anitong medyo naiinis na. Napaangat siya ng kilay do’n. “Sinabi ko ba na bibili ako? Sinabi ko rin ba na kompyutin mo? Hindi, ‘di ba? Tinanong ko lang kung magkano. Tapos ikaw ‘tong dutdot ng dutdot sa calculator mo, e! Sa lahat ng saleslady, ikaw lang hindi nakaka-alam ng presyo ng paninda mo! Tama bang sabihin mo sa customer mo ‘yan? Kakaiba ka, te!” mahabang litanya niya at iniwan na ito. Kaloka ‘to si ate’ng saleslady! Mukhang pagbayarin pa siya nito kapag nagtagal siya doon. Mukhang bago lang yata. ‘Di kabisado ang mga presyo. Kahit hindi naman magaling sa math, basta matandain ka, maibibigay pa rin ang presyo nang hindi mapahiya sa customer. Naiiling na pumasok na lang siya sa fast food na nakita nang marating ang food court. Ikain na lang niya ang stress, mabuti pa.  Heavy meal ang inorder niya. Mukhang nagutom siya kakalibot sa mall. Wala naman siyang gagawin sa bahay nila. Isa pa, nagpaalam ang kuya niya na hindi makakapagluto dahil maaga raw itong aalis.  Pagkatapos kumain ay iginiya niya ang sarili pauwi. Pero bago iyon, nag-send siya ng mensahe sa ilang piling kaibigan na gusto niya ng kainuman. As usual, walang pumatol. Paano kasi mga may may-asawa na. Dalawa na lang yata sa kaibigan niya ang single. Siyempre, hindi na siya belong sa mga single. Hello! Kasal na siya kay Dave! Kaso walang bakas. Sumulyap pa siya sa daliri niyang walang wedding ring. Tapos hindi pa sila nagsasama. Wala nga talagang bakas ni konti! Madilim na bahay nila ang bumungad sa kan’ya. Gabi-gabi na lang ganito, wala siyang kasama sa pagtulog. Kahit sa panonood ng mga palabas. Nami-miss niya tuloy ang magulang niya.  Malungkot na iginiya ang sarili sa silid niya. Saglit siyang nagpahinga bago naglinis ng sarili.  Alas-otso pa lang pero nakasuot na siya ng pantulog. Ganito naman siya araw-araw. Nanunood siya ng pelikula nang mag-ring ang telepono niya. Nang makitang pangalan ng kapatid ang rumehistro ay mabilis na sinagot niya iyon.  Napailing na binaba niya ang telepono pagkatapos nilang mag-usap. Sabi na, may ipapakisuyo na naman ito. May pinapakuha ito mula sa Spotlight. Baka raw kasi masira kapag naabutan pa ng kinabukasan. Pagkain pala iyon. Rugged jeans na tinernuhan niya ng puting shirt ang suot niya. Pinatungan na lang niya ng jacket. Hindi naman siya magtatagal doon.  Hinigit niya ang sneakers na puti at sinuot iyon. Sling bag din ang dala niya na kasya lang ang telepono at wallet niya.  Saktong paglabas niya ay nasa labas na ang sasakyan niya. Nag-book lang siya nang masasakyan sa isang app. Medyo traffic, kaya, medyo natagalan siya sa biyahe. Pagdating niya sa Spotlight ay may nagpe-perform sa stage. Sayang, hindi pala schedule ni Kendra ngayon. Pero pamilyar sa kan’ya ang kumakanta.  Kaagad na lumapit siya sa staff at tinanong kung nasaan ang kapatid niya. Nang sabihin nitong nasa opisina ng boss nito ay naupo na lang muna siya. Umorder din siya ng maiinom habang hinihintay ang kapatid. Libre naman, dagdag na lang sa tab ng kapatid ang iinumin niya. Nakakadalawang lagok pa lang siya nang makita ang kapatid na pababa ng hagdan. Kumaway siya dito pero natigilan siya nang mapagsino ang nasa likod nito.   Ang asawa niya! Anong ginagawa nito dito? Nakakunot ang noo nito na nakatingin din sa kan’ya. Kumaway ang kapatid niya kaya tumayo siya at lumapit. “What the hell are you doing here?!” Nagulat siya sa nagsalita mula sa likod ng kapatid niya. Maging ang kapatid ay napalingon dito. Pinanlakihan niya ng mata si Dave dahil baka masabi nito sa kapatid niya. Pero sabagay, ayaw naman nga nito malaman ng iba. “Magkakilala kayo ng kapatid ko, Sir Dave?” ani ng kapatid. Bumaling din ito sa kan’ya. Saglit na natigilan si Dave. “K-kapatid mo siya?” nauutal nitong tanong sa kuya niya. “Yes po. Siya po ang naikuwento ko sa’yo kanina.” “Oh, I see.” Tumango-tango ito saka sumulyap sa kan’ya.  Iningusan niya ito. Akala siguro ng asawa niya, sinusundan niya. Pero malapit na siya mapunta sa pagiging stalker. Hindi pa sa ngayon. Naiinis pa siya, e. Natawa siya sa loob-loob niya. Muntik ng mapahiya ito sana.  “Mamaya ka na umuwi, hindi pa dumadating, e.” Napangiwi siya sa sinabi ng kapatid. Akala pa naman niya, kukunin na lang niya. “Maiwan ko muna kayo, Sir.” Ngumiti ang kapatid sa asawa niya bago tumalikod. ‘Di ba dapat sa kan’ya ito ngingiti? Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong kasal na siya sa kaharap. Dahil galit-galit sila ni Dave, iniwan niya ito. Bumalik siya sa mesang pinanggalingan at humingi ulit ng maiinom. Mabilis din namang dumating ang order niya. Hindi pa man siya nakakalagok nang may bumulong sa kan’ya. “Drink moderately, baka sa ibang kama ka na naman matulog.” God! Kahit saglit pa lang sila nagkausap ng asawa. Kabisado na niya ang boses nito. Kahit mapabulong yata. Iba na talaga ang epekto ni Dave sa kan’ya. Napabaling siya sa asawa nang maalala ang ibinulong nito. Tinaasan niya ito ng kilay. “Wow. Ako pa ang sinabihan mo niyan? Sino ba ‘tong nalasing at nagyayang magpakasal, huh? Ako ba? FYI, my dear husband, mas matibay ‘to sa inuman, kesa sa’yo! Alam ko ang ginagawa ko.” Saglit itong natigilan pero kaagad ding bumawi. “Lower your voice.” Luminga pa ito. “Correction lang din, I. Am. Not. Your. Husband. Are we clear?” anitong may diin bawat kataga nito. Natawa siya ng mapakla dito. “‘Yan ang sabi ng bibig mo. Pero ang sabi ng papel na hawak ni Mayor, kasal ka sa akin. Isa lang ang ibig sabihin. I. Am. Your. Wife! Are we clear?” Panggagaya niya dito. “In your dreams, Kristen!” bulong ulit nito na ikinatawa niya. “Kakainin mo din ‘yang sinabi mo, asawa ko. Tapos ako na ang papangarapin mo balang-araw,” aniya sa malambing na tinig nang mag-angat siya ng tingin. Ngumiti lang ito ng pilit saka iniwan na siya. Pero alam niyang naasar ito sa kan’ya. Napangiti siya doon.  Natigilan siya bigla nang may naisip. Mukhang masarap asarin ang asawa niya. Puwes! Humanda ito! Sinundan pa niya ng tingin ang papalayong bulto ng asawa. Nang makitang hindi na abala ang kapatid ay nilapitan niya ito. Walang makakaintindi sa kagagahan niya kung hindi ang kapatid lang niya. Kaya, kailangan niyang maging honest dito. Pero bago siya lumapit ay kiniskis niya ang palad dahil bigla siyang nanlamig. Ewan, parang kinakabahan siya. Kumamot pa siya ng ulo na nang makarating sa harapan nito.  “Hindi pa dumadating, sis,” bungad nito. Tumango siya dito. Kinagat niya muna ang ibabang labi bago nagsalita. “Ahm, puwede ba kitang makausap, Kuya?” Napakunot-noo ito. “Tungkol saan?” Luminga muna siya. Maraming tao. Dapat sa pribadong lugar. “Sa opisina mo na lang kaya? Please?” Napaseryoso ito. “Naku, Tinay! Umayos ka. May nagawa kang kasalanan, noh? O baka may boyfriend ka na naman na bago, tapos brineyk mo. Hindi kaya?” “Sa opisina mo na lang kasi. Maingay dito, o.” “Okay. ‘Wag sana akong atakehin sa puso, Tinay. Huh?” Naglakad ito paakyat ng hagdanan. Natawa sya sa sinabi nito bago sumunod dito.  Paano aatekehin ito sa puso? E, ito na nga ang nagtulak sa kan’ya noon na lumagay na sa tahimik. Ini-lock ng kapatid niya ang pintuan nang makapasok na sila. Pinaupo siya nito sa upuang laan para sa mga bisita nito.  Napangisi siya nang sinimulan nitong maglakad ng pabalik-balik sa harap niya. Nagsindi rin ito ng sigarilyo. Mukhang hindi ito mapakali. “Puwede bang pumirmi ka lang sa isang lugar, Kuya. Hindi iyong kung saan.” aniyang natatawa. “Sino bang hindi kakabahan sa’yo. Jusko! Lalaki ba ‘yan? Sinaktan ka ba? Sabihin mo lang at-” “Kasal na ako, Kuya,”  “Ay, belat, kasal!” gulat na sabi nito na ikinahalakhak niya. “Wait, sinong kinasal?!” Bunganga talaga ng kapatid niya minsan walang filter.  Tinuro niya ang sarili niya dito. Napahawak naman ito sa dibdib nito. “‘Wag mo ako pinagloloko, Kristen!” anito habang pinapatay ang  sigarilyo nitong hindi pa masyadong nahihithit. Nakapmeywang pa ito na humarap sa kan’ya kapagkuwan. “Kuya, naman! Bakit naman kita lolokohin? Kasal na ako. Guess what kung kanino?” Kumunot ang noo nito. “Kanino naman? Aber?” Hindi pa rin talaga ito naniniwala sa kan’ya. “Kanino pa, e ‘di kay Dave. Dave Collin!” nakangiting sabi niya. Pero napalis iyon nang makita ang reaksyon ng kapatid.  Hindi dahil sa hindi ito masaya kung hindi dahil sa hindi talaga ito naniniwala.  “Naku, itulog mo na ‘yan. Tigil-tigilan mo ang kakapantasya sa mga mayayaman. Mapapatay ako ng Tatay natin kapag nalamang nabaliw ka na naman ngayon sa poder ko. Hala, umuwi ka na nga, at matulog. Para paggising mo, magising ka rin sa masasamang panaginip mo! Para ka kasing nananaginip sa panaginip mo. My God! Ihahanap na nga talaga kita ng mapapangasawa-” “Nagsasabi ako ng totoo, kuya! Mukha ba akong nababaliw?” “Oo, mukha ka’ng nababaliw!”  “Anong gagawin ko para maniwala ka, Kuya?” “Malamang, sa ebidensiya!” Tumingin ito sa daliri niya. Walang singsing siguro na nakita kaya umiling-iling ang kapatid. “Naku! Puputi talaga kaagad buhok ko sa’yo. Umuwi ka na nga, maaga pa ang pasok mo bukas,” pagkasabi niyon ay pumunta ito sa pintuan at binuksan iyon. Bago ito lumabas ay bumaling sa kan’ya. “I-lock mo, sis.” ‘Yon lang at tuluyan na siyang iniwan. Bahagya siyang nalungkot. Hindi naman kasi kapani-paniwala, e. “Bakit kasi sa lahat ng ikinasal, sila lang ang walang singsing?” aniya sa sarili. Kasalanan ‘to ni Dave, e! Nagmumukha tuloy siyang baliw. Nagpakawala muna siya ng marahas na buntong-hininga bago lumabas sa opisina ng kapatid. Maniniwala din ito sa kan’ya balang-araw. Pero sa ngayon, ang mahalaga sa kan’ya, nasabi na niya rito. Masisimulan na niya ang mga plano niya para sa kanilang mag-asawa. Pagbaba niya ay nagpaalam na siya sa kapatid niya na uuwi na. Pero ang totoo, lilipat lang siya sa kabilang bar. Kukunin lang naman niya ang atensyon nito.  Hindi na siya nagpara ng masasakyan. Naglakad na lang siya. Tutal malapit lang naman. Bago siya pumasok ay inayos niya ang sarili para hindi naman nakakahiyang humarap dito. Napangiti siya nang makita ang asawa sa bar counter. Ang guwapo talaga nito sa kahit saang anggulo. Inilinga niya ang paningin. Marami na ring tao sa bar na iyon.  Napaiwas siya sa ilang gurpo ng kalalakihan nang mapansing sa gawi niya papunta ang mga ito. Nasiksik pa siya sa pader dahil doon. Hindi sinasadyang napatingin si Dave sa kan’ya. Nakadipa na siya sa pader dahil sa grupongh dumaan. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya rito na ikinasimangot naman nito. Sayang, nawala tuloy ang kaguwapuhan nito.  May inaasikaso itong customer nang maupo siya sa mataas na upuan ng bar counter ng ZL Lounge. “Vodka lime and soda, please.” Ngumiti siya sa asawa at malanding hinawakan ang kamay nitong nasa harap niya. Hindi nawala ang simangot sa mukha nito. “Ubos na,” anito at nakipagtitigan sa kan’ya habang nagpupunas na ng wine glass. “Kaka-order lang ‘nong babae, Mister. Okay, kung wala na, isang Dave Collin nga diyan. Puwede ba?” malambing na sabi niya sa asawa. “Kristen!” Halata ang inis sa mukha nito. Tumingin muna ito sa paligid. Wala namang nasa counter kung hindi sila lang.  Pabagsak na nilapag nito ang baso at hinarap siya ng maayos. “Lumabas ka na dito bago pa uminit ang ulo ko at mahila kita palabas!” “Ouch!” Hindi pa rin maalis ang malanding tinig niya. Pero sa loob-loob niya may kumurot lang naman. “Ganiyan ba ang tamang trato sa asawa? I mean, sa customer? Grabe! Puwede ko bang kausapin ang Manager dito? Si Miss Diane, nandito ba siya? Or si Sir Ezekiel?” Napapikit ito sa sunod-sunod na tanong niya. “Kristen, please! Umalis ka na!” Namumula na ang mukha nito kaya tumigil siya. “Itigil mo na ‘to. Wala kang mapapala sa akin.” Another ouch! Marahas na napabuntong-hininga siya rito. Nakakainis na naman talaga ‘tong asawa niya, e. “Kung hindi ka sana nagpadalus-dalos, hindi ako lalapit sa’yo. Naiintindihan mo ba, Dave? Ikaw ang basta na lang tumawag sa pinsan mo na ikasal tayo. Tapos babaliwalain mo ako ng gano’n-gano’n lang? Ano ‘to, ikaw lang ang agrabyado? Mahiya ka naman. Ako ang babae, hindi ikaw. Ipapaalala ko sa’yo na ikaw ‘tong atat isubo ang mainit na kanin, tapos iluluwa nang mapaso! Kaya, sisihin mo ang sarili mo! Ihanda mo bukas ang condo mo, at doon na ako titira nang magising ka sa katotohanang kasal ka na sa akin.” Matagal na natigilan ang asawa sa narinig mula sa kan’ya. Mukhang, matagal i-digest ng isip nito ang mga litanya niya. O baka, nakonsensiya na?. Buti na lang talaga wala pang lumalapit na customer sa kanila. “No. Hindi puwede. Hintayin mo na lang annulment papers sa bahay niyo. Ipapadala-” Bigla siyang nalungkot sa sinabi nito. “Hindi ako makikipag-annul sa’yo. Period. Tuldok. Gets mo? Magtiis ka! Ginusto mo ito, e!” ‘Yon lang at tinalikuran na ito. Pero naka-tatlong hakbang pa lang siya nang may ipaalala ulit dito, “Magsasama na tayo sa iisang bubong, sa ayaw at sa ayaw mo.” Nginitian pa niya ito ng nakakaloko. Isang malutong na mura naman ang namutawi mula sa bibig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD