CIERRA RAVEN FIOR MAKALIPAS ANG TATLONG ARAW nalaman namin na may sakit na depression si Cassie. Hindi naman nila malaman saan ito nagsimula, kapag tinatanong ko naman ito ay hindi ito nagsasalita. Kaya pala nag iba ang ugali ng batang ito. Ang pagka kilala ko sa batang ito ay masigla masayahin, likas na ang pagiging maldita nitong ugali. Nalaman ko din na may trauma ang bata, naapektuhan narin ang grades nito. Hinawakan ko ang kamay nito at nginitian ito. " Cassie, hindi ko alam paano ka nagkaroon ng sakit na 'yun. Pero gusto ko malaman mo na nandito lang ako, pwede mo sakin sabihin pero gusto ko yung kusa mong sasabihin.." mahinahon kong wika dito. Tumango nito at pumatak ang luha nito, "Ate, natakot po ako kasi noong nangyari po sa inyo ni kuya Laxus." wika nito. Na pinag taka ko.