MAGDIDILIM NA at nasa biyahe si Daxx kasama si Dante at ilang tauhan niya na nakasunod sa likuran nila papunta sa isang ranch sa Messina, ang pang lima sa malaking syudad sa Sicily. Mababalot ang galit sa awra ni Daxx habang tahimik lang siyang nakaupo sa back seat, ang balitang binigay ni Dante sa kaniya ang sumira ng mood niya sa mga oras na 'yun. Ibinalita ni Dante sa kaniya ang pagsunog ng aristocratic sa isang bodega niya sa Trapani, kung saan naroon ang ilang mga drugs for their shipment kay Lucifer Faust. Ang sirain o galawin ang mga parte mg negosyo ni Daxx ang isa sa ayaw ni Daxx, at hindi niya mapapalagpas ang ginawa ng aristocratic sa bodega niya. "Don Nicolas pagherà per aver bruciato ciò che è mio, mi dichiara guerra. Maledetto quel vecchio gezeer! (Don Nicolas will pay fo