"Oi Joey bakit aligaga ka diyan? Ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" tanong ng kasamang attendant ni Joey ng mapansin siya nito na hindi mapakali sa kinatatayuan niya. Nasa kitchen sila ng eroplano at need na nilang dalhan ng pagkain ang kanilang mga pasahero, at sa kinamalas-malasan ay sa VIP first class naka assign si Joey. Kabado siya dahil naroon si Daxx na hindi niya makalimut-limutang may ginawa sa kaniya sa loob ng fitting room. Sa tuwing naalala niya 'yun ay nagre-react ang ibabang parte niya dahil 'yun ang unang pagkakataon na may isang lalaking kumain sa maselang parte ng katawan niya, kaya maliban sa kinakabahan ay hindi malaman ni Joey paano niya titingnan sa mukha si Daxx kung iyon ang pumapasok sa utak niya. "O-okay lang ako..." sagot ni Joey habang pinagmamasdan si