Chapter 18.

2721 Words

Kitang kita ko ang mabilis na pagkunot ng noo ni Nick at ang pagsilaw ng nakakalokong ngiti sa mga labi nya. Inayos nya ang pag upo nya at amuse na amuse na tumingin sa akin. “Are you serious? Kay Amery? Why?” Gigil na inirapan ko sya at umalis ako sa kama. Ang hirap hirap aminin na nagseselos ako tapos ngingitian nya lang ako? Magwo-walk out na sana ako pero mabilis syang nakatayo at nahuli nya ang braso ko. “Hey, let's talk. Saan ka pupunta?” Malapad pa rin ang ngiti na tanong nya. “Ewan ko sa'yo.” Inis na sabi ko. I tried pulling my arm away from him pero mahigpit ang pagkakahawak nya, tapos hinapit nya na ako sa bewang kaya napasubsob ako sa dibdib nya. I liked how comfortable it felt being enveloped in his arms, pero hindi ito ang oras para yakapin si Nick. “Aniya, teka lang.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD