CHAPTER TWO

1085 Words
Abigail Santivez | THUNDER POV MAAGA akong nagising para sa mamayang gabing selebrasyon ng 78th birthday ni Lolo Ignacio ko. Wala pa rin akong nakuhang magandang balita sa mga kapatid ko. Lalo na kay Light na pinakapanganay sa amin magkakapatid. Tuluyan na ngang naglaho ang mga ito—tama nga ang kasabihan na hindi mo makikita ang mga taong nagtatago. "Wala pa rin bang balita sa mga kapatid ko?" bungad kong tanong sa katiwala namin sa kabilang linya. Ang isa sa mga punong abala sa selebrasyon ni Lolo si Sylvia. "I'm sorry, Thunder! Ginagawa ko na ang lahat, sadyang maiilap lang talaga 'tong mga kapatid mo," masamang balita nito sa akin. Muli akong napabuntong-hininga sa isiping mabibigo ko si Lolo. "Do your all best may oras pa naman baka may magagawa ka pa," utos ko rito. "I'll update you, Thunder. Sisikapin kong makontak ang mga ito para sa lolo mo!" "Salamat, Sylvia." Binaba ko ang awditibo tinungo ang banyo para ayusin ang sarili ko. Kailangan ko ng gumawa ng paraan para maging maayos lang ang lahat sa kaarawan ni Lolo Ignacio. Hindi ko hahayaang maging malungkot ito. Gagawin ko ang lahat maging masaya lang si Lolo Ignacio, dahil mula nang umalis si Light sa mansyon, sumunod na rin sa kaniya ang ilan sa mga kapatid ko. Piniling mabuhay malayo sa amin ni Lolo. GAIL POV ILANG oras na akong nakaabang sa harap ng mansyon ng mga Paraiso—sa may 'di kalayuan. Ayon sa source ko ngayon daw magaganap ang malaking pagtitipon sa karawan ng abuwelo ng mga apong Paraiso, kaya nakaramdam ako ng excitement dahil finally sa ilang buwan kong pagmamatyag sa pamilya na ito, nagkaroon din ako ng timing para makalapit sa isa sa mga apong lalaki ni Ignacio—along lalo na sa nakilala kong si Thunder. Nagkasya akong pagmasdan mula sa sasakyan ko ang malaking bahay ng mga ito, ayon sa ilang impormasyon na nakuha ko sa iilang katiwala, ito raw ang pinakamalaking pagtitipon para sa kaarawan ni Don Ignacio. Muling sumariwa sa akin ang mukha ng lalaking magiging instrumento sa pagbabalik ng tiwala ni Lolo Matencio. Base sa mga nakala kong datus tungkol dito single pa ito at matagal ng walang kasintahan—ang huli nito ay high school pa lamang ito sa isang science high school dito sa Nagcarlan. Napabuntong-hininga ako sa naisip na kabata-bata pa nga nagawa ng pumasok sa isang relasyon. "Ibabalik ko ang katiwala mo Lo! Kahit hindi ko alam kung ano ang magiging kapalit nito!" bulong ko sa aking sarili, bago ki muling pinakawalan ang malalim na buntong hininga. Bumukas ang magara at malaking gate ng mala-palasyong bahay ng mga Paraiso ilang metro mula sa kinaroroonan ko. Napasinghap ako. Tanaw ko na magarang sasakyang palabas papunta sa kung saan ko sinadyang huminto. Hindi ako nag-aksaya ng oras. Agad akong bumaba kahit walang kasiguraduhan kung sino ang sakay ng Jeep wrangler. Tulad nga ng sinabi ko bago ako umalis sa tinutuluyan kong townhouse malayo sa bahay namin, itataya ko ang lahat hangga't sa tuluyang kumagat sa bitag ko ang isa sa mga apo nito---but hoping na sana ay si Thunder na nga ito. "Tulong! Tulong!" sigaw ko kasabay ng pagtaas ng dalawa kong kamay sa ere para makatotohanan ang paghingi ko ng tulong dito sa kung sino man ito. Tinted ang sasakyan kong kaya't wala man lang akong ideya kung sino ang nasa loob nito, pito ang apo ni Don Ignacio si Light, Thunder, Storm, Rain, Sky, Cloud at Windy ang nag-iisang babae ng magkakapatid— natawa ako sa isipin tungkol sa mga pangalan ng mga ito. Masyado yatang amaze ang magulang nila sa weather. "Sandali! Tulong!" muling sigaw ko napansin ko ang mabagal na pagtakbo ng sasakyan. Taas baba ang siyang pagkabog ng puso ko, hindi pa rin kasi mawala sa akin ang kabahan kahit pa na alam kong wala naman alam ang kahit na sino sa katauhan ko, bilang isa sa mga Santivez. "Sandali!" pumagitna ako sa dadaanan nito. Tuluyang itong huminto sa gawi ko. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko, umikot sa gawi ng driver side. Buo ang loob na ang sadya ang nagmamaneho. "Something wrong?" napatulala ako nang hindi namalayan ang biglang pagbukas ng pinto ng sasakyan sa gawi ko. Kasabay ang pagbaba ng isang matipunong lalaki. Alam ko sa sariling memoryado ko na ang mukha nito pero hindi ko inaasahan mala-adonis nitong kabuuan sa malapitan. Mas gwapo pa pala talaga ito pag nakaharap mo na. Balewala ang mga artistang sikat sa Tv sa lalaking nasa harap ko ngayon. Lihim akong napalunok ng magtama ang aming mga mata kahit pa may suot akong shades. "Miss? Okey ka lang?" muling tanong ng binata sa akin. "H-ha, ah! Ah, uhmm, u-uhm! Flat tire!" sagot ko ng makabawi sa pagkakatulala. Nilingon nito gulong na sadyang binutas ng ko para maging dahilan ng paglapit ko sa kahit na sino mang may kaugnayan sa pamilyang sadya ko. THUNDER POV Sinundan ko ng tingin ang tinuro nitong gulong, wala na halos hangin sa pagkakasadsad nito sa lupa. "Mukhang kanina ka pa dito?” tanong ko sa babae. Mabilis itong tumango, lihim ko itong pinagmasdan lalo na ang mukha nito ganon din ang kutis nitong namumula sa sinag ng araw na tumatama rito. "Okey. Hop in!Pupunta tayo sa malapit na talyer dito para macheck nila 'yang car mo," walang atubiling suhestyon ko sa magandang dalagang nasa harap ko. Tiningnan ako nito tila naninigurado kung tama ba ang narinig nito mula sa akin—sa tulong na presenta ko rito. "Tutulungan mo ako?" tanong nito, boses hindi makapaniwala. Ngumiti ako sa harap niya, tumango-tango. Muling kong tinapunan ng tingin ang sasakyan nito sa ayos at pananamit ng dalaga. Mukhang galing ito sa alta-sociedad na pamilyang kinabibilangan namin. "Mukha ka naman mabait at parang ang layo ng nilakbay mo," aniya ko. "My name is Gail," pagpapakilala ng kaharap sa akin. "Thunder," pagpapakilala ko naman dito. Ngumiti ito ng maluwag kitang kita ko ang pantay-pantay at maputing ngipin nito pati ang nag-iisang biloy nito sa kaliwang pisngi na lalong nagbigay ng ganda sa dalaga. ""Tara, sakay na." Umikot ako sa kaliwang gawi para pagbuksan ito patabi sa akin. "Kukunin ko lang gamit ko,” aniya nito. Muling binuksan ang mamahaling Jeep Wrangler nito na walang pinagkaiba sa sasakyan ko—agad na umikot sa gawi ko para sumakay ito tulad ng sabi ko rito. Hahanap kami ng pinakamalapit na talyer para matingnan ang sira ng sasakyan nito, dahil na rin sa wala itong ekstrang gulong na dala sa byaheng binaybay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD