Kabanata 7

1564 Words
Hindi sigurado ni Elvina kung gaano katagal silang nagtitigan ni Hassan ngunit siya na rin ang kusang sumuko. Inirapan niya ito at binigyan ng isang nakamamatay na tingin bago muling naupo. "`To, pa-order pa nga ng limang bote." "Sige, sandali lang." tumayo ang tiyuhin niya at ilang segundo niyang tiniis ang nakatayong lalaki sa gilid ng mesa niya hanggang sa hindi na niya napigilan. "Tatayo ka na lang ba riyan? Naiirita ako. Maupo ka somewhere o magbantay ka sa labas." she snapped at the infuriating man. "May taping ka pa bukas ng umaga, I don't think yo---" "And do I care what you think? Last time I checked, bodyguard kita at hindi Manager." nakabalik na ang Tito niya na may dalang bagong limang bote ng alak. Siguro kung may bagay itong kinukunsinti ay ang paglalabas niya ng sama ng loob sa pamamagitan ng pag-inom. "Thanks, Tito Roy." Bahagya siyang ngumiti sa Tiyuhin bago kumuha ng bukas na bote at tumungga. "Bakit hindi ka maupo at saluhan kami? Kaysa nakatayo ka riyang parang tanga." rinig niyang sambit ng kaniyang Tiyuhin kaya naman pinanlakihan niya ito ng mga mata. Nakita niya ang paghawak nito sa balikat ni Hassan at napansin din ni Elvina kung paano nito hinigpitan ang hawak ngunit nang tignan niya ang mukha ni Hassan ay hindi man lamang nag-iba ang ekspresyon nito sa mukha. "Right away, Sir." binuksan nito ang mga butones ng suot na suit bago naupo sa gilid nila. Silang dalawang mag-tiyuhin ay magkatapat habang ito ay nakaupo sa gilid nila. "Gusto mo rin ba ng alak, Ato?" alok ni Tito na nakatayo pa rin. "Hindi ho, salamat na lang ho." Napaikot na lamang ng mga mata si Elvina habang itinutuloy ang pag-inom at pagpapak ng pulutan. Naupo na sa pwesto niya ang tiyuhin niya at ang mga mata nito ay nanatiling nakatutok sa mukha ni Hassan. For awhile, Elvina is actually nervous that her Uncle might blurt out something that will blow her cover. "Wala namang masama sa pag-inom ng kaunti. Para lang pampabuhay ng diwa." nakahinga nang maluwag si Elvina. "Salamat na lang ho ulit." "Bago ka lang ba sa pamangkin ko?" "Yes, Sir." Nakisalo sa kaniya ang tiyuhin niya sa pagpapak. "Ano na nga ang pangalan mo?" "Hassan, Sir. Hassan Claveria." Bahagyang natigilan si Roy sa pagsubo ng binusa nang marinig ang inaasahang pangalan. Bahagyang kumuyom ang kaniyang kaliwang kamay na nakapatong sa kaniyang hita nang maalala ang nakaraan. Palihim niyang pinagmasdan ang binatang Claveria. Kumpara noon ay lalo lamang itong tumangkad at kumisig ngunit may nag-iba. May pagbabago sa aura niti noon at sa ngayon at hindi pa ito mabasa ni Roy sa ngayon. Saksi siya noon kung paanong pinagtulungan ng mag-amang Claveria ang kaniyang bayaw hanggang sa mamatay ito. Saksi siya sa pagdadalamhati ng kaniyang kapatid at pamangkin. At saksi siya sa naging pagbabago kay Elvina. Pagbabagong naniniwala si Roy na pinilit lamang ni Elvina upang protektahan ang sarili at ang mga mahal nito sa buhay. Dahil alam niya, kilala niya ang pamangkin. Mula noon at ngayon, ito pa rin ang pamangkin niyang inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili. Ngunit alam din ni Roy, sa kabila ng nararamdaman niyang galit sa pamilyang Claveria, alam niyang biktima ang dalawa ng totoong salarin. Napagbintangan ang kaniyang pamangkin dahil sa kagagawan nito, at naulila naman ang binatang Claveria. Dahil sa labis na galit at dahil na rin sa tudyo ng Amang matapobre ay marahil nadala na rin si Hassan ng galit at poot sa taong inakala nitong pumatay sa minamahal na Ina. Ngunit hindi ito makita ng kaniyang pamangkin dahil maging ito ay nabulagan na rin ng poot at pagkamuhi mula nang mamatay ang kaniyang bayaw. Sadyang masaklap at mapagbiro ang tadhana para sa kanilang dalawa. Ngunit naniniwala si Roy na may dahilan kung bakit muling pinagtagpo ang landas ng mga ito. At ang tanging hiling niya ay walang masaktan sa dalawa at magkaliwanagan na ang mga ito. "Medyo pilya at pasaway ang pamangkin ko pero sana ay habaan mo ang pasensya mo. Sana ay protektahan mo si Ardis hangga't makakaya mo." "Tito." angal ng kaniyang pamangkin na ikinangiti na lamang ni Roy. Protektahan nawa kayo ng poong maykapal. "ANO BA? BAKIT ba aalis na tayo? Sabi nang kaya ko pa, eh! Tito, gulpihin mo nga itong epal na ito!" pag-eeskandalong sigaw ni Ardis. nang makalabas na sila ng bar. Nakita ni Hassan kung paanong tumawa at umiing ang Tiyuhin ng artistang pino-protektahan o sa mga sandaling ito ay inaalagaan. Hassan did not sign up for this. He did not apply to bea bodyguard para umalalay ng lasing. But alas, sa ilang taong experience niya ay natuto na siyang huwag mag-reklamo. Ilang beses na ba niya itong ginawa? Mapa-lalaki o babae, artista, politiko, o kung sino pa. Pare-pareho lamang ang mga ito na nawawala sa sarili kapag nalalasing. Sukat ba naman kasing naglasing ito. Kahit na anong subok niyang pigilan ito ay hindi siya pinapansin ni Ardis. Basta't wala siyang kasalanan kapag hindi ito umabot sa taping nito bukas o kung sumakit ang ulo nito dahil sa hangover. "Bata ka. Kapag may nakakilala sa'yo, siguradong pagpi-piyestahan ka na naman sa mga dyaryo at socia media. Hala sige, Ato. Ikaw na ang bahala sa pasaway kong pamangkin. Mag-ingat kayo at ako ay magsasara pa." "Yes, Sir. Thank you, Sir." magalang na sagot ni Hassan sa Tiyuhin ng dalaga at sinigurong nakatakip ng disguise nito ang artista bago niya sana ito aakayin pasakay sa taxi nang magsimula itong maglakad o mas tamang sabihing gumewang. "I want more beer. I want to drink more." ang pakanta at malakas na angal ni Ardis. Nagpapasalamat na lamang si Hassan na kakaunti lamang ang mga dumaraan dahil may posibilidad na makilala ang artista dahil sa maingay nitong boses. Bago pa ito bumangga at humalik sa poste ay napigilan na ito ni Hassan. "Hoy! Are you blind? Nakita nang may nanglalakad. Sa susunod, huwag kang haharang-harang!" Hassan stared amusely at Ardis and couldn't help but chuckle. Kakaiba pala itong malasing. Mas nagiging magaspang ang ugali at mukhang palaaway pa. "Tinatawa-tawa mo diyan? Kilala ba kita? Close ba tayo? Security? Security!" "I am the security." ang tanging sagot niya kay Ardis. "Whatever." Pilit na inaalalayan ni Hassan ang dalaga upang hindi ito matumba o madapa ngunit makulit ito at pilit na humihiwalay. Hanggang sa matapilok ito ngunit naging maagap naman ang kaniyang kamay payakap sa baywang nito bago pa nito mahalikan ang lupa. That'll be a sight to see but Hassan would rather keep his job. Ardis then looked up at him and with the help of the moonlight and post, he was able to see her bare face. Sanay siyang nakikitang puno ng kolorete ang mukha nito ngunit sa sandaling ito ay walang mababakas na make-up sa mukha ng taklesang artista. Hassan can't even see a single flaw. Ardis is indeed a gorgoeus woman. Her skin looks so soft and flawless. Too bad her attitude is ugly as f***. But why is she somehow familiar to him? Umubo si Hassan bago ito tinulungang tumayo ng ayos at parang napapaso ang kamay na binitawan ito. "Sorry, Ma'am." Hindi niya ito narinig na nagsalita at hindi rin ito muling tumingin sa kaniya. Muli sana itong maglalakad ngunit may naisip si Hassan. "This might seem inappropriate pero pwedeng pasanin na lang kita? Mas mapapabilis tayo. Sa kanto pa ang mga taxi." Hinintay niyang sumagot si Ardis na iniisip niyang marahil ay nahiya lamang ngunit laking gulat niya nang tumakbo ito sa talahiban at nagsuka. Napakurap-kurap na lamang si Hassan habang pinagmamasdan ito. So she wasn't embarassed but was about to vomit that's why she's silent? Ano pa nga ba ang asahan ko? Gayung sanay itong makipagtitigan sa mga lalaking nakakapareha. Instead of thinking about it, nilapitan niya ito at hinawakan ang mahabang buhok para hindi masukahan. His other hand hovered above her back to gently pat her but decided against it. Hinintay na lamang niya itong matapos. "Ugh! Kadiri." rinig niyang ungol nito bago tumayo. Binitawan ni Hassan ang buhok nito bago kinuha ang sariling panyo at iniabot sa dalaga na tinanggap naman ito at pinunasan ang bibig bago ito ibinalik sa kaniya. Napabuntong-hininga si Hassan bago itinago ang ngayo'y maduming panyo sa slacks at inayos ang disguise ni Ardis. "Oh, I'm dizzy. I want to sleep. Can I sleep here?" Napailing si Hassan sa inasal nito at bago pa nito maisip na humiga sa kalsada ay pinigilan na niya ito at pinasan sa likuran. "Mainit ang daan at madumi." sambit niya at inayos ang pwesto nito sa likuran niya para masigurong kumportable ito. His client was slight for awhile and he actually thought she fell asleep ngunit napatawa na lang siya ng mahina nang magsimula itong kumanta na parang ngongo ang boses. "So what we get drunk? So what we smoke weed? We're just having fun. We don't care who see." marahan ang ginawang paglalakad ni Hassan para hindi ito lalong mahilo. "I don't think you're young enough for that song." "Sabunutan kaya kita diyan? May magagawa ka?" "Oo. Ang ilaglag ka." pagpatol niya sa kalasingan nito. "I hate you, Claveria." Hassan groaned a little when she pulled his hair. "Stop." He demanded. Matapos amg ilang hila ay naramdaman niya ang paghilig nito sa likuran niya. "Ikaw ang dahilan ng lahat." At hanggang sa nakahiga na si Hassan matapos niyang ihatid ito sa bahay nito ay iniisip pa rin niya ang binaggit ni Ardis. Ano ang ibig nitong sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD