CHAPTER 7

2579 Words
CIERRA RAVEN FIOR Nang makalabas ako ng restaurant dumeretso ako sa bahay. Habang nasa byahe ako nakatanggap ako ng menhase mula kay Trevor. Hindi ko muna ito binasa dahil nag mamaneho ako. Hindi nagtagal nakarating na ako sa bahay, tahimik ko lang pinarada ang sasakyan ko sa garahe, tulog na kasi ang kambal. Mabilis akong pumasok sa loob at habang paakyat ako naka salubong ko ang Yaya ng kambal. "Ma'am, magandang gabi po." naka ngiti nitong bati. Ngumiti ako at bumati din pabalik. "Magandang gabi din, mag pahinga kana at bukas isasama kita para ipasyal ang kambal.." paalala ko dito. "Opo ma'am." tumango ito at umalis na. Nagtungo muna ako sa kwarto ni Luna nang masigurado ko na tulog na ito. Pumasok naman ako sa kwarto namin mag ina. Napa ngiti ko ng makita ko ang kambal kong anak na mag ka yakap. Nilapitan ko ang mga anak ko at binigyan ito ng halik sa noo. "Good night my sweet cake." bulong ko at nag bihis na ako ng pang tulog. Naisipan ko tumabi sa anak ko matapos ko makapag palit, kinuha ko ang cellphone ko at nag hanap ng online store na pwede ko bilhan ng malaking kama. Gusto ko kasi katabi ko na ang mga anak ko, habang nag scroll ako naka receive ako ng message. From unknown; "I-save mo ang number ko si Laxus ito. Good night." Basa ko dito, imbes na gawin ang sinabi nito ay nilagay ko sa block list ang number nito at binura ang text nito. Nang maka hanap ako ng kama agad kong binili ito at binayaran narin gamit ang platform. Matapos nito ay binaba ko ang cellphone ko at pinatay ang ilaw. Niyakap ko ang kambal at natulog na rin ako. KINAUMAGAHAN nagising ako ng nahihirapan ako huminga. Pagdilat ko ng mata ko doon ko nakita si Tilly na nakadapa sa ibabaw ng katawan ko. Napa tampal ako sa noo ko ng maalala na gawain niya ito, ang mahirap sa katawan ko ito natutulog kaya minsan hinihingal ako pag gising. "Tlly baby? Baba na, nahihirapan na si Mommy huminga.." kalabit ko sa anak ko ngunit lalo lang itong yumakap sa akin at sumiksik sa leeg ko. Natawa lang ako at niyakap din ito ng mahigpit. "Good morning Heather, Tilly." bati ko sa mga anak ko. "Good morning Mommy!" bati sa akin ng anak kong si Heather. Humalik ito sa cheek ko na kina tuwa ko ng husto. "Get up na mga anak, diba aalis tayo?" tanong ko at tinapik tapik ko ang pang upo ng anak ko. "Tilly, gising na aalis daw tayo!" malakas na wika ni Heather kay Tilly na kina dilat na ng panganay ko. Natawa lang ako ng tingnan ako ng anak ko, alam ko yang tingin na yan. "Diba nag usap tayo kahapon?" tanong ko dito. Ngumuso naman ito at ninakawan ko ito ng mabilis na halik. " Bangon na para makapag breakfast na tayo at maka ligo. " nakangiti kong wika at niyakap ko ito. Bumangon ako ng nakayakap parin ang anak ko, "Mommy kakain po tayo ng ice cream?" tanong ni Tilly sa'kin. "Oo naman anything you want. Let's go get up wash your face and brush your teeth na.." utos ko. Tumayo naman ang anak kong si Tilly. Mabilis bumaba ang kambal at ako naman inayos ko ang kama ko. Saktong pumasok si Manang Gloria, "Manang baka may pumunta dito na mag deliver ng bed ha? Kunin nyo po, ako po nag order nun bayad na po 'yun.." wika ko at nilapitan ko ito. "Okay po ma'am ako na ho ang bahala. Tapos po i-ayos na po namin ang inyong kwarto." nakangiti nitong sagot. Ngumiti ako at tumango," Okay po salamat, paki yung kambal nang ha? Mag handa lang ako ng breakfast." paalam ko at lumabas na ako. LAXUS TIMOTHY FERRER "She just block me?!" gulat na tanong ko at muli kong tinatawagan ang number na binigay sakin ng private investigator ko. "F*ck it!" mura ko ng hindi man lang mag ring, "Darn! " ines kong binagsak ang cellphone ko na saktong pumasok ang kaibigan ko na si Walsh Han. "Bad mood ka ata? Anyway I heard from Ashton she's back. I mean your Ex Wife.." tanong nito. Umayos ako ng upo at niligpit ang gamit ko. " Yeah, hindi ko alam kung kailan. Basta bigla na lang siyang nag pakita sa party namin noong nakaraang araw." sagot ko. "Siya pala ang anak ng mga Fior? Totoo pala ang balita na ang anak ng mga Fior na nag iisa ay nabuhay ng mag isa at gusto nito maranasan ang buhay ng mahihirap. Kaso mukhang maling tao pa ang ginagago." natatawa nitong kwento sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. "Easy bro, karma mo na yan. Sana lang hindi kana balikan pa niya sayang kasi buhay niya sa'yo." tumatawa nitong wika "Kaibigan ba kita talaga? Kung makapagsalita ka!" sigaw ko dito. "Oo kaibigan mo ako, kami ni Ashton pero hindi namin itototalerate ang ginawa mo na kahayupan sa ex wife mo. Sa oras na makita ko siya sasabihan ko pa siya na huwag kana balikan." sagot nito at ngumisi. "Baguhin mo muna sarili mo pre. Nakakahiya ka maging kaibigan. Mayaman ka nga gwapo ka nga pero para kang heartthrob ng college time natin playboy and f*ck boy. Wala ka na sa teenage life pre. Wala ka ngang bilang sa kalendaryo." wika nito at tinapik ang braso ko at tumayo. "Pag isipan mo ang sinabi ko." wika nito at tuluyan ng umalis ng opisina ko. Napa iling na lang ako at nag pa tuloy ako sa pag ta-trabaho ko. Hanggang pumasok si dad sa opisina. "Laxus, gusto ko imbatahan mo ang dati mong asawa for the dinner tonight. Sa bahay natin." wika ni Dad at umupo ito sa receiving area. "I can't dad, banned ako sa kumpanya niya blocked na rin ang number ko sa kanya. I can't call her." sagot ko at binaba ko na ang huling papers na kailangan kong pirmahan at basahin. "Then find her home, or call her office or maybe her secretary?" may pagka sarkastikong wika ni Dad. Napa buntong hininga ako at umiling, "Fine, para saan ba at kailangan siyang pumunta sa dinner? Alam natin na hindi sila close ni Mom or even you, to her." tanong ko habang tinatawagan ang secretary ni Cierra. "Good day ma'am/ sir. This is Luna, Miss Cierra Raven Fior secretary." bungad ng secretary ni Cierra. Narinig kong maingay ang kabilang linya nito. "This is Mr. Laxus Ferrer, can you tell your boss, me and my family want to invite her for dinner tonight." wika ko. "Oh? Okay Mr. Ferrer I will tell her, please send me your address and then I will call you back if she agrees or not." wika nito. "Okay thank you.." sagot ko. Mukhang ang secretary niya ay kasama niya dahil mukhang mobile din ang gamit nito. Agad kong pinadala ang address namin. "Well, i will ask her for merger malay mo naman dahil sa pagsasama ng dalawang malalaking kumpanya ay mag ka balikan kayo?" sagot ni Dad. Umiling ako bago mag salita. "You want to use her right? Her money right? Like you do before to our Mom." malamig kong tanong na kina wala ng ngisi nito. I know that, para sa kanya lahat ay pera lang. "Watch your words, I'm still your Father!" may galit sa tono ng boses nito. Nagkibit balikat ako at nag salita. "Good luck sa pangungumbinsi sa dati kong asawa." yun na lang ang sinabi ko at hindi na ako muling umimik pa. CIERRA RAVEN FIOR "Dinner sa impyerno nilang bahay? Pfft he kidding me?" tanong ko sa secretary ko habang kumakain kami ng ice cream at pinapanood ang dalawa kong anak masayang nag lalaro. "Oo yun ang sinabi ni Mr. Ferrer, ano tatanggapin mo ba?" tanong ni Luna sa akin. Kumaway muna ako sa anak kong si Heather na kumaway pag una sa akin at nginitian ko ito. "Well, pwede naman baka sakali may kwenta naman ang sasabihin nila." sagot ko na lang. Tumawa lang si Luna at ang salita. "Savage.. okay sige may papadala na ako ng message na pumayag kana." sagot nito. Tumango lang ako ay kinuha ko ang ice cream ni Luna at kinainan ito na kina sama ng tingin nito sa akin. "Paano kung malaman nila na isa kang secret agent? Kapag nalaman yan ni Laxus o ni Mildred gagamitin nila yan sayo." tanong ni Luna habang nag titipa ito. "Ako na bahala sa bagay na yun, wag ka mag aalala." sagot ko na lang at umayos ako ng upo at pinanood ko ang anak ko na naglalaro pa rin hanggang ngayon. Hinayaan ko sila d'yan hanggang mag sawa sila at gutumin ulit. "Nasabi ko na pupunta ka. Sigurado na nagdiriwang ang mga yun." wika ni Luna sa akin. Ngumisi lang ako at hindi na umimik, nag paalam ito na pupunta sa anak ko kasama ang yaya ng mga bata. Hahayaan ko lang sila sa gusto nilang gawin at isipin, mas mainam yun kesa mag salita ako ng mag salita. Nakita ko na lumabas na ang anak kong si Tilly nag pa punas ng pawis sa likod at bumalik ulit agad. Napa ngiti lang ako at hinayaan na silang mag laro. Nag papasalamat din ako sa D'yos na kahit na ang mga anak ko ay walang sakit o ano man. Healthy ko silang pinag buntis, kahit ang hirap dahil kambal sila, at nagpapasalamat din ako na kahit na galit si Mama sa akin sa naging plano ko. Hindi alam ng Mama ko ang pag papa-implant ko ng sp*rm sa matris ko para lang mag ka baby ako. Akala ni Mama pa noon na si Laxus ang ama pero pinaliwanag ko sa kanya lahat. Kahit na sa una nagalit siya sa akin, pero nang makita niya ang twins natuwa siya at lahat ng galit at tampo nawala yun. Simula noon tinulungan ako ni mama sa lahat lahat. Masaya ako dahil kahit nangyari sa akin ang masasamang bagay na 'yun ay nandito siya para suportahan ako at hindi ako iniwan ng panginoon. "Mommy ang saya po! Mas lalo po doon sa slide po!" nagising ako sa maliit na tinig ng anak ko na si Heather. Hinawakan ko ang pisngi nito at hinalikan ang dulo ng ilong nito. "Really? Mag play pa kayo." wika ko. Tumakbo naman si Tilly palapit sa akin. "Mommy gutom na po ako. I heard my tummy growling po!" wika ng anak kong si Tilly na kina tawa ko na. "Me too also mommy!" si Heather naman. Tumawa lang ako at binigyan ng halik ang mga anak ko sa noo. "Sige na kakain na tayo, punasan mo muna yaya ng pawis sila then ayusan saglit then go na tayo." utos ko kay yaya. "Opo ma'am. Tara na baby girl." aya ni yaya sa kambal. Ako naman ay tumayo na at nag tungo kami sa restroom para ayusan muna ang kambal para fresh naman sila mamaya. Binuhat ko ang anak kong si Heather at naglalakad na kami, nang makarating kami inayusan ko si Heather ng buhok pinabanguhan ko at pulbo na din. "Ang ganda naman ng twins na yan!" wika ni Luna at kinunan ng litrato ang dalawa. Natawa lang ako at hindi na umimik, nang matapos ang pag aayos nila ay agad nag pabuhat, si Heather naman kay Luna na kina simangot ni Luna. Sadyang malapit ang mga bata talaga kay Luna wag lang masama ang gising. "Kakain na tayo okay?" wika ko hawak ko ang kamay ni Tilly at isang kamay nito hawak nito ang isang kamay ni Yaya. "Mommy kakain po tayo ng marami?" tanong ng anak kong si Tilly. "Yes honey, alam ko gutom kayo at gutom din si mommy." wika ko at pumasok kami sa isang Filipino restaurant. Nag hanap kami ng ma uupuan at nang makahanp iniwan ko sila. "May Family buffet yun ang kunin natin para marami." wika ko. "Opo ma'am sige po masarap po yun!" wika ni Yaya. Tumango ako at nag lakad na papunta sa counter pagdating ko doon agad kong sinabi ang gusto kong i-order. Nang matapos buhat ko sa tray ng drinks namin and spoon. Pina-gitnaan namin ni Yaya Janet ang mga bata at nang dumating ang pagkain ay nag dasal muna ang kambal ko. Matapos nito ay kumain na kami. Ako naman ay nag kamay may plastic gloves sila kaya hindi madudumihan ang kamay ko. Sinubuan ko ang dalawang kong anak, gusto nila yung galing sa kamay ko. Ang anak kong si Heather ay ayaw bitawan ang kanyang tubig sa hindi ko malaman na dahilan. "Mommy we can stay here any longer pa po?" tanong ng anak kong si Tilly. "Why? You want to stay here na for good?" tanong ko sa anak ko. Hindi naman ako takot na mag stay na dito ang inaalala ko lang ay ang kumpanya dahil doon sa Australia ang main ng kumpanya. "Yes po Mommy because i love the weather and then all the kids and parents there are super bait po.. " sagot ni Tilly sa akin. "Opo mommy, Tilly is right po kasi one of the Mommy there help me when i want to get up, for a slide." segunda na ng anak kong si Heather. "Okay mommy will think about that okay? You know Mommy's reason why we are here right?" tanong ko sa aking kambal. "Of course Mommy!" sabay na sagot ng mga anak ko. Nag patuloy kami kumain hanggang matapos nag iwan ako ng isang libong tip at nagpasya na kami bumili ng iba pang gamit na kailangan ng mga anak ko. Nag pa bili din sila ng kanilang coloring book at sketch book, mahilig mag drawing ang dalawang bata at magsulat ng pangalan nila. Kahit mga apat na taon pa lang sila. Matapos ng lahat at nag pasya na kaming uwi, mabuti at alas singko pa may oras pa ako magpahinga at mag luto ng gabihan nila. "Ma'am ako na po bahala sa mga bata pahinga na po muna kayo." wika ni Yaya Janet. "Hindi na po Yaya, yung foods na lang sana irequest ko na kayo na ho mag luto." sagot ko. "Sige po Ma'am. Cierra ako na ho ang bahala, " nakangiti nitong wika at ako naman ay kinuha ko na ang mga gamit ng mga bata. Si Luna naman ang nag akyat ng ibang gamit na binili namin para sa mga kids. Pag pasok ko sa kwarto nakita ko na inaantok na ang kambal. "Twins, take a little rest and then maligo saka matulog na okay?" pag kausap ko sa mga bata habang nag aayos ako ng gamit nila. Nang wala akong makuhang sagot agad akong napa lingon at doon, nakita ko na tulog na ang dalawa kong anak na kina iling ko na lang. Binihisan ko ang dalawa saka ako nag handa para maligo at nag ayos ng sarili ko. Para sa dinner ng pamilya Ferrer, kung bitter ba ako? Hindi, matagal na akong nawalan ng pagmamahal sa dati kong asawa at tinuon ko ang sarili ko sa kambal kong anak at pagmamahal sa pamilya ko. Isa na rin ang trabaho sa naka tulong sa akin para maging maayos ako, kahit noon ay pakiramdam ko hindi na ako makaka ahon pa. Pero totoo ang sinabi ni Papa at Mama, time will heal everything. When that time comes, doon mo marerealize na wala na. Doon mo matutunan na mas mahalin ang sarili mo higit sa kayang ibigay sayo ng partner mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD