"Pag-amping sa imong pagbalik sa Manila, ampingi ang imong kaugalingon." "Mag-iingat din po kayo inay, itay, kung may kailangan po kayo tawagan niyo lang po ako okay?" ngiting ani ni Joey sa kaniyang mga magulang. "Kumain kang mabuti, mag-enjoy ka din paminsan-minsan kasama ng mga kaibigan mo sa Manila. Ayaw kaayo hunahunaa kami dinhi." bilin ng kaniyang ama na nilapitan ni Joey at niyakap. "Salamat itay." "Ate uwi ka ulit sa day-off mo ah?" ani ng kapatid ni Joey na ikinakalas niya sa yakap niya sa kaniyang ama at ngitingin ginulo niya ang buhok ng kaniyang kapatid. "Oo naman, basta ikaw galingan mo sa pag-aaral mo. Huwag mong bibigyan ng sakit sa ulo sina inay at itay." "Opo!" "Sige na, baka mahuli ka pa sa flight mo pabalik ng Manila. Sigurado ka ba na hindi ka na namin ihahatid