KINAUMAGAHAN AY TAHIMIK lang na nakaupo si Joey sa kama sa kuwarto na ponagkulungan ni Daxx sa ka kaniya. Namamaga ang mga mata niya kakaiyak dahil sa ginawa ni Daxx na pagkuha ng puri niya na labag sa kaniyang loob. Hindi niya ganoon kakilala si Daxx, ni hindi niya alam kung ano talaga ang pakay ni Daxx sa kaniya para siya ang pagtripan nito. At alam ni Joey na kahit maubos ang tubig sa katawan niya kakaiyak ay wala na siyang magagawa dahil nakuha na ni Daxx ang p********e niya. Galit si Joey sa ginawa nito sa kaniya, kaya kahit ilang beses itong pumunta sa kaniya para dalhan ng pagkain ay pinagtatabuyan niya lang ito at talagang kinastigo niya ang sarili na kumain. Walang ideya si Joey kung hanggang kailan siya ikukulong ni Daxx sa kuwarto na kinalalagyan niya, at kung patuloy siyang i