CIERRA RAVEN FIOR Hindi ko na sinama ang mga bata sa pagpunta sa hospital para maiwasan ang komplikasyon sa paligid. Bumaba ako ng sasakyan ko ng makarating ako ng parking ng nili-patan na hospital ni Trevor. Habang si Laxus alam ko naka takas na naman siya, mas mainam na maka takas siya dahil mag haharap pa kami bilang si Freyah. "Miss na saan ang room ni Trevor Young? Friend niya ako." tanong ko sa nurse na nakaupo sa information desk. "Name po ma'am?" tanong nito pabalik. "Cierra Fior." sagot ko. Agad nito hinanap ang pangalan ko sa listahan na dadalaw. Ngumiti ito at tumingin sa akin. "Gising na po ang pasyente, nasa room 205 po siya ma'am." sagot nito. Ngumiti ako at nag pasalamat dito, nag paalam naman ako at mabilis tumungo sa elevator saktong kabubukas lang nito. Mabilis