Kabanata 5

1626 Words
Nang pumasok si Elvina nang araw na iyon suot ang kaniyang signature color na red off shoulder dress na tinernuhan niya ng glittered silver open-toe stilleto ay natigilan si Elvina. Mataman niyang pinag-aral at pinagmasdan ang bawat isa sa kaniyang mga empleyado. Naningkit nang bahagya ang kaniyang mga mata ng mapansing ang karamihan sa mga babae ay naka-postura. Hindi man ganoon ka-close si Elvina sa kaniyang mga empleyado ay kilala niya ang bawat isa sa mga ito. At sigurado siyang ang iba sa mga ito ay hindi naman ma-make-up. Kaya ano ang espesyal sa araw na ito? Mayroon ba silang bisitang darating? "Meg?" tawag pansin niya sa assistant niya na nasa tabi na niya unang tapak pa lamang ng paa niya sa building. "Yes, Ma'am?" bahagyang lumapit si Meg upang marinig nang maigi ang sasabihin ng boss niya. "May bisita ba tayong darating? Preferably, a man?" nakataas ang isang perfectly shaped eyebrow na tanong ni Elvina. Hinalungkat naman ni Meg ang isip para masagot ang tanong ng Amo. Pinakahanap-hanap niya sa isip kung meron ba silang bisitang lalaki ngunit wala siyang maalala. "W-Wala po, Ms. Ardis." Namamawis ang noo at mga kamay niyang sagot sa Amo. Ibinuka pa lamang ni Elvina ang bibig upang ulitin ang tanong nang may isang malaking anino ang tumabi sa kaniya. Kung kanina ay isang kilay lamang niya ang nakataas, ngayon ay umabot na sa milyong halaga ng bubong ng kumpanya niya ang mga kilay niya. Paano ba namang hindi gayung kaniya-kaniyang ayos ng mukha at damit ang mga empleyado niya? Mula sa mga kerengkeng na empleyado ay natuon ang pansin niya sa bagong dating na si Hassan Claveria. Awtomatikong pumitik ang kaniyang kilay sa inis bago siya sumulyap sa relos niyang nabili pa niya sa Italy. Isa itong silver watch na napapalibutan ng diyamante ang paligid. Ang bawat diyamante nito ay nagkakahalaga lang naman ng isang daang libo ang isa. "Five minutes before 8. Impressive." walang emosyon sa mukhang sambit ni Elvina na ang pinapatukuyan ay ang bagong bodyguard. Tango lamang ang tanging sagot na nahita niya mula sa lalaking dahilan kung bakit parang mga bulateng sinisilihan ang puwit ang mga empleyado. Hindi na niya ito pinansin pang muli at imbes ay hinarap ang kaniyang mga empleyado. Bawat isa sa mga ito ay nanigas sa kinauupuan at halos humulas ang make-up nang mapansin ang matatalim niyang tingin. "By lunch ay gusto kong wala na iyang mga kolorete ninyo sa mukha. Kapag may natira ay tanggal kayo kaagad. Narinig niyo? I'm paying you to do your job at hindi para magpa-cute sa kung sinong poncio-pilato!" Nakaismid niyang iniwan ang mga ito para umakyat sa kaniyang opisina. Ang tunog na nililikha ng kaniyang stiletto lamang ang maririnig dahil walang naglakas ng loob na magsalita. Lahat ay pumiksi at nanginig sa takot. Lahat pwera kay Hassan. Dahil siya ay sanay na sa ganitong ugali ng iba't-ibang kliyenteng pinagsilbihan at prinotektahan na niya. Sanay na siya sa mga mayayamang kliyente na kung ituring ang mga mas maliliit sa kaniya ay parang mga langgam o basahan. "Stay outside. Papasok ka lang kapag tinawag kita o kapag kailangan ko ang serbisyo mo." instruction niya kay Hassan Claveria na muli ay tango lamang ang isinagot at ito ay ikinairita na niya. "Bayad ba iyang laway mo, Mr. Claveria? Next time, use words and not your head." "Yes, Ma'am." ang tipid na sagot ni Hassan. "Pumayag akong magkaroon ng bodyguard ngunit may mga kondisyon. Una, huwag mo akong susundan hanggang sa loob ng C.R. Pangalawa, what you hear and what you see here stays. Hindi mo ako kailangang sundan sa bahay dahil may sarili akong security doon. Maliwanag ba?" "Crystal clear." Kung susuriin ay para bang isa na lamang robot si Hassan dahil sa mga sagot nito. Malayo noon sa madaldal at maangas na batang Hassan na nakilala niya. Talaga nga kayang nagbago ito? O hindi lamang nito pinapakita sa kaniya ang tunay na kulay? Pathetic. Ismid ni Elvina sa isipan at iniwan ito sa labas. Mangawit ka sana riyan. Parang batang dagdag niya sa isip. Maghapon ay nagmistulang guard ng mall ang bodyguard niyang si Hassan dahil pinagbubukas nito ang mga kababaihang pumapasok sa kaniyang opisina. At kitang-kita naman niya ang kilig sa mukha ng mga ngayon ay bare-faced niyang empleyado. Ngayon lang ba nakakita ng gwapo ang mga empleyado niya? Di hamak na mas maraming gwapong artista at modelo ang kumpanya niya kaysa sa bodyguard niya. Matapos mananghalian at dahil bukas pa ang taping niya ay nakaisip ng kagagahan si Elvina. Sisimulan niya ang pagsubok at pagpapahirap niya kay Hassan. Ngunit hindi sapat upang magkaroon ng dahilan para masisante ito. Lumabas siya ng opisina na ang tanging dala lamang ay ang make-up pouch niya ngunit ang totoo niyan ay naroon ang pera niya at dummy phone. Kung sa takasan lamang, maituturing na isang expert si Elvina. Magkukunwari siyang pupunta sa ladies' room kahit pa may sarili siyang ensuite. Bago lumabas ay nagpalit siya ng flat sandals para hindi siya mahirapang tumakbo. Nang akmang susunod sa kaniya si Hassan pagkalabas niya ng opisina ay sinamaan niya ito ng tingin. "Pupunta lang ako sa ladies' room. It's literally around the corner. Isa pa ay kumpanya ko ito, walang mangyayaring masama sa akin dito, Mr. Claveria." inis na wika niya sa binata. Bakas sa mukha nito ang pagtutol ngunit sa huli ay tumango ito. "My mistake." Lihim na nagdiwang si Elvina bago walang lingong-likod na naglakad at lumiko pakanan. Pasimple siyang lumingon at sinigurong hindi siya sinundan ng binata bago tumakbo patungo sa emergency exit. Panaka-naka rin siyang lumilingon para siguruhin na hindi siya nasundan. Nang makapasok sa fire exit at isara ang pinto ay kumakabog ang dibdib niya. "I can't believe he's that easy to trick. Tapos ay ipagkakatiwala ko ang buhay ko sa kaniya? Hindi ako sira." pagkausap niya sa sarili habang pababa. "Stupidity at its finest." Bago tuluyang lumabas ay kinuha niya ang panyong nakalagay sa pouch at itinali ito sa mukha upang itago ito. Pagkalabas ay nakita niya ang mga tao sa paligid. Ang iba ay kumakain ng streetfoods, ang iba ay nakatambay at dahil halos katabi lamang ng Mall ang Starry Entertainment ay maraming tao ang palakad-lakad. Sumabay siya sa paglalakad ng mga ito palayo sa opisina niya at nang malayo-layo na ay pumara si Elvina ng taxi at akmang sasakay nang may pumigil sa pinto. "Good thing na nabanggit ng Manager mo na may sarili kang banyo sa loob. Gave you a five minute heads up, what took you so long?" nabakas ni Elvina ang pang-aasar sa boses ni Hassan kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. "Boss, pasensya na sa abala." hinging pasensya ni Hassan sa Taxi driver na napakamot na lang. Isinara ng binata ang pinto at umalis na ito. Paulit-ulit na sinisi ni Elvina ang Manager sa kaniyang isipan. Hindi naman niya ito masisisi dahil hindi nito alam kung sino si Hassan Claveria. Mula noon ay hindi na niya muling binanggit pa ang pangalan ng pamilyang ito. Dahil para kay Elvina, malas at isang sumpa ang apelyidong Claveria. Ang akala pa naman niya ay natakasan na niya ito. Sasagutin pa lamang sana niya si Hassan nang may humaharurot na kotse ang dumaan sa kanila, at sa lakas ng hangin ay natanggal ang panyong itinali niya sa mukha niya. Napasinghap si Elvina at mabilis na itatakip sana muli ang panyo pero huli na ang lahat. "Si Ardis!" "Si Ardis ba iyon?" "Sino?" "`Yung sikat na artista!" "Siya nga, girl! Tara magpa-picture tayo." Ilang sandali lang ay napapalibutan na sila ng mga taong gustong makalapit at makapagpa-picture sa isang artista. Kaniya-kaniya ng lapit para lamang makapag-post sa social media para ipagmalaki na nakapagpa-picture sila sa isang artista. Nahirapan si Hassan na ilayo ang mga ito sa kaniya. May mga pilit siyang inaabot at merong pilit na inilalapit ang mga mukha sa kaniya para magpa-picture. Did they even care that they are hurting someone? Elvina thought, overwhelmed by the amount of people. "Oh, screw it." narinig niyang sambit ni Hassan sa kabila ng mga boses at bago pa siya makapag-react ay hinihila na siya ng binata palayo sa kumpol. Para silang nasa eksena sa isang pelikula kung saan inilalayo siya ng lalaking bida palayo sa kapahamakan ay may mga humahabol na goons. Ang mahabang buhok ni Elvina ay malayang tinatangay ng hangin at habang hawak ni Hassan ang kanan niyang kamay ay hawak naman ng kaliwa niya ang panyong nakatakip sa mukha. Lumapit sila sa isang kabababa lang na rider ng motor. Agad siyang sinuotan ng helmet ni Hassan at napaawang na lang ang bibig niya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa mukha nito at sa motor. "Are you crazy? I am a top star and you want me to ride that?!" Lalo siyang nanggigil nang hindi siya pansinin ni Hassan at sa halip ay binalingan ang rider na ngayon ay napansin na sila. "Boss, pahiram muna ng motor. Ibabalik ko na lang sa'yo." mabilis na dumukot ng limang daan si Hassan sa bulsa at iniabot ito sa rider na nakatanga lamang at hindi malaan ang sasabihin. "Ayoko. Hindi ako sasakay diyan. You can--- hey!" bago pa niya matapos ang sasabihin ay nabuhat na siya nito sa baywang at inilagay sa likurang bahagi na parang isang papel. Dahil nakapalda siya ay patagilid ang upo niya, parang isang prisensang nakaupo sa kabayo. "Sorry for the inappropriate action. Humawak ka." Napakurap-kurap si Elvina sa sinabi ni Hassan. Agad itong sumakay ngunit hindi sinunod ni Elvina ang sinabi nito. Bakit naman? Bakit niya hahawakan ang kaaway niya? She'd rather die that rely on him. Elvina can only scream nang walang pasubaling pinaandar ni Hassan ang motor at wala siyang nagawa kung hindi ang yumakap dito dahil sa takot na mahulog. "Asshole!" You won this time! Pero dahil lamang ayokong mahulog at mailagay sa mga diyaryo at social media sa nakakahiyang sitwasyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD