Chapter 4: His Visitor

2344 Words
NANGHIHINANG NAPAHAWAK SI Kristen sa poste ng ilaw pagkalabas. Hingal na hingal siya sa mabilis na lakad makalabas lang ng ZL Lounge. Walang hiyang Dave ‘yon! Malungkot na nilingon niya ang bar. Mukhang ang hirap paamuhin ng asawa niya. Kahit masakit ito minsan magsalita kinakaya niya.  Bakit kasi walang filter man lang ang bibig ng asawa niya? Mukha namang nagsusungit-sungitan lang. O baka, ayaw lang talaga sa kan'ya nito. Hay, hindi ba nito alam na wala na itong pag-asa kay Kendra? Buntis na nga sa boss niya, e! Kaya, dapat lang na sa kan'ya ibaling ang atensyon dahil siya na ang asawa nito. Napakapa siya ng dibdib. Naroon pa rin ang kirot pero hindi niya pinansin. Mas lamang kasi sa kan'ya ang kagustuhang makuha ang loob nito.  Sa kabilang banda kasi ng puso niya, ramdam niyang mabuting tao ang asawa niya. Hindi rin niya alam kung bakit ganoon na lang kakapal mukha niya na ipaglaban ang nangyaring kasal nila. Hindi dahil sa agrabyado siya, may kung anong nag-uudyok kasi sa kan'ya na 'wag bitawan ang maling nangyaring pagpikot nito sa kan'ya. Maaga pa naman para sabihing heav over heels siya rito. Basta kakaiba ang nararamdamn niya kapag nakikita si Dave. Hindi niya naman iyon naramdaman sa mga naging karelasyon noon. Gusto rin niyang tuklasin kung ano ‘yon. Dagdag rin kasi ang pagiging magandang lalaki nito. BANGAG na pumasok siya kinabukasan. Ang tagal niya bago nakatulog kakaisip ng mga susunod na hakbang.  Kahit sa trabaho dala-dala niya ang mga isiping iyon. Kahit ang daming load na ng trabaho niya dahil siya na ang pumalit na sekretarya ng boss na si Blake Kent. Naging malungkot ang puwesto niya dahil wala na rin siya masyadong ka-tsikahan. Nagpalipat na sa ibang department si Kendra. Bandang alas-tres ng hapon nang maisip na puntahan na lang niya ang asawa sa condo nito pagkatapos ng trabaho niya. Alas-nuebe naman ito pumapasok sa ZL Lounge. Malamang na may madadatnan siya pagdating ng condo nito.  Naging ganado siya ng mga sumunod na sandali. Mabilis din niyang matapos ang mga papereworks. Excited lang makita ang asawa. Maaga siyang nag-out nang araw na iyon. Wala naman ang boss niya kaya inagahan na niya ang labas. Dumeretso siya sa condominium building kung saan naroon ang unit ng asawa. Sigurado siyang doon ito nakatira. Kasi marami siyang nakitang gamit doon, noong umalis siya nang umagang iyon. Lumapit siya sa babaeng receptionist.  "Hi! Good evening!" bati niya sa babaeng nakatingin sa computer nito. "Good evening din- Oh my! Kayo po pala Mrs. Collin!" bulalas ng babae nang mag-angat ng tingin. Napakunot-noo siya sa sinabi nito. Kilala siya nito. Paano nito nalaman na kasal siya kay Dave? Marahil, nahalata nito ang pagtataka sa mukha niya kaya nagsalita na ito. "Ay, Ma'am ako po pala 'yong tumulong sainyo na i-akyat si Sir Dave. Ako po ang naka-duty noong madaling araw," nakangiting sabi nito.   "Oh, hi!" aniya nang maalala ito. "Ikaw pala 'yon." Marami na rin kasi ang epekto ng alak sa kan’ya ng mga sandaling iyon kaya hindi na niya masyadong maalala ang ibang bagay. Buti pinaalala nito. Hindi na siya mahihirapang makapasok kung sakaling pagbawalan siya ni Dave.  Pero ang daldal nga pala ni Dave noong time na iyon. At kaya pala nito nalaman dahil nanggaling din mismo sa bibig ng asawa. Narinig niya din mismo iyon. Nahiya pa nga siya dahil sumigaw pa ito noong mga oras na iyon. "Alam niyo po, ang suwerte niyo po kay Sir. Bukod sa guwapo na, mayaman pa.  Tapos ubod pa ng bait. Ang dami pa namang nagpapalipad hangin sa asawa niyo mula sa mga kasamahan ko." Napaangat siya ng kilay sa sinabi nito. "Yeah. Suwerte ko nga kay Dave. Ahm, nandiyan ba siya? Hindi kasi siya sumasagot sa telepono, e," pagsisinungaling niya. Hindi naman niya alam ang numero nito. "Opo, nandiyan pa. Umakyat na lang po-" "Puwedeng pakitawagan na lang. Pakisabi may naghahanap sa kan'ya. 'Wag mo na lang sabihing asawa niya. Gusto ko lang siyang sorpresahin, gano'n." Ngumiti pa siya rito ng matamis.  "Ang sweet naman po. Sige po. Ako na po ang bahala kung paano pababain si Sir. Maupo na lang po muna kayo." Sabay turo ng waiting area. "Thank you!" Ngumiti siya ng matamis rito at tumalikod na. Actually, puwede naman siyang umakyat, kaso naalarma ang isip niya nang marinig ditong maraming nagkakagusto sa asawa niya. Hindi pa nga sila okay na mag-asawa tapos malalaman niyang maraming nagkakagusto dito? Hindi puwedeng maagaw ng iba ang asawa niya. Hindi! Sa kaniya lang dapat si Dave!   Tumingin siya sa paligid nang maupo sa couch na naroon. Well, gusto lang niyang sabihing sa mga babaeng nagkakagusto sa asawa niya, na siya ang nagwagi. Walang kahirap-hirap lang naman na napasakaniya ang asawa.  Ilang sandali lang siyang naghintay dahil natanaw na niya ang asawa na palabas ng elevator. Napalunok siya nang makita ang ayos nito. Casual lang shorts at v-neck shirts na bagay dito. Nakalugay din ang buhok nito na mukhang bagong paligo.  "Ang bango siguro ni Dave," anas niya habang hindi inaalis ang titig dito. Napahagikhik din siya ng mga sandaling iyon. Dumeretso ito sa reception area.  Mayamaya lang ay tinuro na siya ng babae. Nakangiting kumaway siya sa asawa. Samantalang ito, lukot ang mukha na nakapamulsa nang tumingin ito sa gawi niya. Binalikan nito ng tingin ang receptionist. Marahil, nagpasalamat ito. Tumayo siya para salubungin ito. Luminga muna siya. May ilang mga staff sa paligid. Sapat na siguro para ipagsabi ng mga ito na pag-aari niya ang pinagpapantasyahan ng mga ito. Hindi nakaiwas ang asawa niya nang iyakap niya ang mga kamay sa leeg nito, at idiniin ang labi, sa labi nito. Pero hindi ito tumugon. Ayos lang. Natigilan lang ito sa ginawa niya. Hindi pa rin ito nakahuma kaya, sinamantala niya iyon para tumitig sa mukha nitong gulat pa rin. “At least, dumikit ang labi ko sa labi niya!” aniya sa loob-loob.  "Why the heck are you here?" mahina pero may diing tanong nito.  "Dinadalaw kita. Bakit? Bawal bang dalawin ang asawa?” Pumikit siya para samyuhin ang amoy nito. “Ang bango naman ng asawa ko,” “Bitiw, kung ayaw mong mapahiya,” anitong hindi maipinta ang mukha. Napasimangot siya dito. “Okay.” Nginitan niya ito. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya pabalik sa couch na kinauupuan niya kanina. "Ilang beses ba kitang ipagtabuyan, Kristen para tumigil ka?" anito nang makaupo ito. “Mga 100 puwede na,” pang-aasar niya na tumabi dito. Umusod ito. “‘Wag kang dumikit,” utos nito pero hindi niya sinunod. Idinikit niya ang sarili dito. Umusod ito kaya, umusod din siya. Naulit ulit, hanggang sa wala na itong mausugan.  Dahil nakaramdam siya ng inis. Naupo na lang siya sa kandungan nito.“Got ya!” nakangiting sabi niya. Wala siyang pakialam kung maraming tao.  “God! Kristen! Umalis ka sa kandungan ko, ngayon na! Baka pagtsismisan tayo dito!” mariing sabi nito. Luminga siya. May ilang staff nga na nakakita kaya napangiti siya. Wala namng pakialam ang ibang taong naroon maliban talaga sa staff ng building na iyon. Pero umalis na siya kasi pulang-pula na ang mukha ng asawa. Naupo siya sa tabi nito. Sumulyap siya rito na nagpupunas na ng pawis. Malamig naman. Bakit kaya? “Hindi mo ba ako yayayain sa taas,” aniya dito kapagkuwan. “Why should I?” “Dahil asawa mo ako?” Narinig niya ang pag-tsk nito. “Hindi ba puwedeng kalimutan mo na ‘yon? Look, parehas tayong hindi magiging masaya kapag isiniksik mo ang sarili mo sa akin. I don’t love you,” Napapikit siya sa sinabi nito. Minus one na talaga ito sa kan’ya. Sarap sapakin. Nakakainis! Ilang beses nan iyang narinig iyon! “I know. Pero ako ang pinakasalan mo, Dave. Bali-baliktarin mo man ang mundo, kasal ka pa rin sa akin. Ano bang pumipigil sa’yo? Bakit hindi natin subukang ayusin, Dave? Dahil ba kay Kendra?” Natigilan ito. Halata naman, e. “ Tingin mo ba may pag-asa ka kay Kendra? May iba siyang mahal, Dave. Mahal na mahal.” Napabaling ito sa kan’ya. Halata ang pagkagulat nito sa narinig. Siguro pinag-aaralan nito ang mukha niya kung nagsisinungaling ba siya o hindi.  “Sino? Si Keith?” anito nang makahuma. Umiling siya dito. “Si Kent.” Patawarin sana siya ni Kendra, nasabi na niya kay Dave.  Napasandal ito sa couch. Sunod-sunod ang paghinga nito. Masama siguro ang loob. Hindi na rin ito umimik ng mga sumunod ni . “Umalis ka na, Kristen. May pasok pa ako,” anito kapagkuwan. Pero halata ang lungkot sa tinig nito. “Sa tingin ko kailangan mo ng kausap dahil sa nalaman mo. Puwede akong-” “No need, Kristen. May kasama akong babae sa taas,” pagkasabi niyon ay tumayo na ito at iniwan siya.  Pakiramdam niya may pumiga sa puso niya ng mga sandaling iyon. Wala talagang filter ang bibig nito. Hindi niya tuloy alam kung tama bang ipagsiksikan ang sarili niya dito. Masakit na, huh!  Sumandal siya sa couch at pumikit. Kailan kaya siya sasaya? Parang tanga na siya sa pinaggagawa. Masama ang loob na nilisan niya ang building na iyon. Wala naman siyang puwedeng makausap, kaya nilango na lang niya ang sarili sa alak. Iyak tawa na lang din siya habang nanonood ng comedy movie. Naiiyak siya kasi hindi naman siya matawa kahit anong patawa ng mga ito. Gano’n na ang ginagawa niya nitong mga sumunod na araw. Pagkagaling sa opisina, deretso sa bahay at inom. Wala naman ang kapatid niya, walang magbabawal sa kan’ya. Pero pumapasok pa rin naman siya sa araw.  Papasok na siya sa banyo nang makita si Kendra na dumaan. Ilang araw na rin niyang hindi ito nakakausap dahil sa trabaho niya. Masaya siya para sa kaibigan, nagsasama na ito at si Blake. Hindi niya maiwasang mainggit. Sana sila rin ni Dave, e. Nagkita sila ng asawa noong mag-perform si Kendra sa Spotlight pero umuwi din naman siya kaagad. Hindi na niya hinintay na ipagtabuyan siya nito. Pagod din siya noong araw na iyon. At ‘yon ang huling pagkikita nila. Mahigit isang linggo na rin pala. Marahil,masaya na ito na hindi niya kinukulit. Bago siya umuwi ng bahay nila ay dumaan muna siya sa sumpermarket.  Kasalukuyan siyang pumipila sa counter nang may lumapit sa kan’ya. Gayon na lang ang pagkagulat niya nang makita ang pamilyar na babae. Ito ‘yong receptionist sa condominium building nila Dave. “Ang liit naman ng mundo natin, Ma’am!” “Oo nga, e. Saan ka ba nakatira?” Kadalasan kasi sa mga nag-grocery dito, malapit lang ang tinitirhan.  “Diyan lang po sa kaharap na subdivsion,” masayang sabi nito.  Aw, malapit lang nga. “Ba’t di po pala kayo umuuwi doon sa condo ng asawa niyo? Nag-away po ba kayo? May pumuntang babae kasi doon nitong nakaraan. Mukhang hindi naman po kamag-anak  ni Sir,” Natigilan siya sa sinabi nito. So, totoo ngang may pumupuntang babae doon. Kahit noong huling punta niya meron din siguro dahil ‘yon ang sabi nito. “Hayaan mo siya. Anyway, ako na ang sunod.” Tinuro niya ang counter. Siya na nga talaga kasi ang sunod na magbabayad. “Sige po, Ma’am! Sorry po ang daldal ko.” Nahalata siguro nito dahil hindi siya tumugon sa sinabi nito. “Okay lang, madaldal din naman ako. Salamat, huh?” Ngumiti siya rito at itinulak ang cart. Nawala ang ngiti niya nang maalala ang sinabi nito pagdating sa counter. Hindi kaya may girlfriend talaga si Dave? Nalungkot siya sa isiping ‘yon. Pero siya ang asawa nito. Ano ba ang laban ng girlfriend sa asawa?  Wala siyang ginawa magdamag kung hindi ang mag-isip kung ano bang puwedeng gawin. Iniisip niya kung totohanin na lang dito ang sinabi niya, na titira siya sa condo nito. Dala niya ang isiping iyon hanggang sa opisina. Lahat yata ng makakausap niya, hinihingan niya ng opinyon. Siyempre, hindi naman niya sinabi na siya iyon. Kahit si Kendra, natanong niya din. Wala naman ngang masama kung sumubok. ‘Pag hindi nag-work, tumigil na. At least, may ginawa siya para sa kanilang dalawa. Sa bahay nila siya dumeretso pagkagaling ng trabaho. Tinext na niya ang kapatid niyang 'wag ng magluto ng hapunan niya, kaya, walang pagkain siyang nadatnan. Ngayon siya pupunta sa condo ng asawa. Bahala na si Batman! Hindi siya aalis kahit ipagtabuyan siya nito. Marami siyang isinilid sa maleta na mga damit kahit peronal hygene niya. Napatingin siya sa table niya nang makita ang mga singsing na magkakaibang sukat. Kinuha niya iyon at isinilid din sa maliit na lalagyan nito saka pinasok sa maleta. Nagbihis siya kapagkuwan. Nakangiting tiningnan niya ang sarili sa salamin.  "Here I come!" aniya sa harap ng salamin nang sipatin ang sarili. Ngumiti pa siya.  Siyempre, naligo na rin siya kaya mukhang fresh na naman siya. Naglagay na rin siya ng pampula sa labi para hindi naman siya kahiya-hiya sa harap nito. "Fighting!" ani niya bago umalis sa harap ng salamin.  Ewan niya lang kung hindi aamo ang asawa niya sa kan'ya. Baka sakaling mapansin siya nito kapag araw-araw silang magkasama. Mabilis ang mga naging kilos niya ng mga sumunod na sandali, nang makarating sa building na sadya.  Pinakalma niya ang sarili bago nakipagsabayan sa dalawang taong papasok ng building. Dahil alam na niya ang unit number ng asawa, dumeretso na siya sa elevator pagkapasok.  Kinakabahan siya sa gagawin. Bahala na kung ano man ang mangyari sa itaas. Habang papalapit siya sa floor na sadya, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Sana, hindi siya pagtabuyan ulit ng asawa. Napatingin siya sa pintuan ng elevator nang tumunog iyon at bumukas. Nasa tamang palapag na siya ng mga sandaling iyon.  Hila-hila ang maleta na binaybay niya ang daan papuntang unit ni Dave.  Nanginginig na pinindot niya ang button na naroon nang makarating. Panay ang pakawala niya ng buntong-hininga habang naghihintay na magbukas ang pintuan.  Nakadalawang doorbell siya bago bumukas iyon. Gulat na mukha ng asawa ang rumehistro sa mukha nito nang makilala siya. "Kristen!" anito. Bumaba rin ang tingin nito sa maleta niya na ikinalukot ng mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD