bc

Deceived (Tagalog COMPLETED)

book_age16+
3.4K
FOLLOW
21.6K
READ
fated
aloof
bxg
male lead
city
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Nagulo ang maayos at tahimik na buhay ni Lindsay magmula nang maging kapitbahay niya ang kalilipat lang na si Baste. Isang lalaking hindi kataasan ang lipad sa buhay, simple lang ang trabaho at ang uri ng pamumuhay. Kahit pa palangiti ito at tahasan ang pagpapakita ng interes sa kanya, idagdag pang gwapings naman talaga ito, ay hindi pa rin talaga niya bet. Wala, basta hindi niya type.

Hindi naman niya type pero nakapagtatakang nag-e-enjoy siya sa company nito kapag ito ang kasama niya! Hindi niya bet pero kakaibang saya ang nadarama niya na ito lamang ang may kakayahang magparamdam sa kanya. Bakit kung saan halos naamin na niya sa sarili niyang tinalo na ng puso niya ang kanyang isip ay saka naman niya mapag-aalamang nakikipaglokohan lamang pala sa kanya ang lalaki? Ang pagkakakilanlan niya rito ay iba pala sa tunay nitong pagkatao. What the heck!

(COMPLETED)

© All Rights Reserved, 2020

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ONE: "Bagong kapitbahay." MAG-ISANG nag-aalmusal sa kusina si Lindsay Ramos nang makarinig siya ng busina ng sasakyan mula sa labas. Nang itinigil niya saglit ang pagkain at sinilip sa bintana iyon ay nakitang tila may bumisita sa abandonadong bahay sa tapat nitong apartment nila ng kasama niyang kaibigan. May truck sa tapat ng abandonadong bahay at may tatlong kalalakihan doon na sa tantiya niya'y magkakaibigan at balak na buksan ang nasabing bahay.       Pinakahigit na nakahuli sa paningin ng twenty-three years old na dalaga ay ang isang binatang nagbubuhat ng mga gamit nito papasok sa maliit na terrace ng bahay. Hubad ang pang-itaas, kupas na maong na pantalon lang ang suot pang-ibaba at napakatikas ng katawan, malusog ang six-pack abs at may pagkamoreno ang kutis na nagpatingkad pang lalo sa kagwapuhan nito.       Kumalabog ng husto ang kanyang puso at nagulat siya nang bigla itong mag-angat ng tingin dito mismo sa kinaroroonan niya at nagtagpo ang kanilang mga mata tapos ngumiti ito ng napakagiliw. Showing off his dimple that makes him sexier!       Kaagad siyang umiwas at nagtago dahil sa hiya. Pakiramdam niya'y pulang-pula na ang kanyang mukha. Sapo-sapo pa niya ang dibdib dahil sa nangyari.       God! Naibulong pa niya dahil sa paghuhurumentado ng kanyang puso.       “Hoy!”       “Ahh!” gulat niyang naibulalas nang biglang sumulpot ang kanyang baklang kaibigan sa kanyang likuran.       Tumawa si Adrian a.k.a Adriana. “Problema mo, sister?”       Bahagyang hinampas niya ito. “Nanggugulat ka naman kasi!”       “Eh kasi naman 'no! Para kang timang d'yan na nakahawak sa puso mo! Pero teka sandali nga lang, in love ka ba?”       Nabigla siya sa tinuran nito. Kapag nakahawak sa puso, in love kaagad? Hindi pwedeng kinabahan lang?       Sasagot pa lang sana siya nang inunahan siya nitong magsalita. “Nandiyan ba sa labas? Patingin ako!”       “Uy, ano ka ba, hindi! Wala d'yan!” akmang pipigilan pa niya ito sa pagsilip sa bintana ngunit huli na ang lahat nang malakas na tumili na ito. “Ahhhhh! Ang gagwapo ng mga papa!”       Napatakip siya sa tainga dahil sa lakas ng tili nito. “Ano ka ba! Ang ingay mo!”       Tiningnan siya nito habang nakangiti ng nakakaloko. “Isa ba sa mga putaheng 'yon, Lindsay?”       “Baliw, hindi 'no!”       “Sus! Nagde-deny ang lola! By the way, sino sa kanila? Halos gwapo naman lahat silang tatlo!”       “Wala! Kung anu-anong pinagsasabi mo d'yan!”       Bumalik s'ya sa mesa kung saan siya nag-aalmusal kanina at pinagpatuloy ang pagkain.       “Okay lang naman kahit sino sa kanilang tatlo, sis, pero mas bet ko yung morenong papa na nakahubad na ang macho tapos sobrang gwapo, bagay kayo!” anito na parang kilig na kilig sa panunukso.       Napaiwas siya ng tingin. Pakiramdam niya'y namula na naman ang kanyang mukha nang maalala yung nangyari kanina do'n sa hubad na gwapong moreno. Nahuli siya no'n na nakatingin at baka nga inakala no'n na stalker s'ya. Nakakahiya lang talaga!       “Uy, hindi s'ya makasagot. Guilty!” patuloy pa rin sa panunukso ng bakla saka naupo na rin sa tapat niya at sinaluhan siya sa pag-aalmusal.       “Tumigil ka na nga, Adriana! Baliw ka!”       Humalakhak lamang ito.       “Maiba nga ako, maglalaba ako ngayon pagkatapos mag-almusal kasi uuwi ako sa bahay namin mamaya.” pag-iiba niya.       “Sa bahay nalang namin ako maglalaba, uuwi rin ako mamaya.” anito.       Nagrerenta lang kasi sila ng apartment dito sa Siyudad sa Cavite para malapit lang sa kanilang pinagtatrabahuhan pero sa baryo talaga ang kanilang totoong mga bahay. Kapwa kasi sila call center agent sa isang Telecommunication Company. Classmates sila noong college kaya hanggang ngayong kapwa nakatapos at nakapaghanap na ng trabaho ay magkasama pa rin. They're really best of friends.   “OH ANO, Baste, ayos naman ba itong bahay na pinarentahan ko sayo?” tanong kay Baste ng kaibigang si Allan na siyang nagparenta nitong bahay.       “Maayos naman.” sagot ng twenty-five years old na binata.       Matapos mabuksan at maipasok ang mga gamit niya sa loob, nagsimula na rin silang mag-inuman ng mga kaibigang sina Allan at Steve sa terrace ng bahay.       Mayamaya pa'y napatingin siya sa katapat na bahay at nakita roon ang kasalukuyang babaeng nagsasampay ng mga nilabhang damit. She's wearing a red shorts then black loose t-shirt tapos bahagyang nakapusod ang buhok sa likod na may iilang hiblang natira sa batok. Hindi tuloy niya maiwasang mapatitig sa leeg ng dalaga, medyo mamasa-masa iyon dahil sa pawis at sa tingin niya'y napaka-sexy ng dating niyon para sa kanya.       Naalala tuloy niya ang nangyari kaninang umaga. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya mula sa bintana nito. Nagandahan siya at natuwa kaya magiliw na nginitian niya at nagtago kaagad ito, na-intimidate siguro. He found it so cute.       “Matutunaw 'yan kapag tititigan mo lang, Russel Anthony!” humahalakhak na ani Steve bigla.       Natigil siya sa pagkakatitig sa magandang dalaga at nakangising binalingan ang kaibigan. “Stop calling me that way habang nakatira ako dito. Kung hindi ko tititigan, ano palang gagawin ko?”       “Okay, Baste! Happy? Edi sunggaban mo na ng diretso!”       “Better. Haha. Sunggaban kaagad? Gago ka talaga!” aniya at iiling-iling na diretsong nilagok ang alak na hawak. “By the way, Allan, sino nga pala 'yang babaeng 'yan?” baling naman niya kay Allan at tinuro ang babae sa katapat na bahay.       “Edi kapitbahay mo! Hindi obvious?” pamimilosopo ng loko.       Hindi na niya pinansin ang pamimilosopo nito bagkus ay magiliw na lamang na pinagmasdan ang babae. “Galing ah! Mukhang maganda tapos peaceful pa itong bahay na pinarentahan mo sa akin, may bonus pa akong magandang kapitbahay!” ngiting-ngiting saad niya.       “Hah! May pinaplano 'to, pare!” ani Steve kay Allan habang nakaturo sa kanya.       Nginisihan lang naman niya ang dalawang kaibigan. Mukhang magiging maganda nga ang stay niya dito sa nirentahang bagong bahay.    “SAYSAY! Ma, pa, nandito na po si Say!” anang nakatatandang kapatid ni Lindsay na si Leslie nang makababa siya ng taxi sa tapat ng bahay sa baryo at makapasok sa kanilang gate na yari sa kawayan.       Tumigil naman sa pagwawalis mula sa bakuran nila ang kanyang ina upang salubungin siya. “Say!”       Nagmano siya rito at kinuha ang dala niyang bag. “Tulungan na kita.”       Akmang tatanggi pa siya sa pagtulong nito ngunit huli na siya nang tuluyan na nitong nadala iyon sa loob ng kanilang bahay. Pagkapasok naman ay sinalubong din siya ng ama na kasalukuyang nanunuod ng t.v. Nagmano siya rito saka inabot ang dala niyang pasalubong na litson manok na nabili sa Chooks-To-Go para sa kanilang hapunan.       “Kumusta sa Siyudad, anak?” tanong sa kanya ng ama nang nasa hapunan na sila.       “Maayos naman po, pa.”       “Kasama mong umuwi si Adriana, Say?” anang kanyang ina naman.       “Nauna po s'ya. Naglaba pa kasi ako ng mga damit kanina bago umuwi rito.”       “Ayoko na, busog na ako, nanay!” reklamo bigla ng kanyang eight years old na pamangking si Miro.       Si Miro ay anak ng nag-iisang kapatid niyang si Leslie. Dalawa lamang sila ng huli ang magkapatid. Maaga pang nag-asawa si Leslie. Naka-graduate din naman ito sa kursong General Education at stable na ang trabaho bilang isang elementary teacher sa isa sa mga pampublikong paaralan dito sa kanilang baryo.       “Kainin mo 'yan! Ang dami-dami mong nilagay sa plato tapos hindi mo uubusin? Ubusin mo 'yan, Miro!” galit na saway ni Leslie sa anak.       “Les, 'wag nang pilitin ang bata, busog na raw eh. Ako nalang ang bahala diyan.” sagot naman sa ate niya ng asawa nito.       “Oo nga naman, ate, hayaan na natin si Miro.” sabi na rin ni Lindsay.       “Oh siya sige, do'n ka na sa sala at manuod ng tv! 'Wag ka nang lalabas ng bahay ha?” baling ni Leslie sa anak.       “Opo!”       Matapos na maka-graduate ng ate Leslie niya noon ay nabuntis at nag-asawa kaagad ito, and worst, nag-asawa ng lalaking oo nga't mabait naman ngunit 'ni hindi man lamang nagtapos ng kahit high school kaya walang matinong trabaho at nagsa-side line lang paminsan-minsan ng kung anong maitatrabaho dito sa kanilang baryo. Lindsay's not being judgmental but frankly speaking, she would rather be practical. Kung siya itong tatanungin, maganda naman ang kapatid niya, matalino pa, pero hindi niya alam kung bakit hindi nito ginamit ang utak nito sa pagpili ng mapapangasawa at makakatuwang sa buhay.       Aanhin naman kasi niya ang mabait at mapagmahal kung wala namang maipapakain sa kanila ng pamilya niya 'di ba?       Kaya nga, kahit may sariling pamilya na si Leslie ay hindi pa rin ito umaalis sa pudir ng kanilang mga magulang. 'Ni hindi nga ito marunong magluto, masyado pang dependent sa mga magulang. Well, yes, aaminin niyang hindi rin naman siya marunong magluto no'ng nag-aaral pa s'ya kasi naging focus siyang masyado sa studies, wala namang reklamo ang kanilang ina at ama na silang halos nagtatrabaho ng mga gawaing bahay basta lamang raw ay mag-aral sila ng mabuti. She did it, she studied hard, have her bachelor's degree, and finally having a good job with good monthly salary as a call center agent sa isang malaki at pribadong kompanya sa Siyudad. Independent si Lindsay at marunong na ring magluto ngayon.       Simula noong makita n'ya ang ganito kahirap na buhay ng kapatid at masyadong dependent ang pamilya nito sa kanilang mga magulang, doon namuo ang nais niyang pagkatapos na pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo ay aalis siya rito sa kanilang bahay at magtatrabaho tapos maninirahan sa malayo, sa Siyudad kung saan makakapamuhay siya ng mag-isa at may magandang trabaho. Nagawa nga niya, kasama pa ang best friend niya. She's just so successful that she has accomplished all her visions in life. Syempre, kasama din naman sa mga pangarap niya ang pamilya niya, na kahit malayo sa mga ito ay nagpapadala at nagbibigay pa rin siya ng pera para sa mga pangangailangan dito sa bahay at para pang gastos din sa araw-araw,  sa iilang maliliit na luho ng bawat isa.       “Nay, bili mo 'ko ng robot, please!” mayamaya pa'y sabi ni Miro na nasa sala na ngayon.       “Tigilan mo ako, Miro, wala tayong pera!” masungit na sagot lang ng kanyang kapatid sa anak nito.       “Tay, gusto ko po ng robot!”       “Nak, sinabi na ng nanay mo, wala tayong pera. Sa susunod nalang kapag nakaextra ulit ako sa bakery.” mabait namang sagot ng asawa ng kapatid niya.       “Don't worry, Miro, next Saturday na uuwi ako, bibilhan kita ng robot do'n sa City.” aniya sa bata.       Natuwa naman agad si Miro. “Talaga po, tiya Say?”       “Oo kaya magpakabait ka dito sa bahay ah?”       “Opo! Opo, tiya!”       She actually loves her family so much. 'Yon nga lang ay ayaw lang talaga niyang tumulad sa ate Leslie niyang ganito ang sinapit sa buhay. No, she will get a better life than this one. She will find someone who will not only feed her with love and kindness but also fulfill the needs of her life, the needs of her family both emotionally and financially. Hindi naman sa naghahanap talaga s’ya ng mayamang binata dahil hindi din naman sila mayaman. Basta, yung tipo bang pareho lang niyang nakapagtapos ng pag-aaral, professional, at may matinong trabaho. Ngunit higit sa lahat, ayaw niya ng manloloko. Minsan na rin kasi siyang niloko ng isang minahal at ilang taon ding nagdusa ang kanyang puso dahil do'n kaya ayaw na ayaw na ulit niyang lolokohin siya.    “MY GOSH!” nagising si Lindsay isang araw mula sa magandang pagkakatulog sa kwarto sa apartment nang marinig ang mga sigaw ng kaibigang si Adriana.       Kaagad na bumangon siya at nagmamadaling tinungo ang pinanggalingan ng sigaw na iyon sa kanilang front door.       “Adriana, anong nangya-“ alalang-alala siya, only to find out na naglalandi lang naman pala ang bakla sa bagong kapitbahay nila na ngayon ay nakatayo sa tapat ng kanilang pintuan!       “Ay, nandito na s'ya, finally. Sister!” tumitiling tinawag pa s'ya ng echuserang kaibigan.       Nasapo niya ang ulo. ”Akala ko naman kung ano nang nangyari, Adriana!”       “Halika dito, sis, lapit ka!” excited pang sinabi nito saka pinaypay siya.       Wala naman siyang nagawa kundi lumapit na nga lang sa dalawa.       Excited na excited pa siyang hinila ng bakla sa harapan ng bago nilang kapitbahay.     “Uhm... sis, s'ya ang bago nating kapitbahay. Si Baste. And Baste, this is my best friend. Lindsay.”       So, Baste pala? Baste ang pangalan nito.       Magandang lalaki na sana kaya lang ang bantot ng pangalan! Anang nagsusuplada niyang pag-iisip.       Baste extended his hand on her smilingly. “Magandang hapon, Miss Lindsay.”       Tinanggap niya ang kamay nito. “Magandang hapon din.” walang kangiti-ngiti niyang sagot.       “Gosh! May spark!” biglang tili na naman ng magaling na si Adriana.       Siniko niya ang kaibigan. “Tumigil ka nga! Tili ka nang tili diyan!”       “Eh kasi naman 'no! Ang gwapong papa niyan, sister!” pabulong pa nitong sagot.       “Ang landi mo!”       “Hala? Grabe s'ya oh!”       Natawa bigla ang kapitbahay. “Nakakatuwa kayong magkaibigan.”       “Ah talaga? Yung kamay ko nga pala, pwedeng bawiin ko na?” aniya sa masungit na tono. Pa'no ba naman kasi, parang wala itong planong bitawan ang kanyang kamay!       “Ah ha? Ah oo naman! Haha. Sorry.” anito at bahagyang tumawa at nagkamot ng ulo.       “Ba't ka nga pala nandito? Anong kailangan mo?” direktang tanong niya.       “Ah, nandito nga pala ako para ibigay 'to sa inyo. Marami kasi akong niluto, hindi ko naman mauubos kaya naisipan ko nalang na mag-share sa inyo.”       Inabot nito sa kanya ang tupperware na may pinakbet.       “Next time, 'wag kang magluto ng marami kung alam mong hindi mo rin lang naman pala mauubos saka isa pa, marunong naman kaming magluto dito.”       Hinampas siyang bigla ni Adriana. “Uy, 'wag kang rude, ate!” saway nito.       Inirapan lamang niya ang kaibigan saka kinuha ang inabot ng kapitbahay. “Gayunpaman, salamat!”       “Walang anuman.” ang ganda pa rin talaga ng ngiti nito sa kabila ng halatang pagsusungit niya.       “Ito lang ba ang pinunta mo dito? Wala ka na ibang kailangan o sasabihin?”       Nakakagat-labi itong umiling. Tila ba nagpapa-cute.       “Kung gano'n sige, salamat dito. Magsasarado na kami, gumagabi na rin kasi. Bye.”       “Bye, Lindsay. Bye, Adri-“       Hindi na niya ito pinatapos pa at sinarado na nang tuluyan ang pinto. ----- This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
141.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.6K
bc

Stubborn Love

read
100.3K
bc

Tamed to Be Yours

read
386.2K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.7K
bc

A Billionaire In Disguise

read
661.2K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook