BACK HOME
Tatlong taon ang nakakalipas simula umalis ako ng Pilipinas na masama ang loob. I shut down everything only to find a bad news about my family starting to fall apart dahil sa isang baliw na babae. Who the hell is she para gawing katawa-tawa ang aming pamilya. Now, I need to go home for good. Ugh! Dad says mukhang kakailanganin din ni mommy dumaan nang theraphy dahil ayaw niyang kumausap ng sinuman maliban sa kanyang mga halaman at palagi sa kanyang maliit na studio sa loob ng bahay. Tanging ganun na raw ang naging ikot ng buhay ni mommy. Isama mo pa naman din si kuya na walang ginawa kundi ang magtrabaho na akala mo ay naghihirap ang kanyang pamilya na kailangan niyang kumayod nang kumayod para hindi sila makaramdam ng gutom. Mga bagay na hindi ko inaasahang naganap samantalang ako ay nagpakabuhay prinsesa at malaya dito sa Australia. Lahat ng klase ng walwal ay ginawa namin ng aking kaibigan. Tatlong taon akong namuhay na walang problema at suportado ang aking luho. I was supposed to go home after my last modeling show namin sa Guam ngunit pinili kong tumira ditong malaya dahil sa peste kong puso.
Haaay!! Napabuntong hininga akong tumingala sa mataas na gusali kung saan naging opisina ng aming pamilya ng ilang dekada.
“Dad!” Bungad ko sa kanyang opisina. Dito na ako dumeretso pagkarating ko ng Pilipinas.
“Oh! Come in Samantha!” Sorpresang sabi ni daddy pagkakita sa akin. Ngumiti akong humalik sa kanyang pisngi.
“How is mom?” Tanong ko agad pagkaupo ko.
“She is fine, but mum to everyone and your brother is slowly killing his self working hard opening businesses everywhere!" Walang paligoy - ligoy na sagot ni daddy bago tumayo at samahan ako sa maliit niyang mesa.
“What?” Nagulat kong sagot. Ang balita lang kasi sa akin na nakarating ay hindi nagpapahinga si kuya. Kahit weekends nasa opisina pero hindi ko aakalain na hindi lang pala iisnag negosyo ang gusto niyang trabahuhin.
“Samantha, kapag hindi pa rin natin makita at makausap si Anita. I’m sure mamatay ang kapatid mo ng maaga!” Malungkot na saad ni daddy.
“Where is he dad! Maybe, I should surprise him!” Mabigat ang buntong hiningang binitawan ni daddy.
“Nasa Palawan na siya anak, in few days kasi ay magbubukas ang bagong resort doon na kanyang ipinatayo. So far the biggest one. Doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang oras at ideya. Hindi kami nakialam at hinayaan lang siya.” Paliwang pa ni daddy.
"Really, that’s a nice place dad." Natuwa kong sagot. I love Palawan!
"It's really nice Sam kung nasa tamang pagpapahinga naman ang kapatid mo, don’t you know that it’s his fourth opened hotel and resort for three years. Kapag hindi pa ako nagkakamali nagbukas sila ni Rex ng coffee shop at restaurants! Lahat gustong pasukin nang kapatid mo. Wala siyang inuurungan sa anumang negosyong ihain sa kanyang harapan na akala mo kapag hindi niya patusin ay mawawalan siya at maghihirap.” Mahabang dugtong na paliwanag ni daddy.
“What!” Gulat kong sagot sa kanya. Ganun ba talaga kalala ang nangyari sa kanya when my suppose sister - in - law left him. Masakit talagang masaktan kapag totoong pagmamahal ang naipundar. Hindi ko talaga mapapatawad ang impaktang yun for killing my brother's happiness. She is damn selfish for doing this. Hindi pinipilit ang pusong magmahal dahil mas masakit pa kapag ipinipilit ang hindi pwede.
Nakipagbonding muna ako kay mommy bago umalis papuntang Palawan. Sinamahan ko siyang nagtrim sa kanyang magagandang halaman. Gumanda tuloy ang aming bakuran at mahalimuyak ang loob ng aming bahay dahil sa mga sariwang bulaklak na kanyang inilalagay sa bawat paso sa sulok ng bahay at mga lamesa o lamesita. I still feel jetlag, but I can’t wait to see how is my brother. Saka na ako magpapahinga kapag makita ko na siya. Gusto ko siyang makita kung anu na ang lagay niya at kanyang mga ginagawa.
“Mam Samantha!" Bungad bati ni Lea pagkakita sa akin.
“Hi Lea, dito ka pala inilipat ni kuya. Nasaan na siya?”
“Nasa office niya po maam! Bibihira naman siyang lumabas sa kanyang opisina kapag may meeting at kakain lang siya.” Kanyang sagot.
Ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa kanyang opisina na hindi niya namamalayan. Seryoso at busy siyang nakatitig sa mga larawan na nakasabit sa dingding. Tinignan ko ang mga larawan na kanyang tinitigan at nakakahabag siyang tignan, dati siyang masayahin at makulit. Kayang pagsabayin ang kanyang luho at negosyo, pero ngayon para siyang patay na nabubuhay dahil kailangan niyang tugunin ang pangangailangan ng ibang tao. Nasasaktan akong ganito ngayon ang sinapit ng aking kapatid. Tinuktok ko ang dingding ng pintuan bago umimik.
“Kuya, can I come in?” Nagulat siyang napatingin sa akin.
“Samantha, bakit hindi ka nagpasabi para sinundo kita?” Gulat niyang sambit sabay tumayo na akala mo walang nangyayari.
“Because I don’t know if you want to see me kay-" Ngumiti siya ng pilit sabay buka ng kanyang dalawang kamay.
“Should you come and hug your brother then?” Kanyang nakangiting sabi. Tumakbo ako at yumakap sa kanya ng mahigpit. I miss him. I really miss my brother.
“I’m sorry princess. I am just tired and in pain that day!" Malungkot niyang saad.
“I know! It’s okay kuya and I’m sorry for leaving you too!" Ganti ko sa kanya.
“I guess let’s catch up for the loss moments, hindi pa ako kumakain tara sa paborito naming kainan dito. I know you will love it Sam." Aya ni kuya. Hindi na ako tumanggi kahit na hindi ako nagugutom, kung iyon ang makapagpapaligaya sa kanya kahit sandali lang I'm willing to offer my time.
Dinala niya ako sa isang classical restaurant na talaga nga namang magugustuhan mo. Malaki at maganda ang lugar. Sa paligid palang nakakabusog na sa ganda. Kakaiba rin kapag nakapasok ka na sa loob. Variety of foods is available. Mayroon din silang mini bar. Pwede pala ang ganito, hindi mo na kailangang lumayo at lumipat din ng bar kapag gusto mong magchill after a light or heavy meal. Pero siyempre kung gusto mo sumayaw at magwalwal, this is not the best place for you.
“Wow! I really love it kuya. This place is awesome. You can dine in peacefully while listening to classical music! Saka andito lahat ang klase ng pagakain. Gusto mo ba parang nasa Japan ka o Korea mayroon sila!” Kinikilig kong papuri. I would love to recommend this to my friends.
“Yeah! One day we stumbled here. Dito kami madalas pumunta ni Rex kapag gusto talaga naming kumain at magchill lang.” Paliwanag ni kuya. Nasamid ako pagkarinig sa kanyang pangalan. Kakarating ko lang pero nabuena mano ako agad sa kanyang pangalan. Tatlong taon din ang lumipas na nakalimutan ko siya at huling nakita. Kaso hindi ko pala siya nakalimutan! Oo nga pala at hindi maiiwasan na magkita kami dahil matalik na kaibigan ni kuya. Anumang oras ay magkakasalubong ang aming daan.
“Pare bakit antagal mo naman, sabi ko agahan mo eh! Bakit ngayon ka lang patapos na kaming kumain ni Sam.” Reklamong sita ni kuya, napaangat ako ng tingin sa di inaasahang sasalo sa amin. Hindi naman kasi ako sinabihan ni kuya na inimbita niya ang kanyang paboritong kaibigan. Hindi sinasadyang napatitig ako sa kanya, napakagwapo pa rin niya lalo na ang kanyang dimples na kahit hindi ngumiti ay parang nakangiti sa iyo. His thick black brows perfectly complimented his tan skin and dark eyes. Tama lang sa pagkatangos ang kanyang ilong. His red lips are inviting to kiss. Bigla akong napalunok sa isiping hinahalikan ko ang kanyang labi. Samantha bakit parang humahalay nanaman ang utak mo! Tanong ko sa aking sariling minsan ay nababaliw. Pero bakit parang hindi siya tumatanda? Bakit parang lalo pa siyang naging kaakit - akit at masarap. Sa tingin pa lang yan pero marami na akong bakit!
"Samantha!”
"Sam!”
“W-What kuya?” Gulat kong sagot. Mantakin mo ba kasing busy ka sa kakapantasya sakanya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, daig ko pa ang isang magnanakaw na nahuli sa akto. Iba nga lang ang sa akin. Nahuling nagpapantasya!
"Hi Sam, high school ka pa lang noong huli kitang makita. Ngayon, isa ka nang ganap na dalaga." Nakangiting bati ni Rex na nakatingin sa akin na lalong ikinapula nang aking ambisyosang mukha. Ouch! Isang dalaga lang ako sa paningin niya! May kurot yun sa aking dibdib ah! Hindi ba pwedeng ang ganda at sexy mo naman ngayon Sam. Mas maganda pa sana sa pandinig ko! Twenty eight na ako kaya!
“Sabi ko, until when are you staying here?” Tanong muli ni kuya dahil hindi ko siya narinig kanina sa katangahan ko. Pantasya pa more!
“I guess for good kuya, I promise dad to help you. May mga tao naman ako sa mga negosyo kong naiwan doon and I asked for indefinite leave sa manager ko for my modeling career.” Iwas kong tinging sagot dahil alam kong namumukadkad sa kapulahan ang aking mukha. Pwede nang isahog sa afritada or kaldereta sa kapula! Gusto ko pa muling tignan ang mukha niya ngunit natatakot akong makahalata siya sa akin. He is really damn irresistible. Hindi ko alam kung anung nangyari sa limang taon na wala ako bukod sa nalaman kong namatay na si Ate Coleen, the woman he love's dearly. May gumuhit nanamang pait sa aking puso sa isiping hindi ako ang itinitibok ng kanyang puso at higit sa lahat hindi ko mababago ang laman ng kanyang puso.
“Wow! That’s good Sam! So take a break for a while bro.” Pumalakpak na sabad naman ni Rex.
“I don’t think I can bro. Being busy makes me sane! Hindi ko kailangan ang anumang break!” Malungkot na sagot ni kuya sabay lagok ng kanyang natitirang beer. Kita sa kanyang mukha ang sakit na pilit niyang ikinukubli sa pagngiti ngiti ng peke.
“No kuya, kaya nga ako andito di ba to help you manage para makapagbakasyon ka naman kahit isang buwan man lang. Isang buwan lang kuya ang kailangan mo.” Giit kong sagot sa kanyang pagpoprotesta.
“Are you sure about that Sam?” Hindi makapaniwala niyang tanong. Ngumiti ako sa kanya ng matamis.
“Very sure kuya, siguradong sigurado ako na gusto kitang tulungan. May mga negosyo naman akong hinawakan sa New York at may background naman ako about management. I also know where exactly to find her!” Sagot ko sa kanya.
“Yeah! She is in Korea and happily moved on! No need to find her Samantha!” Nakangiti niyang sagot na akala mo hindi siya apektado. Gaano kasakit ang magpanggap na okay kahit hindi naman okay.
The soft opening was successful and kuya accepted my proposal. I’m happy na makakapagpahinga din siya kahit isang buwan man lang. Isang buwan ay sapat para marelax ang kanyang katawan na binugbog niya sa trabaho ng tatlong taon. Ngayon ang araw ng kanyang pag alis at kinakabahan akong maiiwan. Okay lang naman sana akong maiiwan kung ako lang, kaso kailangan daw talagang kasama ko lagi si Atty. Rex sa lahat ng transactions ko at dahil kakabukas nga lang maraming mga gagawin at kakailanganin ko nga ang kanyang tulong.
Haaaay!.. Mahaba kong buntong hininga.
“Sam stick to the SOP natin, anjan lang naman si Rex who will guide and assist you! People will underestimate you since you are a woman, just stay firm and always listen to Rex.” Madiing bilin ni kuya. Alam ko kung paano magtrabaho si kuya kaya mahalaga sa kanya ang standard policy.
“I will kuya, just please enjoy your vacation. Kalimutan mo muna dito kahit pansamantala lang. Sa bahay ko palang hindi ka na mastress. Maraming bagay din ang pwede mong gawin at puntahan doon para marelax ka at mag enjoy.” Sagot ko sa kanya.
“I will try Samantha. I’ll try.” Pilit niyang ngiti. Humalik at yumakap muna siya sa akin ng mahigpit bago tuluyang umalis kasama ni Rex. I hope you will find peace kuya kahit sandali lang. Bulong ko habang pinapanood ang sasakyan nilang paalis.