LAXUS TIMOTHY FERRER
Napa ngiti ako sa look ko for tonight ng makita ko ang ayos ko lumabas na ako ng aking silid dito sa bahay ng magulang ko.
"Wow ang gwapo ang anak ko, panigurado si Miss. Fior ma huhumaling din sa yo." nakangiti wika ni Mom.
"I know Mom." ngumisi ako, dapat lang dahil kung hindi pa tumalab sa kanya ito hindi ko na alam.
Lumabas naman ang nakaka bata kong kapatid na si Cassandra, "Ano ba yang mukha mo princess?" tanong ko dito.
Umirap ito at nag lakad na para lagpasan ako. "Kahit anong pagwapo mo, hindi ka niya magugustuhan. Sigurado akong alam na niya na red flag ka, babaero, manggagamit, f*ck boy, arogante at higit sa lahat.." putol nito at tiningnan ako ng malamig.
"Kayang pumatay ng sariling anak." huling wika nito na tuluyan ng bumaba.
Naramdaman ko ang bara sa lalamunan ko at ang hirap sa paghinga ko, napa tingin ako kay Mommy na halata din na nagulat.
Naalala ko ang ginawa ko sa anak namin ni Cierra ng malaman ko na totoong anak ko ang pinag bubuntis niya. Malaking pag sisi ang naramdaman ko na sarili kong anak…
Ako ang kumuha ng buhay nito.
Simula noon hindi na ako kinakausap ng kapatid kong si Cassie. Kakausapin ako nito kapag may kailangan lang ito, pero yung dati na halos sa tabi ko ito matulog ay hindi na ulit nangyari.
Miski ang mag pahawak ito ayaw na nito, ayaw niya akong lumapit sa kanya ni mga gamit na ginamit ko ayaw na din niya gamitin.
Kahit plato, baso at kutsara ay ganun din. "Kailan kaya niya ako mapapatawad Mommy? Tatlong taon na ang lumipas." tanong ko sa mommy ko.
Ngumiti nito ng mapait, nagalit din sila sa akin ng sabihin ko na akin ang pinagbubuntis ni Cierra. Pero wala na kami magagawa nangyari na tapos na.
"Let's go anak. Time can heal okay?" wika ni Mommy. Tumango ako at inalalayan ko itong bumaba.
CIERRA RAVEN FIOR
"Wow! Mommy look so stunning in black!" papuri ng anak kong si Tilly. Sa mismong harap ko ito naka upo kaya, natatakpan nito ang salamin.
"Yes you're right Tilly, my Mommy is so so very beautiful!" naka ngiting pagsang-ayon ng anak kong si Heather.
"Parang ayoko na tuloy tumuloy, gusto ko na lang kasama ang mga babies ko." naka pout kong wika.
"Oh no! Mommy no!" sabay na sabay na bigkas ng anak ko na kina tawa ko.
Ang cute nila kapag nag sasabay lagi. "Alright I'll go there okay? But behave kayo kay Tita Luna okay? Babasahan niya kayo ng story para maka sleep na kayo, okay ba?" pag kausap ko sa mga anak ko. Umupo muna ako.
Niyakap ako agad ng babies ko. "Opo mommy behave po kami. Take care Mommy we love you!" sagot ng kambal ko.
Sabay pa akong binigyan ng kiss nito sa pisngi ko. Napa ngiti ako dahil doon. "Sarap naman ng kiss! I love you most, I love you both for the rest of my life so forever!" sagot ko at niyakap ko silang dalawa.
Binigyan ko pa ng tig isang halik sa pisngi ang ito. "Alis na Mommy ha? Huwag na lalabas maraming bad okay?" paalam ko at kinuha ko ang YSL kong bag.
"Yes mommy! Ba-bye!" kumaway pa mga ito.
Ngumiti naman ako at nag flying kiss sa kanilang dalawa at lumabas na. "Luna ikaw na bahala okay?" paalala ko kay Luna.
"Makakaasa ka ingat ka." nakangiting paalala nito.
Tumango ako at nag lakad na palabas. Sumakay ako sa itim kong Lamborghini.
LAXUS TIMOTHY FERRER
"Wala pa ba si Miss. Fior?" tanong ni Mommy.
"I don't know Mom." sagot ko. Tahimik naman ang kapatid ko na nakatingin sa entrance.
"Tita, pwede naman kayo mag start ng wala siya." wika ni Mildred. Tiningnan ko ito ng masama na agad akong inirapan.
Lumapit sa amin ang secretary ni Dad. "Nandito na si Miss. Fior, Sir." bulong nito na narinig ko naman din.
"Let's go salubungin natin siya. I want her know na welcome siya dito sa Ferrer Empire at sa Pilipinas." naka ngiting wika ni Mom.
"I Love that Honey.." pagsang-ayon ni dad. Patayo na kami ng bumukas ang pinto.
Tumahimik ang paligid at doon ko nakita ang pasok ng babaeng naka itim na gown. Humapit ito sa katawan nito, lumitaw ang ganda ng hita at kinis ng balat nito ng dahil sa long slit ng gown nito.
Umangat ang tingin ko dito hanggang sa mukha nito, doon ko nakita at nanlaki ang mata ko. "Cierra??" sabay sabay naming bigkas sa pangalan nito.
"She's the daughter of Claudio Fior and Catherine Fior. The legendary billionaire.." wika ng kapatid kong si Cassie.
"Paano mo nalaman yan? At paano nangyari yun?" tanong ni Mildred.
"Her real full name, Cierra Raven Garcia, Fior. Remember? Alam natin lahat ang anak nila ay na-muhay bilang mahirap dahil gusto nito maranasan ang nararanasan ang ibang tao. Siya yun, si ate Cierra ang dating asawa ni Kuya. Shame on you all." wika nito at tumayo.
Nag lakad ito upang salubungin si Cierra at nakita ko paano ito yakapin ng dati kong asawa. Ngumiti ito, pero saglit lang. "Excuse me.." paalam ko at nag lakad na ako palapit sa kapatid ko at dati kong asawa.
"Cassie.." tawag ko sa kapatid ko.
"Kuya i introduce to you, Miss. Cierra Raven Fior, CEO and President of FIOR SCENT Company." pakilala ng nakaka bata kong kapatid kay Cierra.
Nagulat ako sa narinig ko, napa tingin ako sa dati kong asawa na blangko ang mga mata nito na nakatingin sa Kapatid ko. Isa na siyang CEO at sobrang matagumpay ang kumpanya na ito sa loob lamang ng tatlong taon.
And she choose to hide her true identity, but for what purpose? Magsasalita pa lang ako ng mag salita si Mom. "Hindi ako naniniwala na ikaw ang may ari ng Fior Scent, baka representative oo pa!" gigil na wika Mom.
Tumigil si Cierra sa pakikipag usap kay Cassie at tumingin sa Mommy ko. "Do i? I mean kailangan ko pa ipaalam sa inyo palagi? Sa pag kakatanda ko wala naman tayong ugnayan sa isa't isa." malamig na tanong nito.
Totoo bang nag bago siya o sinasadya niya ang lahat ng ito. "Then paano ka naging ka asensado?!" tanong ni Mildred.
Umikot ang mata nito at tumalikod na. "Kung pinapunta ninyo ako dito para tanungin sa personal kong buhay. Mas mabuti na lang na umuwi na lang ako.." wika nito.
Bago pa ito umalis hinawakan ko na ito sa braso at hinila ito palayo sa mga tao. "Ano ba ginagawa mo! Don't touch me!" pag pupumiglas nito na nag tagumpay naman ito.
"Explain Cierra! Bakit hindi mo sinabi na ikaw ang anak ni Claudio at Catherine?!" galit na tanong ko dito.
Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng galit ngayon, she's lying from us and hiding something important from us!
"For what? Para sa pera, fame ng pamilya ko? Tingin mo ba tanga ang papa ko? Really?" tanong nito.
I want to hit her but not here. "Niloko mo ako!" wika ko dito.
Ngumiti ito at mabilis nag laho yun na palitan agad ng pagiging blangko. "I'm not here to argue with you and your family. I'm done with all of you, hindi naman kayo ang dahilan bakit ako bumalik, kaya pwede ba get out of my way.." malamig na sagot nito at tumalikod na ito, pinanood ko lang itong nag lakad hanggang bulungan nito si Cassie na kina ngiti ng kapatid ko.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa hangin. Hindi sila close noon ni Cierra mas gusto ng kapatid ko kay Mildred, pero bumaliktad na ang lahat ngayon.
Kailan pa sila nag ka kausap?
MILDRED ANDERSON
Whole night ay maayos naman, si Cierra naka upo ito sa table namin dahil ito ang pangunahin namin talagang bisita.
Ni isang beses hindi ito tumingin sa amin, lagi lang itong nakatingin sa stage habang nagsasalita si Tito Lyndon.
Sinulyapan ko ng tingin si Laxus naka tingin ito dati niyang asawa. Nilingon ko si Cierra na nakatingin lang sa kanyang cellphone at may kinuha ito at nilagay sa teinga niya.
"Yes sweetie?" narinig kong sagot nito, i think tawag ito.
May boyfriend na siya o asawa man lang? "Yeah, matulog kana okay? Uuwi na rin ako mamaya tutal medyo boring naman itong party." sagot ni Cierra sa kausap niya..
Napa nganga ako at agad itong hinila paharap sa'kin. "What did you say? Boring ang kapal naman ng mukha mo?!" galit na tanong ko dito.
Tumayo ako at hinawakan ang wine glass ko na may laman. "Why? Totoo naman, para saan ba ang invitation na ito? Kunin ako bilang shareholder?" tanong ni Cierra sa'kin.
Malaki na ang pinag bago niya, mula sa iyakin at laging nagmamakaawa ngayon nakikita ko ang palaban na Cierra.
Tumayo ito at humarap sa akin. "Pakisabi na lang sa kanila hindi ako interesado at uuwi na ako." mahinahon na wika nito at tumalikod na ito.
Magsasalita na sana ako ng mag salita si Tita Dianna, "What's going on? Miss. Fior.." tawag ni tita kay Cierra.
Naikuyom ko ang kamao ko ng makaramdam ako ng selos at galit. Noon ikaw pa rin ang diba at pati ngayon ikaw parin ang diba!?
CIERRA RAVEN FIOR
Kita ko ang selos at galit sa mukha ni Mildred, "Ngayon ikaw naman ang receiver.."
"I need to go, someone waiting for me hindi kasi makatulog." paalam ko ng maayos at tumalikod na ako ng mag salita si Dianna.
"So, totoo nga na isa ka talagang malandi na pumatol sa matanda para lang makuha ang mga ito? How dirty you are? Pinatunayan mo lang sa pamilya na ito na isa kang maduming babae!" pagsisigawan nito sa mga bisita.
Nilingon ko ang mga bisita na kanya kanyang bulungan ang ginagawa. "Are you ashamed now Miss. Fior?" tanong ni Dianna.
Tiningnan ko ito ng malamig. "Hindi," putol ko at tinaasan ko ito ng isang kilay na kina gulat nilang lahat.
Muli akong nag salita. "Pero sana kapag lumabas ang katotohanan sa pagkatao ko. Kaya niyo humingi ng tawad, sa bagay kaya, kayang kaya niyo pekiin ang paghingi ng tawad. Yun ang ginagawa niyo lagi diba?" sarkastiko kong tanong at nginisian sila at tumalikod na upang umalis na.
"Pagsisihan mo ang pag balik dito!" sigaw ni Mildred na nag patigil sa akin sa paglalakad at nilingon ko ito.
"Siguraduhin mo lang.." hamon ko dito at tuluyan na akong umalis. Nagmamadali ako dahil umiiyak ang kambal ko.
Hindi kasi sila makatulog at ang panget daw mag kwento ng tita Luna nila. Natatawa ako kapag naaalala ko paano sabihin ng anak ko yun.
Si Heather ang naka usap ko kanina pero sumingit lang si Tilly, kaya halos takbuhin ko na ang daan patungo sa parking.
Hindi kasi maganda kapag pareho silang tinamaan ng topak. Kinakabahan na ako wala pa naman si Mama dito.
Pagdating ko sa parking lot hawak ko ang susi ng Lamborghini ko ng may humila sakin. "Do you think makakaalis ka na lang ng ganun? Sino ang bagong mong asawa o boyfriend ngayon?!" galit na tanong sa akin ni Laxus.
Inalis ko ang kamay nito sa braso ko at tinulak siya. "Pakialam mo ba? Wala kang pake! Please don't repeat the old mistake you did before! May announcement kayo diba for engagement? Huwag ako habulin mo tapos na tayo ipapa-alala ko lang sayo!" paninigaw ko dito at binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko ng mag salita ito.
"Alam ba niya na nag enjoy ka sakin na mas magaling ako at ako ang naka una sayo? Alam ba niya na mahal mo parin ako hanggang ngayon? Yun ang dahilan bakit ka bumalik diba?! Aminin mo na!" sigaw na tanong nito.
Nginisian ko ito at nag salita. "Alam mo nakakaawa ka, pilit pinag ka-kasya mo na lang sa sarili mo sa paniniwala na yan. Ipagpatuloy mo yan, yan din ang ikasisira mo. I'm waiting for that to happen." wika ko at sumakay na ako sa sasakyan ko.
Dahil naka baba ang bintana ng driver seat tiningnan ko ito ng malamig at pinaandar na ang sasakyan ko bago ko itaas ulit ang bintana.
Umiling na lang ako at mas binilisan ko pa ang pagmamahal ng sasakyan ko. Kung tatanungin ako kung may nararamdaman pa ako para sa dati kong asawa?
Wala na. Matagal ko na binura ang nararamdaman ko para sa kanya kung si Cassie lang ang usapan? Walang atraso si Cassie sa'kin at sincere itong humingi ng tawad sa akin noon.
And i accept it, sino ba ako para tanggihan ang batang yun? Mabait ang batang yun kahit pa ng una ay hindi naman kami mag ka intindihin dahil ayaw niya sa akin. Gusto niya kay Mildred, hindi ko siya masisi dahil matagal niya itong kilala kesa sa akin.
Alam din niya ang tungkol sa pagiging CEO ko ng Fior Scent, hindi ko lang nabanggit noong nakaraan. Mabilis akong pumasok sa loob ng gate at bumaba ng sasakyan. Hinagis ko kay kuya Tommy ang susi ng sasakyan at nag mamadali akong pumasok sa bahay.
"Mommy is here!" sigaw ko habang nag tatanggal ng heels, narinig ko ang pag iyak ng kambal ko.
"Mommy!" tawag sa akin ni Tilly.
"Wait baby!" sagot ko. Napa iling na lang ako at dali dali kong binuhat ang stiletto ko at mabilis akong tumakbo paakyat.
"Hey stop crying na andito na ako.." wika ko at binuhat ko ito, mabuti at naka alis din ako sa party dahil maraming media doon ayoko makita ng mga tao ang mukha ko.
Dahil narin hindi ako komportable sa ganung atensyon. "Mommy, kwento ka na po sleepy na si Tilly.." wika ng anak kong si Tilly.
Ngumiti naman ako at pinag halik-halikan ang pisngi ng anak ko, "Sige na pikit ka na mag kwento na si Mommy okay." bulong ko.
Pag pasok ko nakita ko na himbing ng natutulog si Heather may dede ito sa bibig nito. Nakita ko si Luna na humihikbi, doon ko nakita na may kalmot ito sa mukha.
"Ako na, sorry ha? Ikaw pa tuloy ang nasaktan. Kunin mo yung first aid kit gagamutin ko yan.." pag hingi ko ng paumanhin.
Umiling ito bago mag salita. "Hindi po sila may gawa nito, ako po mahaba po kasi kuko ko na tabig lang po ni Tilly yung braso ko habang nag kakamot ng pisngi kanina.." paliwanag nito.
"Totoo? Ayoko pinagtatakpan mo ang mga anak ko, alam mo na hindi ko tino-tolerate yun.." pag kausap ko dito.
"Opo Ma'am, totoo po ito po oh." pinakita nito sa akin ang daliri niya na mahahaba nga ang kuko niya.
Tumango ako at nag salita na."Sige na ako na ang bahala dito, magpahinga ka na salamat at Pasensya na." utos ko dito.
Tumango ito at lumabas na, napa buntong hininga ako, naramdaman ko na bumigat na ang anak ko na si Tilly, indikasyon na tulog na ito.
"Mahirap talaga maging nanay mas lalo kung may dalawa kang anak. But masaya din kasi may dahilan ka para lumaban at gumising araw araw." bulong ko, binaba ko na ang anak ko sa kama at dahan dahan kong kinuha ang bottles milk sa bibig ng anak kong si Heather.
Matapos nito kinumutan ko ang dalawa at binigyan ng halik sa mga noo nito. "I love you my life.." bulong ko at pinatay ko ang ilaw sa tabi ng kama ng anak ko.
Nag bihis na ako ng pang tulog ko bago ko alisin ang make up sa mukha ko. Matapos ng lahat ay humiga na ako upang matulog.