PABALIK-BALIK si Joey ng paglalakad sa loob ng banyo habang pinagagalitan ang sarili dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni Daxx. Hindi makapaniwala si Joey sa kaniyang sarili na nagawa niyang maibigay ng ilang ulit ang kaniyang sarili kay Daxx. Pakiramdam ni Joey ay may sumapi sa kaniya dahilan upang hayaan niyang may mangyari ulit sa kanila ni Daxx ng ilang ulit, dahilan kung bakit magtatanghali na siya nakabangon ng kama kung saan iniwan niya roon si Daxx na natutulog pa. "Anong kagagahan ang nangyari sayo kagabi Josefa?! Bakit hinayaan mong angkinin ka ni Mr. Pendelton ng paulit-ulit?! Sinapian ka ba? You let that man take you again, at alam mong hindi pa maka move on ang isang 'yun sa ex niya?! Josefa ang tanga mo!" sermon ni Joey sa kaniyang sarili ng humarap siya sa salamin sa ba