SIMULA

5000 Words
Warning: Some of the chapters have mature contents that aren't suitable for young readers. Read at your own risk. Ang Simula [ Aliyah point of view ] Hindi ko mapigilan na mamangha habang tinitignan ang napakalaki at napakagandang mansion na nasa harapan ko. Para na nga itong palasyo sa laki at sa ganda. "Aliyah!" naitikom ko ang bibig kong nakanganga at masayang tinignan si Cassey na tumatakbo palapit sakin at mabilis akong niyakap. Napangiti ako at yumakap pabalik sa kanya. Si Cassey ay ang kaibigan ko sa manila, mahirap lang din siya kagaya ko ngunit dahil sa kabaitan ng diyos ay meron na mayaman na mag asawa ang nag ampon sa kanya. Take note, hindi lang basta mayaman kundi sobrang yaman dahil Chavilire lang naman ang nakaampon sa kanya. "Buti pinayagan ka ni Ate Riyah na mag stay dito ng two weeks." tumango ako at ngumiti "Siyempre, gusto din naman ni Mama na makapag saya ako kahit papano." Nasa cebu kasi ako ngayon at nasa hacienda ng mga Chavilire na ngayon ay pamilya na ni Cassey. Inanyayaan niya ako dito dahil na miss na daw niya ako na siyang kinatuwa ko. Kahit sabihin na yumaman na siya at lumayo na ang antas ng pamumuhay namin ay hindi naman siya nag bago sakin. Ako pa din ang tinuturing niyang bestfriend. "Ganda natin bestfriend ah, tignan mo yung balat mo oh hindi na dry." nakanguso kong anya na kinatawa niya. "Ikaw din naman, ang ganda ganda mo sa itim na dress na suot mo. Para ka rin tuloy anak mayaman." agad din naman akong natawa sa pang bobola niya. Kaya gustong gusto ko nag bobolahan kami eh, pag nag bobolahan kami feeling ko totoo yung sinasabi niyang maganda ako kahit ang totoo hindi naman. Habang nag lalakad kami papasok sa mansyon ay napatigil kami sa pag uusap at sa pag lakad ng may tumawag kay Cassey. Sabay kaming napalingon sa gilid at bumungad samin ang apat na binata na naka suot ng pang basketball na tila nag lalaro. Sa saglit na minuto ay napagmasdan ko sila at hindi ko mapigilan na mamangha dahil sobrang gwapo nila. Mukha na silang hindi tao. Para bang isa silang mga diyos na bumaba sa lupa. Halos walang tapon sa mukha nila at tila ay nahiya ako para sa sarili ko. Mula sa pag kakamangha ko sa mga binatang lalaki ay bumaba ang tingin ko sa isang cute na batang lalaki na nakapang basketball din ang suot. "Hi Ate Aliyah, I'm glad to see you here." mabilis akong humagikhik at agad na sinalubong si Adam na isang anim na taong gulang na bata. Hinalikan ko siya sa pisngi na kinatawa din niya "Grabe baby Adam na miss ko yang kapogian mo ah." "Of course, wala ka naman ng makikitang mas pogi pa sakin." pag sakay niya sa papuri ko. Kung mag usap ba kami ay para kaming mag tropa kaya tuwang tuwa ako sa batang ito eh. "Hi Ladies, Cassey who's this beautiful lady beside you?" ngumiti sakin ang lalaki at kinindatan ako. Gusto ko sana mag tatalon sa kilig kaso ang pangit ko naman tignan dun. Ayoko mag mukhang tanga noh. "Nako Radius tigilan mo ang kaibigan ko ah, hindi ka papatulan niyan." parang nanay na anya ni Cassey na kinanguso ko. Anong 'di papatulan? Papatulan ko kaya yan, ang pogi pogi sayang naman kung sasayangin ko 'di ba? Hahaha Habang nakanguso at pinag mamadan pa ang ibang gwapo na binata na nasa harap ko. Ay napako ang mata ko sa isang binata na may kulay berdeng mata at kasalukuyan din na nakatitig sakin. Kagaya nila Radius ay napaka gwapo din nito, tila ay isa ito sa mga binatang Chavilire. Sa totoo niyan parang pamilyar nga siya, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Dahil na rin siguro sa kakaibang titig niya kaya nakaramdam ako ng ilang, kahit naiilang ay pilit ko siyang nginitian dahil ang awkward talaga. Imbis na ngumiti pabalik sakin ay lalo lang siyang sumimangot at mas lumamig ang mga magaganda niyang mata. Nag iwas na ako ng tingin sa kanya dahil mukhang may sayad ata ang utak ng lalaking yun. Nag paalam na kami ni Cassey sa mga gwapong Chavilire, siguro pag kami na lang dalawa ay dun ko na lang siya hahampasin dahil sa ang popogi ng mga bago niyang pinsan. "Grabe Cas, ang popogi pala talaga ng mga binatang Chavilire no?" ngumiti siya sakin at tumango. Nandito kami sa garden ng hacienda nila at nakaupo sa bench, nasa harap namin ang isang lamesa na punong puno ng masasarap na meryenda katulad ng mga cake at burger. Kumuha ako ng isang burger at kinagatan yun. "Kamusta ka nga pala dito? Ok ba yung mga umampon sayo?" nilunok niya muna ang kinakain niya bago siya matamis na ngumiti at tumango. "Oo naman, kahit na ampon lang ako at sampid dito ay parang isa akong Chavilire katulad nila. Napakabait ni Mama Emily at Papa Xander sakin." habang nag sasalita siya ay kitang kita ang kaligayahan sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan na maging masaya din "Oo nga pala, kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanila oh." curious na curious talaga ako sa mga Chavilire. Hindi kasi ako makapaniwala na nasa hacienda nila ako at nakaharap ang mga binatang Chavilire na dati ay sa tv ko lang nakikita. "Si Mama at Papa ay may nag iisang anak na lalaki at yun ay si Kuya Alessandro, hindi ko pa siya nakikita kasi ang sabi nila Mama ay nasa amerika siya at nag aaral." "Sa pamilya naman ng Chavilire ay may kapatid si Papa Xander na apat, si Tito Rico, Tito Rakim, Tito Henry at si Tito Hendrick." "Ang anak naman ni tito Rico ay si Kiro at Kalix. Si Tito Rakim naman ang tatay ni Calculus, Sergio at ni Carmilla." "Samantalang si Tito Henry ang may anak kela Radius, Adam at Bettina na kakambal ni Radius." "At ang huli ay si Tito Hendrick na Papa nila Hercules at Exodus, ngayon kilala mo na kung sino ang mga papa nila?" tumango ako kahit medyo naguluhan ako. "Eh ba't wala yung iba dito? Mukhang marami kang binanggit na Chavilire." napakamot siya sa ulo at napanguso. "Totoo niyan hindi ko pa sila kilala o nakita dahil nasa state sila ngayon." ako naman ang napatango tango, sosyal nasa state. "Senyorita Cassey pinapatawag po kayo nila Senyora Emily at Don Xander." ang pag kwe-kwentuhan namin ay natigil ng tawagin siya ng isa sa mga katulong. Nag paalam lang sakin saglit si Cassey bago niya ako tuluyan iniwan sa labas ng garden nila. Nang maiwan ako ay hindi ko maiwasan na mapahinga ng malalim at mapapikit. . Malakas ang simoy ng hangin at sariwa, tila ba ang sarap sarap tumira sa haciendang ito kesa sa maynila na punong puno ng usok dahil sa pollution. Napatingin ako sa matatayog na puno na medyo malayo sa garden nila Cassey, hindi ko maiwasan mangasim dahil ang la-laki ng mangga na nasa puno at tila hinog na hinog na. Mabilis akong tumayo at lumapit sa puno na medyo matarik. Madali lang itong akyatin para sakin lalo't mahilig naman akong umakyat akyat sa puno dati, pwede na nga raw ako isali sa akyat bahay gang sabi ng mga tyismosa naming kapitbahay sa maynila. Tinignan ko ang suot kong black off shoulder dress na pa heart banda sa aking hinaharap at hanggang kalahating binti ang haba sa harap ko, samantalang sa likod ay mahaba ang tela nito na tila naka gown ako. Binigay lang 'to sakin ni Cassey nung pumunta siya dati samin at mayaman na siya nun. Hinubad ko ang 3 inches kong sapatos na may takong at nag simula ng akyatin ang puno. Kagaya ng sinabi ko ay hindi ito mahirap akyatin kaya naman nakakuha agad ako ng dalawang mangga. Mabilis akong napangiti at handa na sanang bumaba ng makarinig ako ng tunog na parang may unti unting nasisira. Tinignan ko ang inaapakan kong maliit na sanga at bago pa ako makapag react ay tuluyan na itong nabali dahilan para mahulog ako sa matarik na puno. "AAHHHH!" hindi ko maiwasan sumigaw at dumaing dahil sa sakit ng pag kahulog ko. Pero agad din akong napamulat sa pag kakapikit at nilingon ang tao na nabagsakan ko. Ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko ng bumungad sakin ang kulay berde niyang mata na galit na galit na nakatingin sakin. "Pa-patawad." nauutal kong anya at hinawakan sa braso si Hercules para alalayan tumayo. Hindi nga ako sigurado kung si Hercules ba 'to pero siya yung lalaki na nginitian ko kanina. "Pa-patawad hindi ko talaga sinasadya" guilting guilty kong anya sa kanya dahil ramdam kong sobra siyang nasaktan sa pag kakabagsak ko. Aba ang bigat ko kaya. Kahit humingi na'ko ng tawad sa kanya ay galit pa din ang mga mata niyang nakatingin sakin "Why did you do that? you think we will give you money when something bad happens to you? Are you a gold digger child?" Ang mata niya ay nangungutya kagaya na lang ng lumalabas na salita sa bibig niya "Hindi ko ginawa yun para makakuha ng pera sainyo, kung wala ka ng iba pang sasabihin ay aalis na 'ko." blangko ang expression ko habang sinasabi ang mga salitang yun. Grabe siya mag isip, nahulog lang sa puno gusto ko na agad ng pera? Sa kanya na yung pera nila dahil hindi ako nanghihingi nun at wala akong pake dun kahit na kapos kami ni Nanay sa buhay. Ang sakit niya mag salita ah. Napahawak ako sa dibdib ko at medyo kumunot noo. Kahit naman na ganto ko mag isip ay madali akong masaktan kahit na simpleng lait pa yan. Hindi niya ako kilala kaya wala siyang karapatan para husgahan ang pag katao ko. "Aliyah, dito ka nga pala matutulog mamaya, tatlong kwarto lang ang pagitan ng kwarto natin kaya kung may kailangan ka ay pwede kang pumasok sa kwarto ko." paliwanag ni Cassey na nasa harapan ko. Sinipat ko ang guestroom na tutulugan ko at hindi ko maiwasan mamangha dahil ang ganda ganda nito at ang laki kahit na guestroom lang. Pero napangiwi din ako dahil hindi ko maiwasan matakot "Mukhang nakakatakot dito pag gabi ah, sigurado ka bang walang mumu sa bahay niyo?" tumawa siya at inaya ako pumasok sa kwarto. "Wala noh, hanggang ngayon ba naman ay takot ka pa din sa multo." napanguso ako. "Eh sa nakakatakot eh, basta kapag hindi ko kaya matulog dito sa kwarto mo nalang ako matutulog." tumango siya sakin at nag paalam na para pumunta sa kwarto niya. May gagawin daw kasi siya. Sa buong mag hapon ay wala akong ginawa kundi mag cellphone sa kama o kaya naman pumunta sa kwarto ni Cassey para manggulo. Hanggang sa tuluyan ng sumapit ang alasyete ng gabi at lahat kami ay nasa hapag kainan kasama ang buong Chavilire. Maging yung walang hiyang si Hercules ay sa harap ko nakaupo. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o ano pero parang kanina niya pa ako pinag mamasdan at nakakailang na. Hindi ko naman siya magawang tignan kahit na nasa harap ko siya dahil ayoko siyang makita bwisit siya. "Hercules, you want to come with us? We are going to the bar." aya sa kanya ni Radius habang sumisipol. Mabilis naman siyang sinita ng kanyang Mama na si Ms. Clara. "Radius can you please respect your food? Wag kang pasipol sipol diyan at umayos ka ng upo." para naman itong bata dahil sa bilis nitong sumunod sa ina. Ibig kong ngumiti dahil kahit pala suwail sila ay marunong pa rin naman sila makinig "Aliyah iha, anong grade ka na nga ba ulit sa pasukan?" napatingin ako kay Tita Emily ng tanungin niya ako. Siya yung umampon kay Cassey. "Grade 10 na po." "Grade 10? Ilang taon ka na ba?" "14 po." nanlaki pa ang mata niya tila hindi inaasahan ang edad ko "Kung ganun matanda pala sayo ang Cassey ko ng dalawang taon?" tumango ako sa kanya. "Gusto ko sana bigyan ka ng scholar ship sa paaralan ng pamilya ng asawa ko dito sa probinsya, para may kasama si Cassey." gusto ko matuwa sa sinabi ni Tita Emily kaso nga lang hindi ako pwede mag stay dito. "Gusto ko man po pero hindi po pwede, pasensya na po Tita." ngumiti siya at hinimas ang buhok ko. Feeling ko si Tita Emily ay pangalawa kong nanay, echusera na kung echusera, feeling lang naman. Natapos ang kainan ng masaya at ngayon ay nasa loob na 'ko ng banyo ng guestroom at naliligo. Nakakapagod ang araw na ito. Sana naman bukas ay may magandang mangyari sakin sa haciendang ito. Tapos na 'kong maligo at ngayon ay suot suot ko ang isang puting panjama na may kapares na blouse na dibitones. Mabilis akong sumampa sa malaking kama at binalot sa sarili ang makapal na kumot dahil sa nilalamig ako. Sobrang lamig ng buong lugar dahil sa malaking aircon na nasa kwarto. Gusto ko sana itong hinaan kaso hindi ko naman alam kung paano. Baka mamaya masira ko pa, mahirap na wala pa naman akong pambayad. Habang nakatulala sa kisame ay naisip kong kunin ang cellphone ko para mag f*******:. Kahit naman mahirap kami ay hindi kami isang kahid isang tuka. Medyo ayos naman ang pamumuhay namin yun nga lang kailangan ko pa din mag trabaho para makatulong kay Mama. Habang nag e-scroll ako sa f*******: ay bigla akong nagulat ng may dumaan na nakakatakot na multo sa newsfeed ko. Bwisit ayoko pa naman nakakakita ng nakakatakot pag mag isa lang ako. Lumunok ako at tinignan ang paligid, madilim dahil nakapatay na ang ilaw sa kwarto. Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi ko kaya matulog mag isa. Lumunok ako at dahan dahan bumaba sa kama, sa laki at itsura pa naman ng kwarto ay parang yung kwarto nung bata sa conjuring 2. Yung multo ay si Valac. Katakot! Hawak ang cellphone kong may flashlight ay dahan dahan akong nag lakad papunta sa pinto at binuksan ito. Bumungad sakin ang napaka dilim na corridor at kung wala lang akong dalang cellphone ay talagang hindi ko makikita ang nasa labas ng kwarto na tinutuluyan ko. Lalo akong nakaramdam ng takot at sinara ang pinto. Malalaki ang hakbang na tinungo ang kwarto ni Cassey at bago ko pa yun mabuksan ay may bigla na lamang may nag salita sa likod ko na kinatalon at kinaputla ko sa takot. "Where are you going?" mabilis kong nilingon si Hercules na nakasandal sa hamba ng hagdanan na siyang katapat ng pinto ng kwarto ni Cassey. Dahil sa liwanag na nanggaling sa cellphone ko ay nakita ko ang katawan niyang walang suot na damit at tanging gray na panjama lang ang suot niya. Saglit ko lamang tinignan ang makisig niyang katawan dahil ayoko naman pag masdan yun. Sabihin niya pinag nanasahan ko pa siya. "Uhm, dito ako matutulog sa kwarto ni Cassey." "You're not allowed to sleep there, kaya ka nga binigyan ng kwarto para hindi na makagulo sa kanya." tama siya, binigyan ako ng kwarto para hindi na makagulo pa kay Cassey. Ang kaso natatakot talaga ako "Ayoko kasi dun sa guestroon." mahina kong anya at hindi ko napapansin na halata na pala sa mukha ko ang takot. Tinignan ko siya at hindi ko alam kung tama ang nakita ko pero parang may kumurbang ngisi sa mapula niyang labi "Did you saw her?" Kumunot ang noo ko sa kanya "Sino?" tanong ko. "The black lady, this mansion is a hunted house." nanginig naman ang tuhod ko sa sinabi niya. Kung ganun may multo nga dito? Yung bahay kasi nila ay parang bahay sa mga horror movie, ang kaibahan lang maganda ito at maaliwalas. Kaya naman nakakapag taka na hunted house ito. O baka naman tinatakot niya lang ako? "Weh? Wag ako, alam kong nananakot ka lang." lumamig muli ang expression ng mukha niya at tinalikuran ako. "Kung ayaw mo maniwala edi wag, mag ingat ka na lang dahil baka mamaya katabi mo na siya." ng akma siyang aalis ay kusang bumukas at sumara ang pinto nung kwarto na katabi ng guestroon na tinutuluyan ko. Lalo akong natakot dahil sigurado ako na wala naman tao na dumaan dun at isa pa ay yung base ay kusang tumumba sa harap ko. Para akong naninigas sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin "You can sleep to my room." muli akong napatingin kay Hercules. Nanatiling malamig ang expression nito pero nginitian ko na lang siya ng tipid "Wag na dun na lang ako sa kwarto na pinahiram sakin, salamat." muli na 'kong nag lakad pero nagulat ako ng humangin ng malakas at kusang bumagsak ang painting na nasa harap ko. Ang katawan ko ay unti unting nanginig sa takot at ramdam ko ang pamumutla ko. "Hm, you still don't want to come?" napaliyad ako ng humawak siya sa bewang ko at bumulong sa tenga ko. Ramdam ko pa ang mainit niyang hininga na tumatama dun. Ayoko sumama sa kanya kasi natatakot din ako sa kanya pero natatakot din ako sa multo "A-ano, si-sige." nauutal kong anya. Nag lakad na siya kaya sumunod na 'ko, pumasok kami sa isang pinto at bumungad sa ilong ko ang amoy na pang lalaki. Ang bango bango ng kwarto niya at puro white and black lang ang kulay ng gamit sa loob. Nilibot ko ang tingin at napa yes ako dahil meron naman pala siyang malaking sofa. Akala ko sa lapag na 'ko matutulog. Mabilis akong lumapit sa sofa at agad na humiga dun. "What are you doing?" napaungot ako dahil ang dami niyang tanong, kanina pa siya tanong ng tanong. Hindi ba obvious kung ano ginagawa ko? "Mukha bang kama yan? Dito ka sa kama ko." nilingon ko siya at nakita kong nakatayo pala siya sa likod ko at malamig ang tingin sakin. Muli ko siyang tinalikuran at pinikit na ang aking mata "Ayoko, hindi magandang tignan na matulog ako sa kama mo kaya dito na lang ako." hindi ko na siya pinag tuunan ng pansin dahil unti unti na din naman akong kinakain ng kadiliman. Naalimpungatan ako at ang una kong naramdaman ang mabigat na bagay na nakapulupot sa bewang ko. Meron din akong nadadaganan ngunit hindi ko alam kung ano. Unti unti kong dinilat ang aking mga mata at ganun na lamang ang panlalaki nito ng makita na mag kalapit ang mukha namin ng natutulog na si Hercules. Nakapatong ako sa ibabaw niya habang ang mga kamay naman niya ay nakapulupot sa bewang ko na tila ay sinisiguro na hindi ako makakaalis. Mabilis akong humawak sa dibdib niya at pilit na tumayo na siyang kinagising niya "F*ck!" mura niya at tila nagulat sa biglaan kong pag kilos sa ibabaw niya. "Ba-bakit ako nakapatong sayo at paano ako napunta sa kama mo!?" sa pag kakaalala ko ay sa sofa niya ako natulog. "Hindi ko alam." ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng ngisi "Why dont you ask yourself? Bakit ka nasa ibabaw ko?" "Ginawa mo ba yun para akitin ako?" nag simula na naman akong manggigil dahil ayan na naman siya sa pang huhusga niya. "Aalis na'ko, salamat sa pag papatuloy." bago pa ako makalayo ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng ihiga niya ako sa kama bago siya dumagan sakin "Don't act like you're innocent and pure." "Tell me, mag kano yang katawan mo? Is that 50,000 or more?" mabilis ko siyang sinampal sa mukha at tinulak na kinatiim bagang niya. "Hindi ko alam kung bakit parang may galit ka sakin at ganyan ka na lang mag salita. Pero eto ang sasabihin ko sayo, wag na wag mo na ulit iinsultuhin ang pag katao ko dahil wala kang alam sa buhay ko." puno ng galit kong anya bago padabog na lumabas ng kwarto niya. Napaka walanghiya ng lalaking yun, kung makapag salita sakin ay kala mo ay may nagawa akong kasalanan sakanya. Inis kong pinahid ang luha ko. Nakakainis ka Aliyah! Bakit ba kasi nag padala ka sa takot mo at sumama ka sa lalaking yun! Ayan tuloy, nilait ka na naman. "Ayan bestfriend ang ganda ng pag kakagawa mo!" napangiti naman ako kay Cassey at kinindatan siya. "Siyempre, magaling kaya itong bestfriend mo pag dating sa pag buburda." nasa kwarto niya kami at binuburdahan ang mga simpleng damit o dress niya para lalo itong gumanda. Humagikhik naman siya bago tumayo sa harap ko "Tara mag picnick tayo sa labas, nag paluto ako kela Nanay Inda ng masasarap na meryenda at mukhang luto na yun ngayon." Tumango naman ako sa kanya at nilapag ang damit na binuburdahan ko. Hehe ito ang gusto ko kay Cassey eh, maya maya ako pinapakain at hindi niya nalimutan na mahilig talaga akong kumain hehe. Nag latag kami ng telang banig sa damuhan sa labas ng hacienda nila at nilagay dun ang masasarap na pag kain. Ang dami dami ngang pagkain na nakalatag kahit dalawa lang naman kaming kakain. Nanonood kaming dalawa ng anime sa cellphone ko at hindi ko mapigilan kiligin kay Usui "Grabe ang pogi talaga ni Usui!" kinikilig kong anya sa kanya. "Oo nga, ang bait bait pa!" habang nanonood ay hindi ko maiwasan mapanguso. "Naalala mo pa ba si Inigo?yung poging taga kabilang section na kulay green yung mata?" tumango siya sakin kaya nag patuloy ako sa pag sasalita. "Crush ko yun dati pa, ang pogi niya kasi madami nga gustong mag paanak dun eh." ngumisi siya at tinignan ako. "Oh isa ka sa mga yun?" lalong humaba ang nguso ko at sa hanggang hindi ko na mapigilan humagikhik at yakapin siya sa kilig. "Siguro, pag malaki na 'ko." tumawa naman siya at binatukan ako "Ang harot mo, gulpihin ka sana ni Ate Riyah pag narinig ka." inirapan ko lang siya at nag patuloy na sa panonood. Samantalang si Cassey ay muling umalis para kumuha ng juice. May narinig akong pag galaw sa puno kaya lumingon ako dun at nanlaki ang mata ko ng tumalon pababa si Hercules sa puno. Nag i-igting ang bagang niya habang nakatingin sakin ng malamig ang mga mata niyang kulay berde. "I also have green eyes and I'm pretty sure that I'm more handsome than him." kumunot ang noo ko sa pinag sasasabi niya. Kanina pa ba siya nasa puno kaya narinig niya kami? At isa pa bakit sinasabi niya ito sakin ngayon? Pero nakakapag taka lang, bakit ba kami lagi nag kikita at kung kailan wala si Cassey tsaka siya dun lumilitaw!? "Pinag sasabi mo?" taka kong tanong. Hindi na siya nakasagot dahil bigla na din naman dumating si Cassey. Nagulat pa siya nung makita si Hercules. "Uy Hercules, andito ka pala." hindi siya nag salita at tinignan lang si Cassey "Gusto mo kumain?tara sabayan mo kami." nag dikit ang labi ko at medyo napasimangot. Ayoko pa naman makasama ang lalaking yan. For sure mang lalait lang yan. Tinignan ko ang reaction ni Hercules pero umasik lang ito at pareho kaming inirapan bago nag lakad para umalis. Napatingin ako kay Cassey at nakita ko siyang natawa habang umiiling "Hay nako, nakalimutan ko masungit nga pala yun." nang umupo siya ay hindi ko maiwasan na mag tanong. "Ano bang mga ugali ng mga binatang Chavilire? Lahat ba sila ganun kasungit?" Humawak siya sa baba niya at tila nag iisip "Hm.. Oo masungit silang lahat maliban lang kay Radius na medyo makulit at babaero." "Pero yung tatlo na binata na nakita mo ay bukod sa malamig na, masungit pa. Sa paninirahan ko dito sa Chavilire pansin ko na lahat ng gusto ng anak nila Tito ay dapat nitong makuha at masunod." "Medyo nakakatakot ang paraan ng pag papalaki nila sa anak nila pero alam ko ginagawa lang nila yun dahil mahal nila ang mga ito." Kagaya niya ay natahimik ako. Siguro spoiled nga ang mga Chavilire. Malamang mayaman sila kaya siguro lahat ng gusto nila kayang makuha ng pera nila. Ngayon ay tatlong araw na 'kong nananatili sa Hacienda de Chavilire. Nag kukulong lang ako sa kwarto na pinahiram sakin dahil wala si Cassey sa hacienda. Kahit kasi matatapos na ang april ay may pasok pa rin sila, hindi gaya sa maynila na march pa lang tapos na ang klase. Nakasilip ako sa bintana ng guestroom habang pinag mamasdan ang isang lalaki na tantya ko ay 16 years old o kaedad nila Hercules. Nasa baba siya at pinapakain ang mga kabayo na nilabas sa kwadra. Dahil sa labis na boring na nararamdaman ko ay lumabas ako ng kwarto para lapitan ang lalaki. Hindi naman masama na makipag usap ako, wala naman kasi akong ginagawa sa kwarto at super duper boring na kaya. "Hello." pag lapit ko sa kanya ay ayun na agad ang binungad ko. Nilingon niya ako at nakita ko pa siyang nagulat bago nahihiyang napakamot ng ulo at ngumiti. Hehehe, ang cute niya. Hindi halata na probinsyano siya dahil kahit moreno siya ay ang pogi pogi niya at ang cute. Hindi ko tuloy maiwasan mapanguso dahil ang swerte ni Cassey at napapalibutan siya ng mga pogi. "Ikaw ba yung bisita ni Senyorita Cassey?" ramdam kong nahihiya siya kaya naman ngumiti ako ng matamis. "Oo hehe, ang boring kasi sa taas tsaka wala akong magawa kaya kinausap kita." tumango lang siya. "Gusto mo pag tapos ng mga gawain ko sa rancho ay ilibot kita sa buong Hacienda? Malaki ito at maganda kaya tiyak na matutuwa ka." tila naman nag ning ning ang mga mata ko sa sinabi niya kaya wala akong sinayang na oras at tumango ako sa kanya kaya napangiti din siya sakin. _________________________ Kagaya ng sinabi ni Yno, yung lalaking nilapitan ko kanina ay ililibot niya ako sa hacienda ng mga Chavilire. Pareho kaming nag lalakad at hindi ko mapigilan mapanganga ng makita ang isang part ng hacienda na punong puno ng napaka gandang bulaklak at napakagandang puno. Tila ba ito ang garden nila at hindi yung tinatambayan namin ni Cassey "Grabe ang ganda!" namamangha kong anya. Tumakbo ako sa isang puting rosas na nakatanim at hinawakan yun bago amoyin. Ang bango bango nito kaya kahit may tinik ay pinutol ko 'to dahilan para masugatan ako sa kamay. "Aray..." daing ko. Mabilis na lumapit sakin si Yno at hinawakan ang kamay ko para tignan yung daliri kong nasugatan. "Hindi mo dapat pinitas ang rosas, matinik yun kaya paniguradong masusugatan ka." nag aalala niyang anya bago dalhin ang daliri ko sa bibig niya at sinipsip ang dugo na siyang kinalaki ng mata ko. "Ho-hoy.." sita ko kahit na namumula ang pisngi ko. Inosente naman niya akong tinignan tila baliwala lamang sa kanya yung ginawa niyang pag sipsip sa dugo ko. "If Hercules will know this, I'm pretty sure he will be upset." pareho kaming napalingon ni Yno sa isang lalaki na nakasandal sa puno at nakatingin samin. Kulay dark red ang mga mata niya na para bang dugo ito ng tao habang may pilat pa siya sa kaliwang mata na siyang mas lalong kinagwapo niya. Inalis niya ang sigarilyo sa bibig niya bago binuga ang usok nun. "Senyorito Exodus." mabilis na yumuko si Yno pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Exodus at ngumisi lamang ito sakin. Hindi siya nag tagal sa pwesto niya dahil umalis din siya. Sa pag kakaalam ko ay mag kapatid si Exodus at si Hercules. Hindi na nakakapag taka na pareho silang masungit at malamig makitungo. Kaibahan lang ay mukhang bad boy na bad boy ang datingan ni Exodus kumpara kay Hercules na medyo maamo at isa pa hindi ba masyado siyang bata para manigarilyo na!? Pasado hapon na ng makabalik kami ni Yno sa mansyon, sobrang dami namin napuntahan na parte ng hacienda kaya naman hindi ko maiwasan mapagod. Pero kahit pagod ay masaya naman ako dahil ang ganda ng mga pinakita sakin ni Yno. Nasa labas na kami ng mansion kaya ngumiti na 'ko sa kanya. "Maraming salamat nga pala sa pag libot sakin ah, nag enjoy ako." ngumiti rin siya ng tipid sakin bago ginulo ang buhok ko. "Sige na Donya Aliyah, pumasok ka na." mabilis ko siyang sinimangutan at sinamaan ng tingin. Kanina kasi ang tawag niya sakin ay senyorita kaya pinag bawalan ko siya dahil hindi naman ako mayaman at bisita lang din ako dito. Kaso ang isang ito ay nuknukan ng kulit kaya tinatawag niya akong Donya para maasar ako sa kanya. Pag pasok sa mansyon ay natigilan ako at napatingin sa sofa na nasa living room. Naka upo dun si Hercules habang nasa harap niya si Mr. Hendrick at tila pinapagalitan siya. "Ilang beses na kita sinabihan na wag na wag kang mag papakita ng motibo sa anak ng governador na si Vanessa kung wala ka rin naman balak na panagutan ang babaeng yun!" "Chill old man, you're so oa I did not make her pregnant anyway." kahit malayo ako ay kita kong may ngisi pang nakakurba sa labi niya. "Kahit na! Ang sabi ng anak ng governador ay nagalaw mo na siya kaya dapat na makasal kayong dalawa kung hindi ay masisira ang pangalan natin oras na nabuntis mo si Vanessa!" "This is bullsh*t, I'm tired you can't force me to marry that woman. I have my own decision and even if you are my father you can do nothing to stop that." padabog siyang tumayo at kasabay ng pag tayo niya ang pag salubong ng mga mata namin. Mabilis akong tumalikod at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko alam kung saan nag punta si Hercules pero mukhang umalis na siya dahil narinig ko pa si Tito Hendrick na tinatawag siya. Walang tao sa kusina kaya dumiretsyo na 'ko sa ref. Binuksan ko ito at kinuha ang pitsel na may malamig na tubig tsaka isinalin sa baso bago uminom. Habang umiinom ay muntik ko ng maibuga ang tubig dahil sa gulat ng may biglang yumakap sakin. "Si-sino ka." kabado kong anya. Ang lalaking nakayakap sakin ay sumiksik sa leeg ko at pasimple yun inamoy. Mabilis kong nilapag ang baso sa lamesa at kinalas ang pag yakap sakin ng lalaki bago ito harapin para tignan kung sino ito. Si Hercules, bwiset!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD